Chapter 23

2 0 0
                                    

Rubens POV

“Nandito na tayo .”

Binuksan naman kaagad ni Julie ang pinto na nasa passengers seat at lumabas na ito.
Yung kaibigan niya namang sinasabi niya ay nakita kong ipinark na ang kotse nito.

Nagkasabay narin kaming lumabas at tumakbo na kaming tatlo sa loob ng ospital.

----------------------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


“Ano pong nangyari sa kanya ?”


Agad na tanong ni Julie kay Aling Elsa na maid nila Mae Ann at nakaupo sa kama habang hinihimas nito ang ulo ni Mae Ann habang malambing na natutulog..

“Nadatnan lang kasi namin siya kanina na inaapoy ng lagnat.”


Sagot naman nito. Nagkatinginan naman kami ni Raniel. Nakaupo lang siya sa extra chairs na nasa gilid ng kama. Nagulat pa siya ng makita na may kasama kami ni Julie. Pero ipinag walang bahala niya lang ito sa halip ay tumingin sakin ng galit.


“What are you doing here ?”


Tanong nito sakin.

“Dumalaw kay Mae Ann. Bakit ? Sayo bang teritoryo to ?”


Sumbat ko naman sa kanya.


“Pwede ba tumahimik kayong dalawa.”


Agad namang saway samin ni Aling Elsa kaya tumahimik naman kaming dalawa.


“Hmm.”


Biglang umungol si Mae Ann kaya hinawakan ni Julie ang kamay nito.

“Mae Ann ? Honey Im here. Its Ate Julie.”

“Ate Julie ?”


Iminulat nito ang mata niya. Lumapit narin si Raniel. Haiisssh. Ganyan nga talaga siya. Kunwaring concern sa kapatid.


“Ate Julie.”

Pagtatawag ulit nito ng pangalan ni Julie.


Ng akmang babangon si Mae Ann ay lalapit sana ko para tulungan siya pero mas malapit si Raniel kaya siya ang nagpa bangon dito.

Raniels POV


“Ano ba kasi ang nangyari Nanny Elsa ?”

“Hindi ko alam kung anong ginawa ng kapatid mo at bakit siya inapoy ng lagnat.”


“Oo nga eh. Mabuti nalang napansin ko kanina ang pag ungol niya.”


Sagot naman ni Nanny Ferlyn.


.

Haiisshh. . Ano ba kasi talagang ginawa niya ? Shit naman eh.

Nag aalala ko. Buti nalang bumaba yung temperature ng lagnat niya. At medyo ok na siya ngayon.

Nagpagamot narin ako ng mga pasa ko sa mukha na sinuntok kanina ni Ruben. Hayop siyang kaibigan. Ano bang ginawa kong masama sa kanya ?

“Lalabas muna ko ha ? Mag C-CR lang ako.”-Ferlyn


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


“Ano pong nangyari sa kanya ?”


Nagulat ako ng biglang dumating si Julie. Napangiti na sana ko ng makita ko ang kasama niya. Kasama nito si--------. Haissshh. Ewan. Ang traidor.
At may kasama silang isang hindi kilalang lalaki na parang ka age lang namin.

I love This MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon