Julie’s POV
Hayy. Ang sarap ng tulog ko. Napatingin ako sa clock na nakasabit sa wall ng kwarto ko.
WAAHHH!!!
Alas nuebe na. 2 hours na kong late sa school. Bat hindi ako ginising ng mga maid namin dito? I’ll fire them. Kainis. Kumaripas ako ng takbo papuntang CR para maligo. Bigla ko nalang naalala yung kagabing date namin ni Raniel. Pagdating ko ng bahay ay sarado yung gate kaya inakyat ko yung bakod. Hindi naman masasabing akyat bahay ako eh bahay ko to. Hindi naman ako pwedeng mag doorbell. You know why? Simple.
After nung klase ko, umuwi ako ng bahay. Hindi ako nagpakita kay Lolo. Wala akong gana makita ang very masungit niyang mukha. Itsura kasi ni Lolo ko palaging sumisimangot. Kay mommy lang ako nagpakita para naman isipin niya na tinupad ko yung sinabi niya. At siya ng bahala na sabihin kay Lolo na nakauwi na ko. Dumiretso lang ako ng kwarto para magbihis nun. Umalis ako ng hindi nagpapaalam. Ang weird ko nuh? Sinabi ko nung una na isa-snob ko yung date na hinihingi sakin ni Raniel. Pero nagbago kasing isip ko eh. Nagkausap kasi kami nun ni Mae Ann kaya ayun, I felt pity na naman sa little sister ko. Sabi ko nga diba? I love her so much so I want her to be happy.
So ganito na yun. Inayos ko yung unan sa kama ko and tinabunan ito ng kumot na kunwaring ako na tulog. Nagaya ko lang naman yan sa mga pelikula sa TV eh. Hahaha. Ewan ko ba kung nabuko nila o wala. Sana naman wala. Lagot talaga ko kay super may masungit na face na Lolo ko promise.
Oh wait hindi pa ko nakapag shampoo.
***BRrRRRrr***
. . after 123456789 years..
natapos nari akong sa pagliligo. Nakabihis narin ako. Kahit pagliligo lang natatagalan ako. Wag nalang kaya akong pumasok this morning. Magiging center of attraction ako dun eh ilang oras na kong late. Later nalang ako papasok after lunch.
“Where did you go last night?”
Napalingon ako doon banda sa may pinto ng kwarto ko. Halos mapatayo ang buong balahibo ko ng makita si Lolo na nakatayo doon. Para siyang MUMU. . Hahaha. Matandang mangkukulam.
“ANSWER ME!!!”
Nagulat ako sa biglang pagsigaw sakin ni Lolo. Nakaramdam na ko ng takot. Kaya napayuko nalang ako.
“I know about that stupid thing you did last night. You know what Julie, youre the most worthless child I ever knew. I think you need to pack your things. I will booked a flight for you. Youre going back with me on States. Were leaving a day after a week.”
“No Grandpa please I don’t want to go there. I want here in Iloilo. I promise I will never ever repeat it again. Please Grandpa please.”
Napapaiyak na ko. Napapayakap narin ako ng mahigpit kay Lolo habang nakikiusap na wag akong dalhin ng States. Ayoko talaga dun. Ayoko talaga.
“What’s happening here?”
Bigla kong narinig ang voice ni mommy. Napabitaw ako kay Lolo at tumakbo kay mommy at sa kanya na naman ako napayakap ng mahigpit habang patuloy ang hagulgol ng pag iyak ko.
Im not weak ha? Im A strong person kahit girl ako. WORST lang kasi nito ngayon eh.
“As usual, you have no idea of what your daughter did last night.”-Lolo.
Pinabitaw ako ni Mommy sa pagkakayakap sa kanya. Nakayuko lang ako. Hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso coz my heart feel hurt. Iyak kasi ako ng iyak kaya sumasakit yung dibdib ko.
“Baby can you tell me of what your Grandpa mean?”
Tanong sakin ni Mommy sa mahina at sweet na boses.
BINABASA MO ANG
I love This Monster
TienerfictieAuthor: Mae Ann Ordaniel Diaz Authors Note: Hey. Amyz Girl here. . Muli na namang pagtatagpo.. ^-^ Do you believe in the famous quotation  "The more you hate the more you love ?"  well, Ill tell you a story about a girl wh...