Chapter 25

2 0 0
                                    

Raniels POV


Wala kong magawa kanina habang sinisaktan ni Daddy si Mae Ann. Wala kong lakas pagdating kay Daddy. Pero nung sinaktan niya si Julie kanina, parang gusto ko siyang suntukin.

Nandito ko ngayon sa kwarto ko. Nakahiga lang. Umuwi na kami dahil hindi na naman kailangang maconfine pa ni Mae Ann dun. Medyo ok narin naman yung pakiramdam niya at kailangan nalang niya ng patuloy na pag inom ng gamot. Hindi rin siya pwedeng makapasok ng skul hanggat hindi pa siya magaling.

I look at my phone at tiningnan yung oras. Its already 10:30 sa gabi.


*tok tok*

Ipipikit ko na sana yung mata ko when Someone knock the door.


“Tuloy.”


Binuksan nito ang pinto at bumungad sakin si Daddy. Parang gusto ko siyang suntukin. Kumukulo yung dugo ko sa kanya.

Naramdaman kong umupo siya sa kama ko kaya napilitan akong bumangon.

“Why ?”

I asked.

“Aalis ako ngayon.”

Ok fine. Its all about business na naman. Palagi nalang siyang wala.


“Siya nga pala. Anong nangyari sa mukha mo ?”


Hinawakan ko ang pisngi ko at umiling lang.


“Wala to. Kunting gasgas lang.”


I keep that I hate him.

“Nag away kayo ni Ruben ?”

Pano niya nalaman ?

“Pano niyo nalaman ?”


“Eh pareho kayong may mga galus sa mukha eh.”


“A slight mis understanding between us lang po.”

“Ok. Sige. Ayusin niyo yan. Alis na ko.”

“Sige Dad. Ako ng bahala kay Mae Ann.”

Aalis na sana siya ng muling tinuon ang tingin sakin. Ipinaalala ko lang sa kanya ang youngest daughter niya. Simulat ngayon wala siyang pakialam dito.

“So magkasundo na pala kayo ng kapatid mo ?”

He smiled bitterly.

“Dad tama naman yung sinagot sa inyo kanina ni Julie eh. Anak mo rin si Mae Ann. Dad kailangan mo siyang itrato ng tama.”

I already want to tell him all about a defects na nasa kanya.
Ngumiti lang ulit siya at hinawakan ako sa kanang balikat.

“Shes not my daughter.”


Raniels POV

“Shes not my daughter.”


“Anong sabi niyo ?”


Inalis nito ang kamay niyang nakahawak sa kanang balikat ko at yumuko. Pagkatapos ay ibinalik naman ulit nito ang tingin sakin.


“Iho makinig ka sakin.”

Ikinuwento ni Daddy sakin ang lahat2x. May minahal siyang ibang babae pero inagaw lang ito sa kanya ng matalik daw niyang kaibigan. At ngayon na nagmahal ulit siya, at yun ay si Mommy, pinipilit na naman daw nitong agawin nung kaibigan niya si Mommy sa kanya.


Pinakasalan daw ni daddy si Mommy ng maaga at sekreto para wala ng karapatan ang kaibigan niyang agawin si mommy sa kanya. Bumunga ang pagsasamahan nila ng isang batang lalaki. At ako yun.

Pero nagkita si Mommy at nung kaibigan ni Daddy sa isang tagong lugar. At dun may nangyari sa kanilang dalawa.


“Pero bakit pumunta si Mommy sa isang tagong lugar kasama nung kaibigan niyo ?”


Bigla kong naitanong kay Daddy. Naguguluhan kasi ako.

“Ewan ko. S-siguro, dahil pinilit lang nito ang Mommy mo. S-siguro binantaan niya kaya napilitan yung Mommy mo na makipagkita sa kanya.”

Tumayo si daddy at humakbang na palabas ng kwarto ko.


“Gusto kong ilihim natin to.”

Habol niya matapos ay lumabas na.

I sighed.


Nakakaawang kapatid ko. Kung pwede lang sanang ako ang pumalit sa sitwasyon niya gagawin ko.


Julies POV

Kanina pa ko hindi pinapansin ng engot na to. Ano bang nangyari dito ?

Nandito kaming dalawa ngayon sa kwarto ko. Pinilit ko kasi siyang magkatabi kami sa pagtulog. Bestfrend naman kami eh. At parang Kuya lang ang turing ko sa kanya. Umaayaw siya kanina pero walang magawa dahil nagpupumilit ako.


Ito ako ngayon nakahiga sa kama ko at siya naman ay tutok na tutok ang panonood sa TV ko. Hihintay ako ng limang minuto. Kapag hindi niya pa ko pinansin, didisturbuhin ko na talaga siya .


After 5 minutes of waiting. . .

Urrggh. .


“Alam mo Francis antok na antok na talaga ko ha.”


“Ehdi matulog kana jan.”

“Pano ko makakatulog nito eh kanina ko pa hinihintay na pansinin mo ko, hindi mo manlang ako pinapansin.”


Inagaw ko yung remote control and I turned off the TV.

“Ano ba akin na nga yang remote .”

Tumakbo ako at hinabol niya naman ako. Nag habulan lang kami ng naghabulan sa loob ng kwarto ko.


“Hahahaha. Ayoko na best. Ayoko na talaga.”

“Ibigay mo sakin yung remote kundi kikilitiin pa talaga kita.”

“Hahahaha. Ayoko nga. Best tama na. Hahahaha.”

Inilalayo ko sa kanya ang remote pero malakas siya kaya nakuha niya ito sakin.

He turned on the TV at tumabi naman ako sa kanya.

“Ano ba yang pinapanood mo ?”


Napatanong ako sa kanya kahit kitang kita ko yung Title ng pinapanood niya. Nakikita ko sa taas na nasa left side. * Endless Love *. Yung sina Marian Rivera at DingDong Dantes yung bida. Nasa channel Fox Filipino.


Ayan na naman hindi na naman ako pinapansin ng engot na to.

“UWAAHHH !!! I wanna cry !!! UWAAHH!!!”

Umiyak ako ng napakaingay. Tinatadyak ko pa yung paa ko.

“Ano ba Julie ang ingay.”

Saway naman niya sakin.

“UWAAHH !!!”


Ipinagpatuloy ko lang ang pag iyak ko hanggang sa maasar siya sakin.

“Stop !!!”

Napatigil ako ng bigla niya akong sigawan.
Napayuko nalang ako.


“Hindi mo kasi ako pinapansin eh. Ano ba kasing problema?”

I love This MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon