Chapter 35

2 0 0
                                    

Winas POV


“Papa ? Excited na po akong matulog dun sa bahay ni Mommy bukas.”


I am lying on my Papa arm . Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Pumunta ako dito at dito matutulog.
Wala lang. Gusto ko lang makatabi si Papa.

“Basta bukas behave ka lang anak ha ? Ipapakilala ka ni Mommy mo sa Lolo mo. Hindi pa naming alam ng Mommy mo kung ano ang mangyayari bukas pag nalam na ng Lolo mo ang lahat.”


“Ano po ba ang nangyari sa inyo noon Papa ? At pano niyo po pala naging ank si Mae Ann.?”


I want to know the truth all about it.

“Alam ng Mommy mo ang lahat. Dahil tapat ang pagmamahal ko sa kanya, kaya kahit kumplikadong situation ni Papa, sinasabi ko sa kanya. Ang nagtayong Daddy ng little sister mo ay matalik kong kaibigan. Pati ang totoong Mommy nito. Nagmamahalan kaming dalawa ng Mommy mo. Pero  si Mary Ann na Mommy ng little sister mo ay mahal ako. Hindi ko siya mahal anak. Kapatid lang ang turing ko sa kanya dahil simula pagkabata ay magkasama na kami at limang taon ang ikinatanda ko sa kanya. Mahal siya ni Renzo. Yung Daddy ni Raniel. Ayaw ni Mary Ann kay Renzo pero dahil sa pagkabigo sakin, ay napilitan siyang pakasalan ito.”

Nakikinig lang ako sa ikinikwento ni Papa kaya hindi ako nagsasalita. Tahimik na nakikinig ako sa kwento ni Papa.


“Nung gabing yun, Tinawagan niya ko. Pinagkakaguluhan daw siya ng mga lasing sa bar. Magkahiwalay na kami nun ng Mommy mo. Iniwan kita sa Yaya mo nun at pumunta sa bar. Pagkadating ko dun, nakita ko siyang sumasayaw at pinapalibutan ng mga lalaki. Binuhat ko siya papunta sa isang kwarto doon para makapag pahinga siya. Awang awa ako sa kanya. Iyak siya ng iyak dahil hindi na daw siya magiging masaya kahit kailan. Ang pagkakaalam niya kasi nun, kasal na kami ng Mommy mo. Paalis na sana ko ng bigla niya kong higitin sa kamay at hinalikan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero bigla nalang akong nakikipaglaban sa mga halik niya. Pakiramdam ko nun lasing rin ako kahit wala akong may nainom na alak. Kaya ayun. Nagiging bunga nun ay si Mae Ann.”

Yumuko si Papa at tumingin sakin.

Ngumiti siya sakin ganun narin ako.

“Papa gusto ko narin pong makasama si Mae Ann ngayon.”


“Masyado pang kumplikado ang lahat Wina. Kailangan pa nating gumawa ng paraan kung papano natin siya makuha kay Renzo.”


Sinuklay ni Papa ng daliri niya ang buhok ko.


“Gumawa ka po ng paraan Papa. At gumawa ka rin po ng paraan para mapasa atin si Mommy. Na mapasa atin lang talaga siya at hindi na siya maangkin ng Julie na yun. Dahil hindi siya totoong anak ninyo ni Mommy. Kami lang ni Mae Ann ang anak mo.”

Halatang nagulat si Papa sa sinabi ko.
Pinaupo niya ko sa lap niya at tiningnan ako ng diretso.

“Ikaw ba yan Wina ?”

“Ano bang klaseng tanong yan Papa ? Ofcourse its me.”


Humiga ako sa kama at tumalikod sa kanya.


“Inagaw niya sakin si Mommy ko. Inagaw niya sakin ang lalaking mahal ko. Inagaw niya sakin ang little sister ko. Pati narin ang kayamanan ni Mommy siya ang umangkin sa loob ng labing anim na taon. Kaya gusto ko siyang mawala sa paningin ko. I hate her.”

Francis POV


“Francis ? Francis ?”
   

Natutuwa akong asarin siya. Tawag siya ng tawag sa pangalan ko pero hindi ko siya pinapansin.


Napansin kong hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal ito mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Niluwagan ko ito para kunwaring tulog na ko.


“Francis ?”

Tinawag niya ulit ang pangalan ko pero hindi ko ito sinagot.

Naramdaman kong tinrace niya ng daliri niya ang ilong ko at ginalaw ang eyelashes ko.


Naramdaman ko ring inilig niya ang ulo niya sa dibdib ko. Hinawakan niya ng dahan2x ang kamay ko at niyakap ito sa kanya.

Napadilat ako ng kunti para makita siya.


Ngumiti nalang ako ng patago.


Natutuwa ako sa kanya.

Julies POV


Dear Raniel.

Bukas na bukas din aalis na ko. Kukunin na ko ng tunay kong Ina. Mag iingat ka dito ha ? Mamimiss kita. Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang lalaking mahal ko.

Ni-fold ko an gang paper at nilagay sa drawer ko. Wala akong magawa kaya naisipan kong magsulat ng letter kay Raniel.


Lumabas ako ng bahay kahit gabi na.

“Julie ?”

“A-anong ginagawa mo dito ?”

Nagulat ako ng bumungad sakin sa labas si Raniel.


“Naghihintay kasi ako na baka makita kita ngayon kaya pumunta ko dito. So timing. Lumabas ka ng bahay niyo. Kaya nagkita tayo ngayon dito sa labas.”

Anong ibig niyang sabihin ?


Lumapit siya sakin na nakangiti.


Hinawakan niya ko sa pisngi.


“Nag aalala ko sayo . Ok ka lang ba ?”


Inalis ko yung kamay niya na nakahawak sa pisngi ko at tumingin sa malayo.


“Bakit ka pa pumunta dito ? Diba dapat si Wina yung puntahan mo ?”

Naramdaman kong hinawakan niya ko sa braso.


“Ikaw ang nangangailangan ng karamay ngayon. Julie ikaw ----.”

“Si Ruben dapat ang nandito ngayon dahil siya ang mahal ko.”


Bigla niyang binitawan ang braso ko ng marinig ang sinabi ko.

Halatang nagulat siya at ganun din ako. Hindi ko alam kung bakit yun ang salitang lumabas sa bibig ko. Alam kung hindi yun totoo. Siya ang mahal ko. Si Raniel ang mahal ko.


Pero ayokong marinig ang sasabihin niya sakin ngayon. Alam kong mahal niya si Wina. Hindi niya alam na mahal ko siya.

Kaya kahit sa ganitong paraan lang rin naman, matutunan kong umiwas sa nga bagay na maaari akong masaktan.

“M-mahal mo siya ? M-mabuti naman. M-mahal ka rin nun eh. At tsaka, at tsaka boto ako sa inyong dalawa.”


Tumingin ako sa kanya pero nakayuko ito. Tumingin siya sakin at ngumiti.

“Suportahan mo rin sana kami ni Wina. Alis na ko.”


Humakbang si Raniel papunta sa kotse niya. Sumakay siya dito at umalis na.


Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko na mapigilang hindi umiyak. Napaupo ako at doon napahagulgol sa pag iyak.


Mahal ko siya. Mahal kita Raniel. Mahal na mahal kita kahit halimaw ka.


A/n : Tulog muna ko. Its already 12 midnight na antok na ko . . ZZzzzzzzz. . .


Syempre babalik ako. More comments and votes pa po. .

@@@@@updating ……………………………..


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love This MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon