Chapter 32

2 0 0
                                    

Julies POV


Sumakay kaming dalawa ni Mommy sa kotse niya papunta sa bahay nila Mae Ann.
Si Mommy ang nag d-drive samantalang ako ay nakaupo sa passenger seat.

Nang makarating na kami ay pinindot naming ang door bell at binuksan naman agad ito ng guard.


“Pasok po kayo Mam.”

Pumasok agad kami ni Mommy sa loob. Hindi na kami tinanong kung sino kami at kung sino ang hinahanap naming. Dire diretso lang kami ni Mommy sa pagpasok sa loob ng mansion dahil nakailang ulit na naman akong nakapunta dito so hindi nakakagulat kung bakit kilala na nila kong lahat.

Umakyat ako ng stairs papunta sa kwarto ni Mae Ann. Ganun din ang pagsunod ni Mommy sakin.

Ng nasa labas na ko ng kwarto niya, nagulat ako ng bigla siyang lumabas at umiiyak.

Hinigit ko ang kamay niya at niyakap siya.

“What happened ?”


Napaangat siya ng ulo para makita ako.

“A-ate ? *huk*.”


“Anong nangyayari sayo ? Bakit ka umiiyak ?”

Bigla namang lumabas mula sa loob ng kwarto niya si Raniel at si Wina.

N-nandito si Wina ?


Sumunod na lumabas ay isang matandang lalaki na may kasing edad ni Mommy.


“Agnes ?”

“Carlos ?”


Napatingin kaming lahat sa kanilang dalawa ng bigla silang nagyakapan.


Nakita ko ang mga luha sa mga mata nilang dalawa na dumaloy sa mga pisngi nila.

“Papa anong ibig sabihin nito ?”

Natatarantang tanong ni Wina sa lalaki.

Lumapit si Mommy kay Wina at hinaplos nito ang mga pisngi ni Wina.

“Ikaw na ba yun ? Ikaw na ba yung anak ko ?”

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari ngayon. Halata rin ang pagkagulat sa mukha ni Wina. Nakita ko siyang tumulo ang mga luha niya.

Binitawan ko si Mae Ann at hinaplos ang mukha ko.


“M-mommy . . . Mommy ano to ?”


Bumitaw sa pagkakayakap si Mommy kay Wina at lumapit sakin.


Hinawakan niya ko sa mga pisngi ko at inaangat ang ulo ko para makatingin ako sa kanya.

“Julie. . Anak ko si Wina.”

“Mommy pano mangyayari yun eh ako ang anak niyo. At pano mangyayari yun eh magka edad lang po kami ni Wina ?”


“Makinig ka sakin anak. Siya ang anak ko. Ang totoo kong anak.”

Raniels POV

Hinabol ko si Julie habang tumatakbo palabas ng bahay. Umiiyak siya matapos aminin sa kanya ng Mommy niya na hindi siya tunay na anak nito at si Wina ang tunay na anak.


Tumatakbo si Julie sa gilid ng highway at dahil sa mas mabilis akong tumakbo kaysa sa kanya, madali ko siyang naabutan.


“Bitawan mo ko . Huuuhhhhh. . Huuhhhhhh. . Bitawan mo ko.”


Iyak siya ng iyak.
At nagpupumiglas siya para mabitawan ko ang kamay niyang hawak2x ko.


Bigla siyang napaupo sa sahig.
Tinatakpan niya ng mga palad niya ang mukha niya at dun napahagulgol ng iyak.


Umupo ako sa tabi niya at niyakap ko siya.


“Bakit ganito ? Huuuuuhhhh. . Hindi ko kaya. . Huuuuhhhhh.”


“Ssshhhhh. . Tama na Julie. Wag ka ng umiyak.”

Shit. Di ko mapigilang hindi tumulo yung mga luha ko. Pakiramdam ko nasasaktan rin ako dahil nasasaktan ang babaeng mahal ko.


I love This MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon