Chapter 34

2 0 0
                                    

Mae Anns POV

“Kuya ? Anong ginagawa mo dito sa labas ? Gabi na po ha. ”


Nadatnan ko si Kuya na nasa labas ng bahay.

Nakaupo siya sa cemento sa gilid ng high way.


“Wala . Trip ko lang lumabas. Hindi kasi ako makatulog eh. Teka. Ikaw anong ginagawa mo dito ? Hindi bat may lagnat ka.?”

Lumapit ako at umupo sa tabi ni Kuya.
Tumingin ako sa langit.


“Wala na po akong lagnat.”

Napansin ko namang nilapit niya ang kamay niya sakin at hinawakan ang leeg ko.
Matapos ay inalis na niya ito.


“Buti naman magaling kana. So anong plano mo ngayon ?”

Napatingin ako kay Kuya at nakita ko siyang nakatingin narin sa langit.
Binalik ko naman agad ang tingin ko dun.


“Plano po saan Kuya RR ?”

“Diba nalaman mo na ang katotohanan ? At nahanap ka narin ng totoo mong Daddy.”

Tumahimik ako bigla.

“Sorry bunso ha ? Hindi ko naman gustong itago sayo to eh. Pero kahapon lang kasi sinabi sakin ni Daddy kaya hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo dahil alam kong masasaktan ka.”


“Okay lang po yun Kuya. Naiintindihan ko. At matagal ko narin po kasing iniisip na siguro hindi ako tunay na anak ni Daddy. Kala ko nga po hindi rin kita totoong Kuya eh. Yun pala Kuya kita kay Mommy. At siya lang pala ang hindi ko Daddy. Pero hindi ko tinatangging napamahal ako kay Daddy Kuya. Kasi kahit na strict siya sakin, inaruga niya parin ako at buhay pa ko hanggang ngayon dahil pinalaki niya parin ako kahit hindi niya ko tunay na anak.”


Tumingin ako kay Kuya at tumingin rin siya sakin.

Ngumiti ako sa kanya pero sinalubong niya ko ng tanong.

“Babalik ka sa Daddy mo ?”


Bakas ang lungkot sa mga mata ni Kuya.
Na para bang nagsasabing *wag mo kong iwan*.

Sad to say.


Ito ang sagot ko.

“Hmm.”

I nodded.

Napayuko si Kuya at napansin kong parang tutulo na ang mga luha niya.

Umusog ako malapit sa kanya at niyakap ko siya ng napakahigpit.

“Im so sori Kuya. Gusto ko rin kasing maramdaman ang pagmamahal ng real Dad ko. *sniff*.”


I felt him brush my hair with his fingers.

“I understand.”

Ferlyns POV

“Ano bang nakain mo at sinabi mo kina Nanay at Tatay na mag jowa tayo ha ?”


“Hoy !!!!!”


Hindi niya ko pinapansin. Nakahiga siya sa tabi ko dito sa loob ng kwarto ko. Pinatabi kaming dalawa ng magaling kong mga magulang. Dahil ikakasal na naman daw kami kaya okay lang kung magkatabi kami sa hinihigaan.

Kitams ?

Naku Im sure mas maraming bata ang may gustong ganito ang parents nila.

But Im exempted okay ?

“Hoy kausapin mo nga ko !!!!”

Inaalog alog ko ba siya pero hindi parin ako pinapansin. Ganito ba talaga ang ugali nito ? Great pretender ?

Alam ko naman na gising pa to eh kahit nakapikit yung mga mata.

“Hoy !!!!”


Kiniliti ko yung tenga niya. Hindi niya parin ako pinapansin.


Kiniliti ko rin yung tagiliran niya.

Hindi niya parin ako pinapansin pero nagulat ako ng higitin niya ko dahilan para mapahiga yung ulo ko sa dibdib niya.


Nagpupumiglas akong makaalis pero hindi ko kaya dahil parang hinahawakan niya ko ng mahigpit.


“Teka bitawan mo nga ko !!!!!”

“Tumigil ka jan. May kasalanan kapa sakin.”


Bigla naman siyang nagsalita. Hindi ko alam kung nakadilat yung mata niya o wala dahil nakailig ang ulo ko sa dibdib niya at hirap akong tumingin sa kanya.


“A-anong kasalanan ka jan ? Wala akong kasalanan sayo nuh ?”


Sagot ko naman agad sa kanya habang patuloy ang pagpupumiglas ko paro mabitawan niya ko.


“Sabi mo sakin bestfrend ng bestfrend ko yung Amo mo. Hindi naman pala eh.”


Napaisip naman ako. Naalala ko nga pala.


Mwahahahaha. Pinaaway ko pa siguro silang dalawa. ^-^

“Eh malay ko ba na si Mam Julie yung tinutukoy mo. Akala ko naman si Sir Ruben.”


Napatawa naman ako ng mahina.


“Okay.”

O______O

Yun lang ang sagot niya ?


“Yun lang ang sagot mo ?”

Gulat na tanong ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin.


“Hoy!!!! Tulog ka na ba jan ???!!!”


“Francis ? Francis ?”
   


Tawag ako ng tawag sa pangalan niya pero hindi niya parin ako pinapansin.

Tinanggal ko yung kamay niya na nakayakap sakin. Maluwag na kong nakaalis mula sa pagkakayakap niya.


“Francis ?”

Hindi siya sumagot. Tulog na nga siguro.


Pinagmasdan ko ang mukha niya.


Ang tangos ng ilong niya.

I try to trace his nose line and touch his long eyelashes.


Napangiti ako sa ganda ng mukha niya.

Inilig ko ang ulo ko sa dibdib niya. Kinuha ko rin ang kamay niya at pinayakap sakin.

Gaya kanina ang posisyon namin. Para akong timang na nasasarapan sa ganitong posisyon namin.

I love This MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon