Chapter 9

2 0 0
                                    

Rubens POV


Ganito ko ka bait. Sabihin na nating isa akong tunay na kaibigan.
Si Raniel lang kasi ang matalik ko talagang kaibigan eh. Ayaw kong mag away kami. Huhuhu. >~<

Julie’s POV

Hahaha. Natatawa ko kay Raniel. Niyayaya niya kong makipag date sa kanya. Nagulat ako dun ha. Anong nag udyok sa halimaw na yun para yayain ako sa isang date? Ay oo nga pala. Kapalit nga pala ng pagiging mabait niya kay Mae Ann.

Pero bakit isang date yung hinihingi niya? At dun pa daw sa SkyPlace. Wow ha. I like this Mall. Bongga kayang pasyalan yun. Halos lahat na andun. Sa Parlor nila ako dun always nagpapashine ng beautiful hair ko eh. At nagpapaganda ng pretty face ko. Bongga naman kasi talaga dun. ^-^


Dun rin karamihan pumupunta yung mga nag di-date. Pero kahit na. Pumupunta naman ako dun kung gugustuhin ko lang. Kala niya siguro makakarating ako. Ayokong makipag date sa halimaw na yun. Nakakasira ng mood. At isa pa, ayokong may kapalit yung pagpapakita niya ng kabutihan sa kapatid niya.


Kung totoong mahal niya si Mae Ann, kailangan buong puso yung ipapakita niyang kabutihan. Hindi yung may hinihinging kapalit. Kaplastikan narin yung tawag kapag ganun. Masasaktan si Mae Ann dun. So hindi ako papayag na makipag date sa kanya.

Well, magtiis siya sa kahihintay dun. Dahil hindi talaga ko makakarating. Hahaha.


“ATE JULIE!!!”

Nagulat ako ng biglang dumating si Mae Ann. Tinalunan ako at agad niyakap mula sa likuran. Napapayakap narin ako pabalik sa kanya. Hay naku itong kinakapatid ko. Shes so sweet.


 “San ka galing?”

Agad siyang napabitaw sakin. Umikot at pumunta sa harap ko.

“I miss you so much Ate. Bat di ka nagpakita sakin kahapon?”

O.A naman nito oh. Kahapon lang naman eh. Nakakamiss ba ko? Hehe.

 “Im sori Sweetheart. Busy kasi si Ate eh.”

Well, naalala niyo naman siguro yung kahapon. May ipinagawa si Maam Cindy sakin. Mahirap kaya yung hahanapin mo pa yung mga teachers para lang magpaperma. Tapos yung iba napakahirap hanapin. Kung saan saang sulok pumupunta.

“Young Lady nagtext po ang mommy ninyo. Later 6pm dadating ang inyong lolo galing States.”

Nagulat ako ng marinig yung sinabi ng isa kong body guard. Agad kong kinuha ang phone na nasakasilid sa loob ng bag ko. Binuksan ko ito at binasa yung message. From:Mommy.

-------------------------------------------------


“Uuwi si Papa later 6pm andun na siya sa bahay. Come home early Julie.”

Ok. Wala naman akong pagkaka abalahan eh. Pero wala kong gana umuwi ng maaga. Andun na naman ang matandang mangkukulam. Babantayan na naman nun bawat galaw ko. Pupunuin na naman ako ng mga advice nun.

 “Ate Julie may nagawa ka na bang paraan para magkasundo kami ni Kuya?”

Biglang nagsalita si Mae Ann. Nangako nga ako sa kanya na tutulungan ko siya para maging mabait na si Raniel sa kanya.

 “Uhmm. Wala pa eh. But don’t worry Honey. Sinusubukan kong mag isip ng very effective way para jan.”

 Napangiti naman siya matapos kong sabihin iyon.

“Sana bukas pagising ko okay na sakin si Kuya. Sana bukas maramdaman ko na ang pagmamahal ng Kuya ko.”

 Kung ako lang ang tatanungin, sa mga nakikita ko kay Raniel, parang wala na talaga siyang pakialam sa kapatid niya. Hindi naman siya hihingi ng kapalit kung totoong may pakialam siya dito eh. Naaawa ko kay Mae Ann. Nakikita ko sa mga mata niyang kailangan niya talaga ang pagmamahal ng Kuya niya.

I love This MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon