9 | Unusual

1.3K 110 1
                                    

AZAOUR ISLES
Exodus Era | March 14, 118
__________________

SASKIA
Sashyana Kiaundra Nieves

Ngayon na ang alis namin papunta sa Sachoni Island. Si Ajax na ang nag-impake ng gamit ko dahil siya naman ang may pakana.

"Ga'no tayo katagal d'on ulit?" tanong ko.

He turned to me, "Hm. Basically it's just a day in the Visland March, but then the sail might take longer... so maybe two weeks? More or less?"

I nodded at his answer. "Tapos mamamatay na tayo kasi mawawalan na tayo ng pera," singhal ko at pabirong umirap.

"Ayaw mo n'on, Saskia? 'Til debt do us part," he said in between his laughs. Sarkastiko naman akong tumawa at umirap.

Kumuha ako ng hijab o kumbong, at isinuot iyon. It's a veil for a lady's head, although it's actually worn by Truenoians, people of Trueno Kingdom. It's kind of a protection for women, the veil actually represents that you must not touch the woman.

"Oh, bakit mo tinatapkan mukha mo? Narealize mo bang ang panget mo?" tanong niya.

I rolled my eyes again, "I don't want others to recognize me, Ajax. Hindi naman natin alam kung sino ang makakasalamuha natin."

"Okay, okay," tugon niya habang inaayos ang pagbubuhat ng dalawang maleta namin. He pushed a small bag to me, so it means ako ang magdadala nito at lahat ng mabibigat ay sa kaniya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ikaw? Hindi ka ba natatakot na may makakilala sa'yo."

He scoffed. "Hindi naman ako mamamatay tao katulad mo, Saskia," aniya sabay tawa.

Sinipa ko naman ang hita niya. Muli akong umirap at padabog na kinuha ang maliliit na bags. "Dapat pala talaga hindi na ako sumama," parinig ko, at patuloy naman siyang tumawa.

Hmp.

Nagkaroon naman ang ingay sa labas and I just guess dumating na ang mga dayuhan na sinasabi nila. I peeked at the window, and my forehead creased when I saw a man in a suit.

"Who's that?" tanong ko. Based on his suit, he looks like a count or duke. Hindi naman masyadong magarbo ang suot niya, kaya nasisiguro kong hindi siya prinsipe.

"Oh, him?" Ajax asked. "He's Count Gabriel Pavia. Ngayon mo nga lang pala siya nakita sa personal."

Tumango naman ako at pinagmasdan siya. Tumigil lang ako nang hawakan ni Ajax ang kamay ko, at hinila na ako palabas sa cottage. He waved to some, and I just eye-smiled to some.

"Saskia! Mag-ingat kayo!" one neighbor of us screamed. Napalingon tuloy ang iba. Tumango nalang ako at maliit na kumaway. Ano ba naman 'yan, ang ingay.

Muli akong napatingin sa direksyon ng Count. I realized he was talking with three unfamiliar faces, and they all looked at me with such curiosity. My eyes squinted when I saw a man with green eyes look at me with such curiosity, amusement, and... for a moment, I thought he was familiar.

Nawalay naman ang tingin ko sa kanila nang hilahin ni Ajax palayo ang kamay ko at hinawakan pa ang bewang ko.

"Ang bagal mo naman, excited na ako, eh!" reklamo niya.

I glanced at them one last time, and their eyes were still on me. Then I realized that they also had unusual features like me. One was a little girl who had yellow eyes, one was a man with one orange eye and one masked, and lastly... the one who had green eyes and black hair with white and green streaks.

Maaari kayang, katulad ko, may kapangyarihan din sila?

"Ano ba, Saskia?" suway sa'kin ni Ajax. He held my waist more and cupped my face to turn it to meet his eyes.

Napansin kong napatingin din siya sa mga dayuhan, at saglit na sumeryoso ang ekspresyon niya. Binalik niya ang tingin niya sa'kin, at bigla namang ngumisi. Pinitik niya pa nga ang noo ko.

"Let's go, Saskia," aniya at kinaladkad na ako palayo.

I noticed Ajax look back slightly at the three newcomers. Did he perhaps know that someone was coming, and purposely forced me to go to the Visland March, so I can avoid them?

"Sino ba 'yong mga 'yon? Tingin nang tingin sa'yo. Kaasar," singhal niya.

Umiling nalang ako at nauna na sa paglalakad para mahiwalay na ang pagkakahawak niya sa'kin. Natanaw ko na ang barko mula sa malayo.

Aalis na kami, pero parang maiiwan ang isipan ko rito.

Sino kaya sila, at bakit sila narito?

Legend of Cambions
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Thank you for reading!

Legend of CambionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon