Chapter 4
Third Person's POV
Morana University is an exclusive school for the underworld society members. They only offer Business and management course. May apat na malaking buildings ang paaralan. Sa North ay occupied ng first and second year, Sa South ay para sa third and fourth year students. Nasa South building rin ang Infirmary, Cafeteria, Dean's office, Student Council Office, Library at ang faculty office which is located in first floor. East building is for girl's dormitory on the other side is the boy's dormitory. Nakatayo sa gitna ng kagubatan ang paaralan malayo sa mga syudad.
Morana University is not owned or affiliated by the government. Murder and illegal activities are allowed within the school premises. Dito hinahasa ang mga youngsters sa larangan ng pagkitil.
'Kill Points System' iyon ang pamamaraan para tumaas ang rank ng isang estudyante sa eskwelahan na'to. Pagka-enroll nila ay may nakapatong na agad na points sa kanilang ulo, parang isang bounty na maaring makuha sa iyo. Not money but your own life. Halimbawa kapag galing ka sa isang mob gangster family may 1000 points na nakapatong sa ulo, at kapag galing ka sa angkan ng malalaking mafia ay 5000-10,000 pts. ang halaga ng buhay mo at kapag isa ka lang underlings 500 points para sa'yo.
May limang uri ng ranking; 1S sila ang mga students na may 20k pts. 2S para sa mga may 50k pts. 3S para sa mga 100k pts. 4S 200k pts at ang pinakamataas na ranking ay ang 5S na may 500k above kill pts. The leader of the ranking system will be crowned king. If you graduate with this title you will be rewarded by the underworld society.
Nakita ng security officer ang papalapit na kotse sa screen na may familiar na mafia crest, ang kotse ni Chaos. Pinindot niya agad ang button na magbubukas sa gigantic black gate. Highly secured ang buong university, bawat sulok may mga cctv camera at high powered automated firearms. Kaya hindi basta-basta nakakapasok ang mga civilian at kapag may mangahas at nag pumilit pumasok hindi sila magdadalawang isip patayin ang intruder.
Pinarada ni Chaos ang kotse sa parking lot. May personal space siya dito kaya madali lang sa kan'ya naka-park sa lugar na maraming nakaparada na mamahaling kotse. Napansin ni Chaos kanina pa tahimik si Baby, naglalaro sa isipan niya na seguro natatakot o nakaramdam ng mangamba ang babae. Bumaba na si Chaos, kaya sumunod sa kan'ya si Baby ng baba. Agad ginala ni baby ang kan'yang paningin. Napayakap siya sa sarili dahil sa nanunuot hanggang buto ang klema ng lugar. Napansin ni Chaos na nilalamigan ito sa manipis na suot niyang bestida, pero hindi siya nag aksaya ng effort hubarin ang makapal na coat at ipatong sa balikat ng babae.
He's a mysogyny. Why would he care for her anyway?
"Come." Saad ni Chaos. Nauna siya maglakad.
"School ba'to o ghost town? Nasaan 'yung mga tao? Baka biglang gumapang si sadako o di kaya nasa likod ko na pala si chuckie... A... Andito rin ba si Annabelle the ugly doll?"
Chaos smirked parang may nakuha na siyang hint paano pahirapan ng husto si baby. "You watch a lot of movies huh? No. The class is going on kaya walang estudyante sa school grounds." Chaos answered firmly.
Pagkatapos nila pumunta sa Dean's and registrar office. They went head straight to Chaos' homeroom classroom, bukas pa kasi magsisimula ang klase ni Baby. She was registered as an underling under Chaos Meyer name kaya automatic may 800 pts na nakapatong sa ulo niya. Mataas ang points sa kan'ya dahil sakop siya ng makapangyarihan na Mafia. Napansin ni Baby ang matatalim na tingin ng mga estudyanteng dumadaan. Animo'y isa siyang masarap na karne na handa na nilang katayin at kainin ng buo.
But that doesn't bother her at all. Baril ngang nakatutok sa ulo niya hindi siya takot, sa mga estranghero pa kaya na may bloodlust intent lang. Mas napukaw ang atensyon niya sa reaction ng mga students ng dumaan na si Chaos. Para siyang Hari na binigyan ng daan, at respeto ng mga estudyante. Walang sino man ang nagtangkang tignan siya sa mukha.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Baby (Completed)
RomanceIn the unforgiving world of Mafia, underboss Chaos Meyer stumbles upon a mysterious girl sleeping in his car. Initially intending to dispose of her, he finds himself captivated by her enigmatic allure. As their relationship deepens, Chaos grapples...