Chapter 31
Pinaulanan ng bala ang bahay ko. Si Whitey! Gumapang ako patungo sa higaan niya.
"Autumn!" pasigaw na tawag ni Chaos sakin. Ngumiti ako nang mag tatakbo lumapit si Whitey sakin. Mayayakap ko na sana siya ng tamaan siya ng ligaw na bala.
Nadurog ang puso ko nang mamatay sa harap ko si Whitey.
"Tumakas na tayo!" sabi ni Chaos at tinangay ako patakas sa bintana. Medyo tulala pa ako sa pagkasawi ng alaga kong pusa. Umuulan pa rin ng bala maswerte at hindi kami natamaan ni Chaos.
Nang makalabas na kami sa bakuran tinambangan kami ng mga taong may baril na nakasakay sa motor. Hinugot ni Chaos ang baril niya at pinaputukan ang mga gun man. Kinuha ko rake at hinambalos ko ang mga motor nila. Papaputukan sana ako ng isang gun man, pero malas siya at maliksi ako kumilos pinatid ko ang kamay niya at inagaw sa kanya ang baril. Binaril ko siya direkta sa puso.
"Autumn!" tawag ni Chaos sakin. Umiwas ako nang maramdaman ang paparating na bala sa likuran ko. Kinuha ko yung rake at hinampas sa ulo ng kalaban.
Nabuhayan ulit ako ng dugo. Hindi talaga mawawala sakin ang hayok ko sa pagpatay. Di nagtagal dumating ang isang itim na kotse. Yung natitirang tatlong gun man ay tinutukan kami ng baril. Chaos and I were cornered, Chaos held my hands tightly. Lumabas Sa kotse si... Olivia nakasuot ng itim na gown.
"Sht! I knew it!" singhal ni Chaos.
"Mrs. Rowen." pabulong na tawag ko sa kanya. She smiled wickedly.
"I have been waiting for this moment for a long time. I would like to take your trust Autumn to kidnap you and torture you in front of Chaos, guess ... My plan seems to fail" bakas ang matinding pagkamuhi sa boses ni Olivia. Matalim ang tingin niya sa amin ni Chaos, nang bumaba ang tingin niya sa kamay namin na magkahawak, nakita ko ang pagtagis ng ngipin niya.
"Farewell my Love! And say goodbye to your beloved WOMAN!" singhal ni Olivia, naalerto kami ni Chaos nang ibigay ng tauhan niya ang isang bazooka. Dapat na kaming tumakbo agad palayo kundi wasak ang katawan namin.
Bumulahaw ang malaking pagsabog ng bazooka. Binitiwan ako ni Chaos at tinulak palayo. Tumalsik kami sa matinding pagsabog. Hindi pa na kuntento si Olivia pinatamaan niya pa ang direksyon ni Chaos. Nanginginig ang buong katawan ko nang makitang duguan si Chaos. Namuo ang galit sa loob ko. Papatayin ko ang sino man mananakit sa mahal ko.
Tumayo ako at pagbulusok tumakbo patungo kay Olivia. Hindi niya agad ako napansin dahil sa liksi ko. Hawak ko na ngayon ang rake. Rumehistro ang pagkagulat at takot sa mukha niya ng lumundag ako ng atake. Ngumiti ako ng malapad at nilisikan ko siya ng tingin.
"Shi'ne!(Die)" sigaw ko sa galit. Subali't biglang may isang lalaking lumitaw sa harap ni Olivia at sinalag ang rake ko gamit ang isang kalawit. Sa sobrang tibay ng weapon na iyon nabali sa rake na hawak ko at Tumalsik ako sa malayo.
Hindi kaya isang demon weapon user iyon? Kahit medyo kumirot ang katawan dahil sa pagkakabagsak pinilit ko tumayo. Napamulagat ako nang makita si Chaos na nakatayo at may hawak siyang malaking espada. Hindi ako nagkakamali iyon ang blade of Chaos... Paano niya... ?
Nang tumakbo si Chaos pasugod ay humampas ang malakas na hangin.
Nagsalpukan ang powerful weapons nila. They're crossing blades now. Ang lalaking kalaban ngayon ni Chaos ay may kulay asul na buhok.... As I look closely parang pamilyar sakin ang mukha niya... No, kahawig niya si Alysa. Don't tell me ito 'yung kakambal niya. May kakaibang enerhiya o aura ang lumalabas sa kanilang sandata, kay Chaos ay kulay pula samantalang sa kalaban naman ay kulay asul.

BINABASA MO ANG
The Mafia's Baby (Completed)
RomanceIn the unforgiving world of Mafia, underboss Chaos Meyer stumbles upon a mysterious girl sleeping in his car. Initially intending to dispose of her, he finds himself captivated by her enigmatic allure. As their relationship deepens, Chaos grapples...