Chapter 35
One week since we arrived here. Hindi pa rin natapos ang mafia war ng maraming malalakas na Crime Organization. Hindi ako nakatakas sa issue na pinagtangkaan ko ang buhay ng Mafia heir ng Black Sinners, kaya isinalang kami sa isang match ng Walong Don. Sila ang mga leader na bumubuo sa AMF. Ang tatlong don including Mr. Meyer ay nanonood sa itaas na may nakarahang na babasagin na pader. Malamang nanonood rin sa live broadcast ang ibang Don.“Nisan. Just call my name if you need my help.” Sabi ko sa kanya nang lumabas na yung mga gangster at underling na makakalaban namin.
The eight Dons wants to test our strengths and abilities. Dahil ang ibang Don hindi pa kami pinagkakatiwalaan because we're assassins. Gusto nila makita kung may ibubuga ba kami sa laban.
“What am I? A kid?” sarkastikong sabi niya. Hmm? Naging madaldal na siya ha? Dahil kaya kay Alysa?
Sumugod na 'yung brawler. Ang mga tauhan nilang expert sa combat fight. Gamit ang mga needles ni Winter napatumba niya ng walang kahirap-hirap ang mga iyon. Kaasar! Kapag sa long range assassination, Expert talaga si Winter. Nakakatuwa lang dahil first time namin magkasamang lumaban. Sinipa ko sa mukha yung sumugod sakin. Isang straight kick ang pinataw ko sa kanya kaya 'yung dalawang gangster sa likod natumba. Umiwas ako sa dagger na isasaksak sana sakin. Kinuha ko ang braso niya at binalibag siya. Umiwas ako sa balang pinatama sakin. Hoo! Muntik na 'yun ha?
Nagtago kami ni Winter sa mga pader nang sunod sumugod ang mga hitman. Dihado kami dito dahil wala kaming baril.
“Needle!” sigaw ko kay Winter. Binato niya sakin ang box ng mga needles niya. Nag bilang ako ng daliri para senyasan si Nisan.
“1...2...3...Go!” hudyat ko. Maliksi kami kumilos. Sa sobrang bilis namin hindi nila kami matamaan ng bala yung iba nga hindi mapakali saan titingin at titira. Di kaulanan ay nasa likod na nila ako. Hindi nila pinapansin isang Ninja Technique na mula pa sa ancestors namin. Nilagyan ko ng karayom ang weak point nila habang si Winter ang distraction sa harap.
So far wala pang sampung minuto napatumba na naman ang thirty na katao, akala namin tapos na ang hamon, pero biglang yumanig ang paligid ng pumasok sa battle area ang isang higanteng lalaki. Nagulat ako sa anyo nito na animo'y isang halimaw ang hitsura.
“He is an ex-military who is being experimented to become strong underlings of the MFA.” sabi ng boses sa speaker nakita ko mula dito ang tingin ng tatlong Don. Mukhang mapapasubo kami sa isang ito.
Agad umatake si Winter ng harapan gamit ang kanyang mga karayom ngunit. Tumalsik ang mga iyon ng sumigaw ang kalaban namin. Ang laki ng muscles niya, hindi kaya bumaon ng mga karayom. Napasingap ako nang sinakal niya si Winter. He lifted my brother off the ground. Hindi hindrance sa kanya ang malaking katawan. Mabilis siya kumilos. Kinuha ko yung baril ng natumbang underlings kanina. Pinaputukan ko ang likod niya. Ugh! No use parang bulletproof ang buong katawan niya.
“Let go of him!” sigaw ko sabay sipa sa kanya sa likod. Kailangan ko pa talaga lumundag para mapulupot ko ang leeg niya. He shouted again. Binalibag niya si Winter sa sahig habang ako'y hinila niya at hinagis sa malayo.
Ibang klase. Isa nga siyang killing machine na pinag experimentuhan ng mga Mafia. Tumayo na ako. Kailangan ko na siya tapusin. Huminga ako ng malalim. Tumakbo siya ng pasugod. Lumundag ako ng atake at sinapa ang leeg niya sa sobrang lakas ay Tumalsik siya sa pader. Mabilis ako kumilos at pumatong ako sa malaking t'yan niya. Ngumiti ako ng masama. Nakita niya iyon at halatang natakot siya. Inangat ko na yung matulis na kuko, akmang bubunutin ko na sana yung mga mata niya nang biglang umalarma.
“That's enough you prove your strengths assassins.” Saad ng boses sa speaker. Lumayo na ako sa lalaki.
—
![](https://img.wattpad.com/cover/241851346-288-k171615.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mafia's Baby (Completed)
RomansaIn the unforgiving world of Mafia, underboss Chaos Meyer stumbles upon a mysterious girl sleeping in his car. Initially intending to dispose of her, he finds himself captivated by her enigmatic allure. As their relationship deepens, Chaos grapples...