Maskara

0 0 0
                                    

Palatawa at kalog, madaling magalit at madali ding umiyak, ganyan ko ilalarawan si Gabby. Kaibigan ko si Gab simula noong highschool kami, minsan napapaisip ako kung bipolar ba sya o hindi kasi bigla nalang syang iiyak sa gitna ng pagtawa nya. Hindi ko sya maintindihan minsan, sya yung nagpapatawa sa akin araw-araw pero parang may tinatago sya.

"Alam mo Aira, kanina nakakatawa talaga yung klaklase natin" nagsimula na naman syang tumawa na hawak hawak pa ang tiyan. "Akalain mo, ginawa nya talaga yun?" Nakitawa nalang ako sa kanya dahil nakakatawa naman talaga yung klaklase namin kanina.

Mga ilang segundo din syang tumawa at bigla nyang naisipang huminto, napatakip ito sa kanyang mata at nagsimula na namang umiyak. Ganyan sya pag nasobrahan sa tawa.

"Gab okay ka lang ba? Bat ka na naman umiiyak?" Tumingin ito sa akin at ngumiti kahit na patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mga mata nya.

"Okay lang ako Aira, hindi mapigilan ng mata ko e gusto talagang lumuha" bahagya itong natawa. Hindi ko na talaga sya maintindihan, she keeps on telling me na kagagawan daw ng mga mata nya at hindi nya daw alam kung bakit tumutulo nalang bigla ang luha nya.

"Gab umuwi na kaya tayo? Kanina pa tayo tumatambay dito eh" pinunasan ko na muna ang luha nya at niyakap sya "Magiging okay lang din yang mga mata mo"

Nag decide kami na umuwi na dahil kanina pa naman tapos ang klase, tumambay lang talaga kami doon.

~~~

Napag desisyonan kong pumunta sa bahay ni Gab, hindi kasi sya pumasok ngayon at hindi man lang sya nag text.

"Tao po.. " Ang bahay nila Gab ay simple lang, pareho kaming hindi mayaman kaya nakatira lang kami sa simpleng bahay. Nakita kong untiunting bumukas ang gate at bumungad sa akin ang pagod na mukha ni Gab, namumugto din ang mga mata nya.

"Gab! Okay ka lang ba?" Tumango ito at bahagyang ngumiti, nakakangiti pa talaga sya sa ganyang sitwasyon?

"Tuloy ka muna? Ipaghahanda kita ng pagkain"

"Naku wag na, pumunta lang ako dito para i check ka. Bakit pala hindi ka pumasok"ngumiti na naman ito at nilapitan ako, nasa labas na sya ng gate nila ngayon.

"Hmm masama ang pakiramdam ko kanina" alam kong nagsisinungaling lang sya, kapag masama ang pakiramdam nya ay nag tetext sya sa akin para ipaalam.

"Gab alam kong hindi yan totoo, sabihin mo na sa akin kung ano ang problema. Makikinig ako... " nakita kong may namuong luha sa kanyang mata kaya marahan ko syang hinila papasok sa gate. Hinawakan ko ang magkabila nyang balikat at iniharap ito sa akin. " Magkwento ka na"

"K-kasi Aira.. "Hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil sa tuloy tuloy na pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Hinagod ko ang likod nya at nang mahimasmasan na sya ay nagpatuloy sya.  "Noong nga nakaraang araw kasi ay nagaaway ang mga magulang ko, t-tapos.. Kanina nag hiwalay sila. Aira hindi ko alam ang gagawin ko" Madami pa syang mga problemang ibinahagi sa akin, doon ko napagtanto na may pinagdadaanan talaga sya pero bakit pag nasa school kami'y parang masaya naman sya?

"Gab hindi mo kailangang magpanggap na masaya, andito naman ako na handang makinig sayo. Hindi masama ang umiyak lalo na kung ito lang ang paraan para gumaan ang loob mo kasi Gab pag kinimkim mo yan, masakit talaga"

Simula noong araw na iyon ay hindi na sya nag lilihim sa akin, kapag kailangan nya nang kausap ay nandoon ako palagi. Doon ko mas nakilala ang ibang Gab, yung Gab na maraming pinagdadaanan.

Hindi nangangahulugang kapag nakangiti ka ay masaya ka na. Hindi rin ibig sabihin na kapag tumatawa ka ay wala ka ng problema. Lahat tayo ay may mga suliranin, ang ibang tao nga lang ay tinatago ito sa pamamagitan ng ngiti at tawa. Kumbaga, ito ang nagsisilbing maskara na pilit nilang isinusuot upang mag-mukhang ayos sila, upang iparating na walang problema. Ngunit kapag tatanggalin na nila ang maskara ay doon makikita ang toong nararamdaman nila.

Ngayon, alam ko na kung bakit ganon si Gab. Nawala lahat ng tanong ko dahil don, nabigyan ng sagot lahat ng mga katanungan ko.

OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon