Pangarap

0 0 0
                                    

"Anak ano ang gusto mo maging pag laki?" Tanong ni mama, nasa tapat kami noon ng simbahan.

"Mama gusto ko pong maging doktor" Natahimik si mama at marahang tinapik ang aking balikat. Ngumiti ito sa akin at bumulong.

"Anak alam kong kaya mo yan, may pagsubok kang kahaharapin pero alam kong makakayanan mo yan"

"Opo naman mama, sabi ng ni papa kapag gusto maraming paraan, pag ayaw maraming dahilan" sabay kaming ngumiti ni mama at tinanaw ang tuktok ng simbahan na may krus.

"Anak masyadong magastos ang pagaaral ng medisina. Alam mo namang wala tayong pera, ngunit alam ko ding makakahanap ka ng paraan.. Makakahanap TAYO ng paraan" Napatingin ako kay mama, para kasing may pinaghuhugutan sya sa kanyang mga sinasabi.

"Mama kapag malaki-laki na po ako ay magtatrabho ako. Yun bang tintawag nilang w-working student ba yun?" Natawa si mama ng marahan.

"Working student anak, yan yung habang nag-aaral ka ay nagtatrabaho ka"

"Ah yun nga po ma, tapos kapag naging doktor na ako at magka-pera na, ibibigay ko po yun sayo." Nakita ko pang nangilid ang luha ni mama sa kanyang mata.

"Alam ko namang mangyayari yan anak, kailangan mo ng gabay. Mag dasal ka para magabayan ka ng panginoon" sabi ni mana sabay turo sa simbahan. Kaya yun ang ginawa ko nag dasal ako ng taimtim.

"O nandyan lang pala ang mag-ina ko, tara na? Uuwi na tayo" Umuwi kami noong araw na iyon at masyang nagsama sa bahay. Hindi kami mayaman, sapat lang para makakain ng tatlong beses sa isang araw at makapag-aral.

That was 16 years ago when my mom ask about sa pangarap ko. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon, ang araw kung saan pinili ko ang pangarap na gusto ko. Nag-aral ako ng mabuti at pinanghawakan ang mga sinabi ng aking ina.

12 years ago, second year high school na ako. Nagsimula akong mag-ipon noon, ang baon ko ay hindi ko ginagastos sa halip ay inihuhulog ko sa alkansya. Nagsimula din akong magtrabaho at sa awa diyos ay natatanggap ako dahil masipag daw, pumapasok ako sa convenience store, sa panaderya at iba pa. Ang kinikita ko ay nilalagay ko lahat sa alkansya. Pinagpatuloy ko ang pagiging working student hanggang maka-graduate ng highschool.

9 years ago, nagsimula na akong mag-aral ng medisina, lahat ng naipon ko ay pinang tuition fee ko. Akala ko ay magtutuloy-tuloy na yung maganda kong pagaaral ngunit hindi. Dumating ang isang gabi habang pauwi na ako, bumulagta ang katawan ng mama ko sa sahig ng bahay namin. Hinawakan ko ang pulso nito at naiyak nalang nang hindi ito maramdaman.

"Ma? Mama! Ma! Wag mo akong iwan pleasee.. Mama magiging doktor pa ako eh. Mama pleaseeee" iyak ako nang iyak noon at hindi ko matanggap na wala na ang mama ko.

7 years ago nang magkasakit ang papa ko, simula nong mawala si mama ay napapabayaan na ni papa ang sarili nya. Umiinom ito ng alak araw gabi at hindi ko na alam kung saan sya pumupunta dahil busy din ako sa pag-aaral. Hindi na nagpagamot si papa dahil alam nyang ang pera ko ay pang aral ko lang. Pinilit ko syang magpagamot ngunit ayaw nya, paano na daw ang pangarap ko kung uunahin ang sakit nya. Iyak ako nang iyak noon, nawalan na ako ng mama at ayaw kong mawalan ng papa. Hindi nagtagal ay namatay din si papa dahil malala na ang sakit nya, bago sya mamatay ay may inihabilin sya sa akin.

"Anak kahit anong pagsubok ang dumating sayo, abutin mo ang pangarap mo. Kami ng mama mo ang unang magiging masaya kapag nakamit mo ang gusto mo sa buhay"

Tumira ako sa bahay ng tita ko, akala ko ay mapapalagay na ang loob ko doon ngunit nagkakamali na naman ako.

5 years ago, pinalayas ako ng tita ko. Akala ko ay mabait sya, akala ko aalagaan nya ako ngunit hindi. Binubugbog nya ako pag-uwi ko galing sa school kasi daw hindi pa ako nagluto, hindi pa ako naglinis at hindi pa ako naglalaba, eh kita naman nyang ilang minuto pa lang akong nakauwi. Hindi na nya ako matiis dahil hindi rin daw ako nagbibigay ng pera para sa pangsugal at pang-inom nya. Hindi ko alam kung saan ako pupunta nung mga araw na yon muntik na akong sumuko ngunit pinanghawakan at tinandaan ko ang mga sinabi ni mama at papa sa akin. Mabuti nalang dahil may kaibigan akong mabuti ang loob, pinatuloy nya ako sa bahay nila.

At ngayon, nasa puntod ako ng mga magulang ko dala ang bulaklak na binili ko.

"Anak alam kong kaya mo yan, may pagsubok kang kahaharapin pero alam kong makakayanan mo yan"

"Anak kahit anong pagsubok ang dumating sayo, abutin mo ang pangarap mo. Kami ng mama mo ang unang magiging masaya kapag nakamit mo ang gusto mo sa buhay"

Napangiti nalang ako habang inaalala ang mga katagang iniwan sa akin nina mama at papa.

"Mama.. Papa.. Eto napo ang anak nyo oh, siguro proud kayo sakin ngayon. Isa napo akong ganap na doktor. Hindi ko po kayo malilimutan. Mahal na m-mahal ko kayo mama at papa. Kayo ang naging inspirasyon ko sa pag-abot ng pangarap ko. Salamat mama at papa"

~End~

Kahit anong pagsubok ang dumating sa atin, tandaaan lagi na makakaya mo ito. Hindi ka nagiisa, maraming pwedeng tumulong sa iyo at unang-una doon ang panginoon.

OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon