Justice For Gillian

2 0 0
                                    

"Sige Amy, una na kami" saad ng mga kaibigan ko ng makalabas kami sa gate ng school. Ibang direksyon kasi ang tatahakin nila kaya hindi kami magkasabay pauwi.

"Sige Pauleen, Ingat kayo" I waved my hand and say goodbye before leaving. Sumakay ako ng jeep papunta sa apartment na tinitirhan ko. Medyo gabi na din kaya palinga-linga ako sa daan upang siguraduhing ligtas ako.

Before I enter my room, nadaanan ko pa ang landlady.

"Good evening po" magalang na bati ko.

"Magandang gabi din sa inyo" Kumunot ang noo ko kaya napalingon ako sa likod,  wala naman akong kasama. Ibinalik ko sa harapan ang paningin ngunit wala na ang landlady doon. Napaisip ako bigla.

'Baka naman may dumaan at binati nya na din'

Tama, baka may dumaan nga lang. Hindi ko tatakutin ang sarili ko, marami naman kasing nakatira dito.

Lumapit agad ako sa kusina at kumuha ng isang baso ng tubig. Tinitigan ko ang baso na may lamang tubig, agad nanlaki ang mata ko nang makitang may dumaang babae sa likod ko. Nakita ko ito dahil sa reflection sa tubig.

I turned my gaze at my back. Sumiklab ang takot sa kabuoan ko dahil wala akong nakitang ibang tao. Hinihingal akong pumasok sa banyo upang maligo.

"Siguro dahil sa pagod lang to" Saad ko at pilit na inaalis ang imaheng nabubuo sa utak ko.

Hapung-hapo akong humiga sa kama. Nag-set ng alarm lang ako saglit at ipinikit na ang mata. Ayoko mang isipin, pero nararamdaman kong may nakatitig sa akin ngayon.

"Amy... " nakakatakot na saad ng isang babae.
"Amy tulungan mo ako" umiiyak na sya ngayon. Ayokong marinig, ayoko.

Kawawang babae, nakapatong ang isang lalake sa kanya at sinasakal ito. Kitang kita na nahihirapan na ito ngunit hindi ko maaninag ng maayos kung sino.

Napabalikwas ako sa hinihigaan at nakita ang sariling umiiyak. Nakakatakot ang panaginip na iyon. May idea ako kung sino iyon,  ngunit iniisip ko na lamang na nagkataon lang na napanaginipan ko iyon. Natatakot mang bumalik sa pagtulog ngunit pinilit ko dahil may klase pang magaganap bukas.

Kinabukasan, nag-ayos agad ako para sa klase. Naabutan ko na naman ang landlady sa sala kaya nagbigay galang muna ako.

"Magandang umaga po" ngiting saad ko.

"Oh magandang umaga Amy. Kumusta kayo ng kasama mo kahapon? Okay na ba sya, namumutla kasi yun eh" napaawang ang bibig ko sa narinig at medyo nanlaki ang mata.

"S-sino po ang t-tinutukoy nyo?" May halong takot na sabi ko.

"Yung kasama mo kagabi, nakausap ko pa nga yun nang lumabas sa kwarto mo" Mas nagulat ako sa sinabi nya.

"Baka namalikmata po kayo,  wala naman akong kasama kahapon manang. A-ako lang po mag-isa ang umuwi dito" Kumunot ang noo nya at bahagyang natawa pa.

"Ano ka bang bata ka, Gillian ang pangalan at nagpakilalang kaibigan mo daw"

Nanlamig ang katawan ko at naestatwa sa kinatatayuan. Hindi to pwede. Nanginginig ang mga labi kong nakatanaw sa landlady. Hindi ako makapaniwala.

Dahil sa nalaman, lutang ako buong maghapon sa klase. Minsan ay napagalitan pa ako dahil nawala ako sa huwisyo. Umuwi akong dala ang takot sa dibdib. Kailangan kong harapin to.

I turned the lights on at dahan dahang humakbang papasok sa kwarto ko, hindi gumagawa ng ingay. Napatingin ako sa salamin na nakapatong sa gilid ng kama.

"Wahhhhh!" Sigaw ko nang may makitang imahe ng babae sa likod ko.

"Gillian, alam kong ikaw yan. Pleaseee tigilan mo na ako" Pinikit ko ang mga mata at tinabunan gamit ang dalawang kamay ko. Takot na takot na ako ngayon at halos matumba na kakaiyak. Nang mahimasmasan, kinuha ko ang kamay ko sa mga mata at unti unting binuksan ang mata ko.

"Amy tulungan mo ako" Napaatras ako nang makita ang mukha ni Gillian na sobrang lapit sa mukha ko.

Puting damit na sira, bugbog na mukha, nangingitim na mata at may sugat ang labi ni Gillian ang tumambad sa akin. Naiyak ako dahil sa nakita pero alam kong kaluluwa nya lang ito.

"G-gillian tigilan mo na ako! Parang awa mo na!" But she just glare at me, naglaho din ito. 

Three months ago when Gillian died. My brother raped him at pinatay sya. I witness everything but I chose not to speak, natatakot akong sabihin sa iba dahil papatayin daw ako ni kuya. Best friend ko si Gillian at parang magkapatid na ang turingan namin kaya nalungkot din ako nang mamtay sya.

"Sorry, gagawan ko na ito ng paraan. I will give justice sa pagkamatay mo Gillian"

Natakot man ako nung una,  siguro ay panahon na para ako'y magsalita.

'Justice for Gillian'

-End-

OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon