Ipaglalaban Ka

0 0 0
                                    

"Jessica anak" nagising ako dahil sa majinang pagtapik ni mama sa balikat ko."Bumangon ka dyan, may tao sa labas"

"Malmang mama may tao talaga sa labas, wala namang nagbabawal sa kanilang lumabas diba?" Pinalo ako ni mama sa at kinurot sa tagiliran dahilan para mapatayo ako.

"Wag mo along pinipilosopong bata ka! May tao sa labas, mukhang manliligaw mo. Ngayon puntahan mo dun at paalisin mo, mag-pasensya ka na lang. Alam mo na kung ano ang mangyayari kapag nakita yun ng papa mo"

"Eh mama, wala naman po akong manliligaw ah"

"Hay naku! Kung hindi mo yun manliligaw, bakit may dalang bulaklak aber?" Nagulat ako sa sinabi ni mama kaya dali-dali kong sinilip ang bintana.

'Bakit andyan si Gian?'

Mabilis akong naghilamos at bumaba ng dahan-dahan para hindi mahalata ni papa.

"Gian.. " seryoso lang ang mukha nya habang hinahawakan ang bugkos ng rosas. "Bakit ka nandito? Baka makita ka ni papa"

Walang nag-bago sa seryoso nyang mukha, para ngang wala ako sa harap nya eh.

"Nasan ang kuya mo?" Gulat akong napatingin sa kanya, nanlaki pa ang nga mata ko at hindi makapaniwala.

"Wag mong sabihing--"
"Mali ang iniisip mo. Inutusan ako ng kuya mo kaya nandito ako"
"A-Ahh okay, akala ko naman para sakin" pabulong ko lang na sinabi ang huling dalawang salita. "Sige tatawagin ko lang si kuya"

Pumasok ako sa bahay at ang galit na aura ni papa ang sumalubong sakin.

"Sino yun?" Tanong nya.

"Ahh papa si kuya po ang pinunta nya dito"

"Kuya.. Kuya mo ba ang bibigyan nya ng bulaklak?"

"Ewan ko po" nawala na ang pangungunot ng noo nya at muling sinilip si Gian sa labas ng gate.

"Siguraduhin mo lang talaga Jessica, ayokong mapunta ka sa maling lalake"

"O-opo pa" narinig naman ni kuya ang pinag-uusapan namin kaya tumawa ito at inaasar ako. Palibhasa'y pwede na syang magka-girlfriend dahil matanda na sya. Siguro para sa babaeng yun ang bulaklak na inutos ni kuya kay Gian.

Kinabukasan, maaga akong pumasok dahil alam kong nandun na yung mga kaibigan ko.

"Gian?" Saad ko nang makita si Gian sa gate ng school. He smiled at me at tumango nang marahan. Weird.  "Anong ginagawa mo dito?"

"Nothing, may hinihintay lang" Bigla akong nakaramdam ng konting sakit dahil dun. Matagal ko ma syang gusto pero hindi pa ako umaamin, natatakot ako. "Pero mukhang hindi na sya darating kaya tara?"

"H-Hah? Saan?"

"HAHAHA papasok sa school. Sabay na tayo" nag-simula na syang mag lakad kaya sumunod nalang ako.

Pag-pasok ko sa room, ang mga mapanuring mata na ng mga kaibigan ang sumalubong sakin. Ngumiti lang si Gian saka dumiretso sa upuan nya.

"Huy te, anong ibig sabihin non?" Tanong ni Carl, baklang kaibigan ko.

"Oo nga Jessica, baka may--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nila dahil humirit na ako.

"Alam nyo? Medyo advance kayo mag-isip. Nag sabay lang may namamagitan na agad?" Bulong ko para hindi kami marinig ni Gian. Nanahimik nalang sila at iniba na ang topic.

~~~

Eto ang time n pinaka-hihintay ko. Dahil ang guro namin ngayon ay sobrang bait at sumasabay din sya minsan s mga kalokohan naming mga students nya.

"Okay class, before we proceed sa lesson natin. I have a question for you. What do u want to be in the future"

Ewan ko kung bakit kami tinatanong ni sir ng ganyan. Siguro connect sya sa lesson namin ngayon.

"Let's start with you Jessica"

"Lawyer sir. I want to be lawyer" Nakita kong napatango ang ang mga kaklase at kaibigan ko. Bigla namang sumingit si Carl.

"Ay teh, gusto mo maging lawyer para ipaglaban abg iba. Eh ikaw ba pinaglaban ka?" Naghiyawan ang ib at sir naman ay pangiti-ngiti lang, okay lang naman yun sa kaya dahil sanay na sya.

Hihirit na sana ako nang may biglang nag-salita s kabilang banda. Tumayo si Gian at humarap kay Carl.

"Oo ipaglalaban ko sya kahit strikto ang papa nya"

-End-

OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon