Childhood Friend

0 0 0
                                    

Bukas ang araw ng birthday ni Luxeiran, he's my childhood friend. Bata pa lang kami ay nakasanayan na namin ang isa't-isa. Last year, his family decided to migrate in Australia. Nalungkot ako that time kasi hindi na kami magkikita ng childhood friend ko, at ang mas masaklap pa non he didn't know about my feelings.

Oo, friend ko sya kung ituring pero iba ang nararamdaman ko. I like him, matagal na.

"Norelie!" Humahangos si ate habang humahawak sa gilid pintong nakabukas ng kwarto ko. "Si Luxeiran.. "

"Bakit? " Imbis na sagutin ako ay ngumisi ito na parang may nabubuong kalokohan sa utak nya. "Pabitin ka naman masyado, sige na sabihin mo na ate"

"Lutuan mo muna ako"

"What?!"

"Cook fries for me, nagugutom ako eh. Pero kung ayaw mo... Hindi ko sasabihin" She give me a devilish grin before leaving.

Dala ng kuryosidad ko, dali-dali akong nag-luto at diretsong pumasok sa kwarto ni ate.

"Eto na ang fries mo my 'beloved sister' " inirapan ko pa sya bago ilapag sa kalapit na mesa ang pina-luto nya.

"Good. Masunurin kang bata"

"Sabihin mo na"

"Baby gurl.. Your beloved Luxeiran will be back tomorrow"

"What do you mean sis?"

"Uuwi sya dito bukas, he will celebrate his birthday here in the Philippines. Gusto ka nyang i surprise pero sinabi ko na sayo para hindi ka mapahiya at magpa-ganda ka. At saka may sasabihin din kasi sya"

"Totoo?" She nodded
"Walang halong biro?" Again, she nodded with a smile.

Wala na akong ibang nararamdaman kundi saya. I jumped over my sister's bed at sumisigaw na parang sira.

"Wahhh!! O my, sa wakas magkikita na kami!"

"Wag ka nga tumalon sa bed ko. Dun ka sa kwarto mo" saway ng ate ko, tumatalbog na din kasi sya dahil sa kakatalon ko.

"I love you sis! Ako maghu-hugas ng plato mamaya. Mwahhh!" Nilisan ko na ang silid nya at dumiretso sa akin.

Hindi ako makapaniwala na darating si Luxeiran bukas. I can't wait, hindi ko na papalampasin ang pagkakataon na to para masabi ko sakanyang gusto ko sya.

Kinabukasan, naghanda talaga ako at nag-lagay ng simpleng make-up. Sinabi na din ni ate sa akin ang venue. Nandun din ang mga kaibigan namin at alam nilang uuwi si Lux, ako lang talaga ang hindi sinabihan.

"Andito na pala si Norelie oh" salubong sa akin ng mga kaibigan namin ni Luxeiran.

"It's good to see you here guys.. So kumusta na?" Tanong ko sa kanila.

"Were okay naman" si Seah na ang sumagot sa tanong ko.

"Oww here's the birthday boy!" Tumayo na ang mga kaibigan namin at isa-isang binati si Luxeiran.

"Hey Nor" Niyakap ako ni Lux at binati ko naman sya. "Grabe,  isang taon lang akong nawala lalo ka nang gumanda"

Ayokong kumawala sa yakap nya, miss na miss ko din sya.

"Sus! Wag kang mambola. Ikaw nga yang mas gumwapo" Sabay nalang kaming natawa. I miss his laugh.

Kumain muna kami at nagkaroon ng kwentuhan tungkol sa buhay ng isa't-isa.

"So how's Australia birthday boy?" Tanong ni Feb na isa sa mga kaibigan namin.

"Maayos naman. Marami ngang chix eh" Sabay silang natawa. I glared at him kaya napaayos sya. Normal lang yun sa amin dahil nga were 'friends' , alam nyang ayaw kong maging chix boy sya.

"Lux can we talk?" Kinkabahan ako pero desidido na akong umamin sa kanya, ito na ang pagkakataon ko dahil uuwi din si Lux sa Australia in three days.

"Were talking na Nor, kanina pa" He smiled at me, ghad! Sobrang gwapo nya.

"I mean.. Yung tayong dalawa lang"

"Sure" Inalalayan nya akong tumayo at lumayo muna kami ng kaunti.

Habang naglalakad kami papalayo, kanina ko pa sya nakikitang sumusulyap sa relo nya. We stop sa may entrance nitong venue at doon nag-usap.

Namamasa na ang nga kamay ko sa kaba at ang bilis na din ng tibok ng puso ko.

"So.. Anong paguusapan natin?" Again, he smiled at me without showing his teeth. That's cute.

"Ahmm.. Luxeiran, matagal ko nang gustong sabihin to. I want.. " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko when I saw a gleam of happiness in his eyes. Nilingon ko ang tinitignan nya at nakita ang mala-dyosang babae.

"Alexa! Finally you're here" Lumapit si Lux dito and hinagkan ito. What does it mean? Lumapit silang dalawa sa akin ng nakangiti. "Norelie, meet my girlfriend Alexa" Hindi ako maka-paniwala sa sinabi nya, ang dali naman ata nyang nakahanap.

"Hi Norelie. I'm Alexa, Luxeiran's girlfriend " Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko at sobrang bigat na nang nararamdaman ko ngayon.

"I-It's nice to meet you Alexa" Ngumiti lng kami sa isa't-isa bago mag-tanong si Lux.

"So.. Ano nga yung sasabihin mo Nor? You want?"

"I want.. " lagot anong sasabihin ko?
"I-I want you to have a girlfriend na and nagkatotoo nga, you have one"

Isang mapait na ngiti nalang ang naigawad ko sa kanila. I'm happy.. because the man I like finally meet the girl she love, and that's not me.

-End-

OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon