Confession

0 0 0
                                    

Ilang araw na din akong kinukulit ni Ethan, palagi syang sumusulpot sa tabi ko ng hindi ko inaasahan, palagi nya akong kinakausap kahit hindi naman ako nakikinig at palagi nya akong pinapahalagahan kahit wala naman akong pakealam sa kanya.

"Uyy Zeya kainin mo to oh, binili ko yan para sayo" sabi ni Ethan sabay abot sa akin ng plastic na supot na may lamang pagkain.

"Ayoko, busog pa ako" nakita kong nalungkot sya sa sinabi ko, malamang dahil binalewala ko ang simpleng effort nya.

"Kunin mo na lang, mamaya mo na kainin kapag nakaramdam ka na ng gutom" pinatong nya ito sa table ko at umalis na. Araw araw syang ganyan, hindi ko  naman ito ginagalaw. Tinatapon o binibigay din sa iba, yan ang ginagawa ko sa mga pagkaing ibinigay ni Ethan.

Habang naglalakad ako papuntang library ay bigla na naman syang sumulpot.

"Hi Zeya! Kinain mo ba ang binigay ko kanina?"

"Hindi"

"Bakit? Siguro pinamigay mo sa iba noh? O kaya tinapon mo?"

"Wala ka nang pake don, binigay mo na diba? Ako na ang bahala kung ano ang gagawin ko dun"

"Ang sungit mo naman, maganda ka pa naman sana" bulong nya

"Anong sinabi mo?" Tumaas tuloy boses ko. Ngumiti lang ang loko kaya mas lalo akong nainis. Mas binilisan ko pa ang paglalakad, ayaw kong maabutan nya ako.

"Uy Zeya! Hintay naman" Hingal na hingal na sya e hindi man lang ako pinag-pawisan.

"Manahimik ka nga"

Pag dating ko sa library ay kumuha agad ako ng libro at umupo sa parte kung saan wala masyadong tao. Wala na sa tabi ko si Ethan kaya panatag ang loob ko na hindi sya pumasok sa library.

"Psst!" Napalingon ako sa aking likuran at nakita ang nakangiting si Ethan. Lumapit ito at umupo sa harapan ko. "Zeya may sasabihin ako sayo"

"Wala akong pake" pilit kong ibinabalik ang atensyon ko sa librong binabasa ko ngunit bigo ako, dahil may lokong pilit na umaagaq sa atensyon ko.

"Zeya may sasabihin nga ako sayo, makinig ka ng mabuti. Saglit lang to" Sinamaan ko sya ng tingin. "Oh teka, parang galit ka eh. Saglit lang naman pleasee"

"Sabihin mo na kase!" At dahil dun, pinagtitinginan ako ng mga tao dito pati na ang librarian na ang sama ng tingin.

"Wag ka kasing sumigaw, ayan tuloy" tumawa pa ng mahina itong si Ethan kaya mas lalo akong nainis. Lumabas ako sa sa library at tumakbo ng mabilis.

"Uy Zeya hintay!" Hindi ko sya pinansin, sa halip ay binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa makaabot ako sa gate. Naisipan kong umuwi na lang para wala ng manggugulo.

Sa sumunod na araw, pumasok ako sa school at ang lokong si Ethan ang bumungad sakin.

"Good morning Zeya! Nag breakfast ka na?"

"Ethan wag mong sirain ang umaga ko"

"Nakakasira na ba ako sa umaga mo?" Hindi ko sya sinagot at naglakakad na lang. "Zeya kasi may sasabihin talaga ako eh, pero hindi mo naman ako binibigyan ng kahit kaunting oras lang"

"Ethan ang dami mo ng sinasabi, eh kung sabihin mo kaya ngayon? Ngayon din! Andito na ako sa harap mo oh! Ano? Maimimili ka pa ng lugar o talagang sinasadya mong wag sabihin para lang makulit ako!Kasi Ethan nakakadistorbo ka na eh, wag mo na akong kausapin pagkatapos nito." Hindi ko namalayan na sumisigaw na pala ako, natulala naman si Ethan at parang nahiya sa mga taong nakapaligid sa amin. "Anong sasabihin mo?!" Hindi ko na talaga mapigilan ang inis ko.

OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon