Kakuwi lang namin galing sa probinsya ng tatay ko. Nanghihina pa ako at gutom na din.Naghihiwa ako ng sibuyas nang humangin ng malakas at magsisimula ng umulan ng mahina. Lumapit ako sa bintana ng maliit naming kubo at isinarado ito.
Nakaramdam ako ng kilabot kasabay ng pag-sakit ng aking sintido, nagsimula ito noong mga nakaraang araw. Ang mas nakakakilabot pa, kapag nararamdaman ko ito ay may masamang nangyayari. Habang tumatagal ay mas sumasakit ito, parang matatanggal na ang ulo ko at hindi ko na din magawang imulat ang mga mata ko.
Sa isang iglap ay nawala ang sakit at kasabay nuon ang pag-pasok ni papa na medyo basa na ngayon. Nakarinig ako ng kalumpog sa bintana kaya napalingon ako doon at nakitang may anino ng isang tao ang pumapasok. Nanlaki ang mga mata ko, nangyayari na naman. Papalapit na sana si papa sa gawi ko ngunit tumakbo ang anino at dali dali ginitilan ng leeg si papa, kitang-kita ko kung paano hiwain ng taong yun ang leeg ni papa.
"Wag!"
Umiihip ang malakas na hangin at bumubuhos ang malakas na ulan, ang mga dugong kumakalat sa sahig ang nakakapagpa-tulala sa akin. Napapikit nalang ako nang dahan dahan itong lumapit sa akin at bumulong. "Wag kang mag-sumbong kung ayaw mong mamatay kayong dalawa ng kapatid mo"
Nanindig ang mga balahibo ko at gusto ko syang saksakin ng kutsilyong hawak ko, ngunit pinangunahan ako ng takot dahil sa angking bilis nyang kumilos. Nilingon ko ang kapatid ko at napaiyak nalang nang makitang umiiyak na ito at yakap yakap ang cellphone na kinuha nya siguro sa kwarto. Lumundag din palabas yung anino at mabilis na tumakbo.
Lumapit ako sa papa ko ngunit bago pa man ako makalapit ay napansin kong may bahid na ng dugo ang mga kamay ko. Dali-dali kong kinapa ang pulso ni papa at napasigaw na lang ng malamang patay na ito.
~~~
Malalim na ang gabi at naka-handa na ang mga gamit ko at ng kapatid ko. Napag-isipan kong umalis na dito at wag nalang mag sumbong dahil sa takot din na baka balikan kami ng taong pumatay sa papa ko.
"Junior halika na.. Aalis na tayo" Hinawakan ko ang kamay nya at pilit syang pinapatayo sa kinauupuan nya. Paulit-ulit syang umiling at nagsisimula na namang umiyak. "Kailangan natin umalis na dito para hindi tayo balikan nong mamatay tao, Junior.. Alam kong masakit pero makinig ka muna kay ate sa ngayon pwede ba?" Umiling pa din ito nang umiling at tatakbo sana palabas ng kwarto ngunit napigilan ko ito. Wala na akong ibang magawa kaya kinarga ko ito pati na rin ang mga gamit at lumabas na sa kubo.
Tahimik ang daan at wala ng tao, tanging liwanag lang na nanggagaling sa buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Balak kong pumunta sa probinsya at magdamag na babyahe, ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na ito. Patuloy pa din sa pag-hikbi si Junior ngunit mukhang inaantok na ito.
Gusto kong umiyak at magmuk-mok ngunit hindi ito ang tamang oras. Kailangan kong magpakatatag para sa kapatid ko, lalo na ngayon na wala na si papa. Pitong taon lang ang kapatid ko at maaring mag-dulot ito ng trauma sa kanya.
~~~
Papasikat na ang araw nang makarating kami sa bahay ng kamag-anak namin na nasa probinsya. Pagod na pagod na ako at nangangalay na ang binti. May dala naman akong kaunting pera kaya nakarating kami dito.
"Sus maryusep! Anong nangyari sa inyo?!" Salubong nang tyahin ko. "Nasan ang itay niyo?"
Ang mahimbing na natutulog na si Junior ay narinig ang pangalawang tanong ni tiya Mara. Nang mabanggit nito ang salitang 'itay' ay nagsimula itong umiyak.
"Bakit umiiyak itong bata? M-may nangyari ba?"
Hinarap ko si tita at hinaplos ang likod ni Junior na ngayon ay nasa bisig ko. "Tiya.. Mamaya ko na lang p-po sasabihin"