Itinakdang Kasal

0 0 0
                                    

Sariwa ang hangin habang akoy nakatayo sa ilalim ng isang puno. Tanaw ko mula dito ang malawak na palayan na sinasayaw ng hangin, nasa kabilang banda din ang kalesang pagmamay-ari ng aming pamilya.

"Señorita, kailangan na po nating bumalik. Papalubog napo ang araw at  ayaw po ng inyong ama na ikaw ay magabihan" Saad ng kutsero na naninilbihan sa amin.

Naglakad kami papalapit sa kalesa at pinatakbo na ito. Nais kong bigyan ng munting regalo ang aking kaibigan kaya inutusan ko ang kutsero na ihinto muna at may bibilhin lang ako sandali.

Nakayuko akong naglakad habang hawak ang porcelas na binili ko. Muntik ng mawala ang aking balanse dahil sa isang ginoo na nabngga ako.

"Paumanhin binibini" Nagtapat ang aming paningin ngunit ako ang unang umiwas. Sa aking palagay ay nagmamadali ito dahil nagpatuloy na ito sa paglalakad ng mabilis.

Dumaan ang araw, hindi lang iyon ang naging tagpo namin. Aking napag-alamang Miguel ang kanyang ngalan ngunit hindi nya nabanggit kung saang pamilya sya nagmula.

"Binibini napapadalas ang pag-punta mo dito. Ako'y napapaisip tuloy, ano ang dahilan?"  Nakaupo si ginoong Miguel sa malking ugat ng puno at nakatanaw sa malawak na palayan.

"Ibig kong mag-pahangin sa ganitong lugar" Ngiting saad ko "Ikaw ginoong Miguel, ano ang dahilan kung bakit ka napaparito?"

"Gusto kong makita ng madalas ang magndang obra" Napatingin ako sa paligid, ito ba ang tinutukoy nya?

Napalingon siya sa akin at matagal na napako ang paningin nya sa gawi ko dahilan para mailang ako. Maari ng ihalintulad ang mukha ko sa isang kamatis. Bumibilis na ang tibok ng aking puso at hindi na mapalagay ang aking nga kamay.

~~~

Nakilala ko pa ng mas malalim ang ginoong Miguel, mabait sya, maginoo at sa palagay ko ay unti-unti ko na syang naiibigan.

Ako'y nasa hacienda ngayon, nasa tapat ng hapag at marahang kumakain kasama ang aking pamilya.

"Dalagita.. " pag-tawag ng aking ama, sanay silang tawagin akong Dalagita.

"Bakit po ama?"

"Upang mas pag-tibayin pa ang samahan ng ating pamilya at ng pamilya Garcia, ikaw ay aking itinakda na ikasal sa knilang unico ijo" seryosong saad ni ama. Nanlaki ang aking mga mata.

"N-ngunit ama--" ako na mismo ang tumigil. Batid kong kapag gusto ni ama ay wala na akong magagawa doon. Ang sabi ni ama ay kakarating lang ng kanilang unico ijo dito sa pilipinas noong nakaraang bwan, galing pa itong espanya.

Kinabukasan,  aking napag-isipang pumunta sa hardin upang makalanghap ng sariwang hangin. Gusto ko mang pumunta doon sa ilalim ng puno ngunit hindi ako papayagan ni ama, inimbitahan nya ang pamilya Garcia at kailangang nandoon ako.

Mabigat ang pakiramdam ko nang maupo sa isang upuan. Gusto kong ikasal sa taong ibig ko at hindi sa taong ibig ipakasal ng ama ko. Paano si Miguel?

"Magandang umaga binibini" Gulat akong napatingin sa aking likuran, nandoon si Miguel na nakangiti.

"Miguel? A-ano ang iyong ginagawa dito?" Ngumiti lang ito at saka umikot sa akin, huminto din ito sa harap ko at bahgyang inilapit ang mukha sa akin. Nagitla ako s kaniyang ginawa.

"Nais ko lang namang makita ang aking mapapang-asawa" Ibig bang sabihin nito ay sya ang itinakdang ikasal sa akin? Sya ang unico ijo ng pamilya Garcia? Ngunit gusto ko ng kasiguraduhan.

"A-anong ibig mong sabihin Miguel?" Nagsisimula na namang bumilis ang kabog ng aking dibdib.

"Miguel Garcia.. " Pagpapakilala nya na parang noon lang kami nag-kita. Nanlaki na ang mga mata ko at hindi makapaniwala.

Kakaibang tuwa ang aking nararamdam ngayon. Hindi na ako nalulungkot sa itinakdang kasal ng ama.

Dahil ang taong aking napupusuan ay ang taong aking pakakasalan.

-Wakas-

OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon