Center Of The Earth

0 0 0
                                    

"Mundo sa loob ng mundo?" Napatingin ako kay Irish nang mag tanong ito. Pabilog kaming nakaupo ngayon ng mga kaibigan ko at pinaguusapan ang teorya ng 'The Hollow Earth'.

"Oo pero theory lang. Agartha ang tawag sa lugar na nasa loob ng ating mundo" mahinang sabi ko.

"Siguro masaya mamuhay roon. Payapa at walang gulo... siguro" sabat naman ni Dan sa usapan.

"Gusto mong pumunta doon?" Napatango si Dan bilang sagot sa tanong ni Mia "Saan ka dadaan aber?"

"Sinasabing ang mga north and south poles daw ang daan papunta doon pero pinagbabawal eh" Saad ni Dan

"Oo, bawal lumapit ang mga tao sa dalawang poles at bawal din lumipad sa itaas. Pinagbabawal yun ng gobyerno" pagpapaliwanag ko.

"Sayang naman noh? Ikaw Nicole, gusto mo bang pumunta doon?" Tanong na naman ni Mia sakin. Nakatingin lang ang tatlo at hinihintay ang sagot ko.

"Syempre naman. Sinasabing may mga bagay na gawa daw sa kristal doon, hindi nga lang karaniwang tao ang naninirahan. May mga duwende at alien, mas matangkad din sila" sagot ko

"Fresh siguro ang hangin doon noh? Yung tipong walang polusyon, wala naman kasing mga sasakyan" saad ni Mia na nakatingin sa kung saan.

"Sinabi mo pa" sagot ni Dan

"May iba pa naman kasing pwedeng daanan" Gulat silang napatingin sa gawi ko "May mga kweba din daw na pwedeng daanan papunta sa Agartha"

"Gusto ko din pumunta.." sabi ni Irish. Siguro ay nahiwagaan din sya sa sinabi namin kaya na kumbinsi sya.

Ilang minuto pa kaming nag-usap tungkol sa Agartha. Naalala ko ding pupunta pala sa isang kuweba ang kapatid ko at niyayaya nya ako, pwede din dawng mag imbita ng kaibigan kaya sinabihan ko sila.

"G!" Sabay sabay na sabi nila. Makikita din ang excitement sa mga mata. Ilang araw o buwan na din kasi kaming hindi nakakagala kaya siguro ay mae-enjoy namin ito.

"Sa Saturday pa naman yun, mag ready lang kayo. See you!"

Mabilis lang din lumipas ang araw at Sabado na. Handa nang pumasok ang lahat. Dala namin ang mga flashlights habang sinusuri ang bawat sulok ng kuweba.

"Nicole, sabi mo noong nakaraan na may mga kuweba din na papasok sa Agartha diba?" Maya maya ay pabulong na tanong ni Irish. Tumango lang ako "Baka isa ang kwebang ito sa tinutukoy mo"

"Ewan ko, ganun ka na ba talaga ka desididong pumasok doon?" Tanong ko sa kanya.

Hindi na nya nagawang sagutin ang tanong ko nang biglang gumalaw ang lupa.

"Anong nangyayari?" Tarantang tanong ni Dan.

"Lindol?" Patanong ding saad ni Mia.

Palakas iyon ng palakas. Akala ko ay hihinto din kagaya ng karaniwang nangyayari kapag may lindol, ngunit hindi. Kitang kita ng dalawa kong mata ang dahan dahang pagbiyak ng kinatatayuan namin. Nagkatinginan kami at siguradong iisa ang iniisip.

Ang kaninang biyak ay naging butas dahilan para sumigaw kaming lahat. Patuloy kaming nahuhulog pababa at wala kaming magawa, sobrang lalim na nang inabot namin.

Isa lang ang naiisip ko kung saan kami mapupunta.

.

At yun ang 'Agartha'

-End-

OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon