Playful Heart

0 0 0
                                    

Kasalukuyan kaming naglalakad sa daan ng mga kaibigan ko, pauwi na kami sa kanya kanyang bahay. Everytime na umuuwi kami galing school, naglalakad lang kami dahil malapit lang ang nga bahay namin sa school.

"Huy Camille tignan mo may gwapo" kinalabit pa ako ni Elly at tinuro yung basketball player na tumtakbo. Siguro part yun ng training nila. Ibang school to nagaaral, iba kasi ang jersey. Siguro sa kalapit na school sila nagaaral.

"Diba naghahanap ka ng bagong crush ngayon Camille?" Tumango lang ako, totoo naman masakit kasi yung naranasan ko sa past crush ko.

"Ano kayang pangalan nya no?" Napaisip talaga ako. Siguro kung malalaman ko lang ang pangalan nya ay ise-search ko talaga sa facebook agad agad.

Nagkatinginan kaming tatlo at saka ngumiti. Sa isang tingin lang, kuha na namin lahat at dapat gawin. Papalapit na ngayon sa gawi namin yung mga basketball players. Nang dumaan na sila sa amin ay tumalikod agad kami uoang makita ang likod ng jersey nung isang lalake. Inilapit namin ang mga mukha namin at pilit tinitignan kung ano ang apelyido nung basketball player na papalayo na ngayon. Muntik pa kaming mahuli dahil napatingin ito sa amin, buti nalang at naka-balik agad kami sa diretsong tindig.

"Hahah ano Camille? Nakita mo ba?" Napatingin sila sa akin, sasagot na sana ako ng 'hindi' sa tanong ni Elly ngunit agad namang humirit si  Zaymie.

"Ako! Nakita ko! Nakita ko! Jimenez ata yun?" Parang hindi sigurado si Zaymie ah. Eh excited na excited syang sabihin yan.

"Sige girls, sana makita ko yung account nya" sabi ko at nginitian silang dalawa.

"Oo nga para makakita ka naman ng bago, hundi yung Harold na yun! Ano ba kading nagustuhan mo sa kanya" nginitian ko lang si Zaymie, pinaalala na naamn nya.

"Pero Camille.. Sinasabi ko sayo, tignan mo muna yang ugali nya" payo ni Elly, seryoso sila ngayon.

"Ano ba kayo? Para namang kilala na nya ako. Hellooo.. Eh hindi nga nya ako kilala" Tumawa ako nang tumawa. Nag o-overthink na naman kasi ang dalawa.

"Umuwi na nga tayo" Hinila na kami ni Zaymie.

Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso ako sa laptop ko, nag search agad ako. 'Jimenez' yan lang yung inilagay ko, sana naman makita ko yun dito.

Tinignan ko lahat ng profiles ng mga pangalang may 'Jimenez' at hindi naman ako nabigo. Nakita ko ang fullname niya, 'Kenneth Jimenez'

Kinabukasan pumasok ako sa school na sobrang saya. Hindi pa man nya ako kilala, ang importante ay alam ko na ang pangalan nya.

"Hoy gaga! Bat ang saya mo?" Ayan ang bungad ni Zaymie nang makapasok ako sa classroom.

"Wala lang. Nalaman ko lang naman ang BUONG pangalan ni JIMENEZ" may mga salita talagang diniinan ko. Mainggit sana sya.

"Ano? Seryoso ka Camille?" Tumango lang ako sa tanong ni Elly. Ang cute ng mga reactions nila. Natawa tuloy ako.

Biglang dumating yung teacher namin kaya natahimik na ang lahat.

Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Naglalakad na naman kami ngayon at excited ako dahil madadaanan namin ang school ni Ken.

"Girls! May sasabihin ako" Pinahinto ko muna sila at hinawakan ang isa isa nilang balikat. "Pwede bang mag stay tayo sa AMS? Kahit saglit lang" ipinagdikit ko pa ang mga kamay ko na parang nananalangin. Yung AMS ay school kung saan nagaaral si Ken Jimenez.

"Bakit? Gusto mong makita si Jimenez?" Parang natuwa pa si Elly sa hiniling ko sa kanila. Tumango ako dahil totoo naman.

"Yieeee support kami sa anong gusto kong gawin Camille" kinikilig ako sa kanila, sobrang supportive nila.

OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon