Magulang

0 0 0
                                    

"Ma grades ko po" Inabot ko sa kanya ang card na binigay kanina.

"Average mo?" Tanong nya nang hindi man lang tinatanggap ang binibigay ko.

"90 po ma" yumuko na ako dahil alam ko na kung ano ang sunod na tanong nya.

"Sino ang rank one sa inyo?" Dahan-dahan na nyang kinuha ang card at pinaningkitan ako ng mata. Nanginginig man ay sumagot ako.

"S-si Llyr po ma"

"Oh! Ano ka ba naman Madison! Ano nalang sasabihin ni mareng Cristel? Na naunahan ka ng anak nya?!" Pinagpapalo nya pa sakin ang card.

"Ma sorry po, p-pagbubutihan ko nalang po sa susunod"

"Wala na! May masasabi na ang mga tao bobo! Ano bang nangyayari sayo?!"

"Mama mataas na namn po yang 90,yan lang po talaga nakayanan ko"

"Aba't sumasagot ka pa ah. Ano bang pinagkaka-abalahan mo at bakit ka nagkakaganyan, siguro lumalandi ka na noh?" Gusto ko nang umiyak pero alam ko ang mangyayari pag ginawa ko yun.
"Akin na nga yang cellphone mo, wag landi nang landi! Aral!" Kinuha nya ang cellphone sa bulsa kaya hinawakan ko ang kamay nya at nagmaka-awa na wag kunin.

"Ma wag po, kailangan ko po ito eh"

"Kailangan kailangan.. Wala akong pake! Ingudngod koto sa mukha mo pag di mo binigay!"

Wala akong magawa kaya hinayaan ko nalang si mama. Bago pa sya lumabas ng bahay ay may pahabol pa syang masasakit na salita.

"Puro kahihiyan ang binibigay mo saking bata ka, mamatay ka na sana!"

~~~

Habang hinahalo ang ulam na niluluto ko, biglang pumasok si papa sa bahay kaya dali dali akong pumunta sa kanya at nagmano.

"Papa.. "

"Oh bakit?"

"Pa. Kinuha po ni mama ang cellphone ko, kailangan ko po yun eh"

"Ano ngayon?!"

"Pa pwede po bang kausapin nyo si mama?"

"Sige mamaya"

Bigla namang pumasok si mama na nakakunot ang noo.

"Oh Mercedes, ano tong sinasabi ng anak mo na kinuha mo daw yung selpon nya?"

"Aba't nagsumbong ka palang bobita ka?" Napayuko ako sa sinabi ni mama, humarap naman sya kay papa at pinamewangan ito. "Paano ba namang hindi kukunin eh.. Mukhang lumalandi na yang anak mo!"

"ANO?!"

Dali-dali akong humarap kay papa at kinausap sya.

"Papa h-hindi po totoo yun, hindi po ako malandi"

"Sinasabi no bang sinungaling tong nanay mo?!" Pinagtaasan na namn ako ng boses ni papa sa hindi mabilang ma beses.

"Hindi po.." Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang mag-salita si mama.

"Ano yang sunog na amoy?!" Nanlaki ang mga mata ko nang matandaang may niluluto pala ako. "Yan kasi.. Nagpapaka-bobo na naman!" Tumakbo ako puntang kusina at dali-dali itong pinatay.

Lumapit si papa na kunot ang noo at naghahanda nang mag-sermon.

"Oh Madison, ano nang kakainin natin!"

"Patawad po" Yumuko nalang ako at pinipigilan ang iyak. Sinabunutan ako ni mama at pilit na pinapatingin sa kanya.

"Wala kang baon bukas dahil sinunog mo yang pagkain natin. Wala kang kwenta" Tinulak nya ako kaya tumilapon ako sa pinto ng kwarto ko. Naramdaman ko pa ang sakit ng noo. Wala na akong magagawa kaya pumasok ako sa kwarto at doon nalang binuhos ang hinanakit ko.

Sawang-sawa na ako. Gusto ko nang tapusin to. Ganito nalang palagi ang nangyayari sa buhay ko.

Ilang sampal, sabunot at mura na ang ginawad ni mama sakin. Si papa naman, masasakit na salita ang sinasabi sa akin muntik nya pa nga akong ma sampal.

Kinabukasan, kahit alam ni mama na malayo ang paaralan sa bahay namin ay hindi nya parin ako binigyan ng baon kaya naglakad ako ng ilang oras para marating lang ang school.

"Miss Madison? Bakit late ka? " Tanong sakin ni ma'am nang nasa tapat na ako ng pinto. 2 oras na akong late dahil sa paglalakad ko sa mainit na daan. Sasagot na sana ako nang biglang mag-dilim ang paningin ko at mawalan ng malay.

~~~

"Kumusta ka na?" Hindi ko alam sino ito pero marang pamilyar ang boses nito. Iminulat ko ng dahan-dahan ang mga mata at nagulat sa nakita.

"L-lolo?" Ngumiti sya sa akin at dahan dahang tumango. "L-lolo p-patay na po ba ako?" Umiling ito.

"Hindi ka pa patay apo"
"Alam kong pagod ka na sa mga pinaggagawa ng mga magulang mo pero apo, lumaban ka."

"Ayoko na po lolo, gusto ko na pong sumunod sa inyo. Kunin mo na lang po ako"

Dahan dahan syang naglalaho ngunit bago pa man matapos ang senaryong iyon ay bumulong sya sa akin. "Lumaban ka apo"

Pag-gising ko, nasa hospital na ako at nakahiga sa kama. Nalaman ko ding may malala na pala akong leukemia at bilang nalang ang mga araw ko. Kaya pala nakakaramdan ako ng hilo at sakit s katawan. Kahit na nalaman ko ang sakit ay hindi ako umiyak, masya ako. Masaya akong mawala sa mundo at tanggap ko ng buo itong sakit nato. Kung totoo man ang pangalawang buhay, sana mababait na magulang na ang ibigay sa akin.

-End-

OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon