Biological Father

2 0 0
                                        

"Mom, all this time tinago nyo ang totoo sa akin?" I heard my mothers cry as she try to approach me pero umiwas ako.

"Anak kung sinabi ko ba sayo ng maaga, sa tingin mo ay maiintindihan mo?"

"Pero ma ginawa nyo akong tanga eh. Inakala kong siya na talaga ang totoong ama ko"

"Hindi mo naiintindihan Heart"

"Kaya nga ma eh. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan itago nyo pa sa akin ang totoo" unti unti nang pumatak ang mga luha sa mata ko.  "Sa iba ko pa talaga malalaman" patuloy ko.

Sobrang bigat na ng nararamdaman ko at hindi na ako makahinga ng maayos. Pakiramdan ko ay tinago sa akin ang pinaka importanteng parte ng buhay ko. Pinaniwala ni mom na ang asawa nya ngayon ang totoo kong ama.

I open the door and run outside. Gusto kong makalayo sa bahay na yun, I want to be alone. Umupo ako sa malaking bato hawak ang tuhod at humihingal pa. Napa-pikit nalang ako dahil sa sakit na nadarama.

I was crying when I heard something, parang taong nahihirapang huminga. Madilim na ngunit lumapit ako to see what's happening. Nanlaki ang mata ko nang makitang may nakahandusay sa sahig at dinadaganan sya ng isang tao habang sinasaksak, medyo malayo ako sa kanila at may isang ilaw lang na nasa taas ko.

Siniklaban ako ng takot nang lumingon ito sa gawi ko, tinakpan ko ka agad ang bibig at umatras. Bigla itong tumakbo papunta sa akin at malas din dahil nadapa pa ako, huminto din sya sa harap ko. Iniinda ko na ngayon ang sakit ng tuhod ko. Nakita kong nanlaki ang kaninang nanlilisik nyang mata at natigilan, nakasuot ito ng bonnet mask kaya ang mga mata lang ang nakikita.

"Don't hurt me, umatras ka! Wag kang lalapit" Nakaupo pa din ako ngayon hawak ang sumasakit na tuhod.

Hindi ko alam but instead na saktan ako ay umalis ito bigla. Nagpapasalamat ako dahil hindi nya ako sinaktan pero napapaisip din kung bakit. Umuwi ako sa bahay nang paika-ika, takot na din kasi ako at baka balikan ako nung killer lalo na't ako ang witness.

"Heart, anong nangyari sayo?" Hindi ko pinansin si mom na ngayon ay mugtong-mugto na ang mga mata. Papasok na sana ako ng kwarto ngunit nagsalita ulit si mom.

"Heart anak.. gusto mo ba talaga makilala ang papa mo?" Napatigil ako sa pag-pihit ng doorknob at tumingin kay mama.

"Yes mom, I want to know him"

Pinaupo nya ako sa sofa at pumasok naman sya sa kwarto nila ni dad. Bumalik syang may hawak na baul at umupo sa tabi ko. Habang may kinukuha sa sa maliit na baul ay may sinasabi sya sakin.

"Anak, pasensya na kung hindi ko sinabi sa iyo ang totoo. May dahilan kung bakit ko yun ginawa. Kung ganito man lang din ang mangyayari,mabuti pa't sabihin ko na sayo. Naniniwala naman akong malaki ka na at matapang para malaman ang totoo" nagsisimula na namang mamuo ang luha sa nga mata ni mom

"Ang papa mo ay hindi kagaya natin" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"What do you mean mom?" Inilagay nya ang isang larawan sa kamay ko, tinignan ko ito ng may pagtataka. Hindi ito simpleng larawan lang dahil para itong pinunit sa isang newspaper. Hindi ba tao ang papa ko para sabihin nyang hindi namin sya kagaya?

"He's your biological father" Natulala ako sa nakita.

"Mom..."

"I was raped by your father, isa syang sindikato at pumapatay sya ng tao. Hindi ko masabi sayo dahil hindi ako handa kung sakaling hanapin mo sya"

"So it means, bunga ako ng k-kasalanan mom?" Agad nya akong hinawakan at umiling-iling.

"Heart anak.. your father raped me but I don't regret it, dahil biniyayaan ako ng anak na katulad mo" Hindi ko na napigilang umiyak.

"Kahit ganon ang nangyari, hindi ko pinagsisihan ang lahat. Your father wants to have a relationship with me back then at gusto din nyang ilayo ako at mamuhay na kami ng payapa pero alam kong magagalit ang lola mo kaya nya nagawa sa akin yun"

"Mom? Naguguluhan po ako"

"Magkakilala kami ng biological dad mo at nagkamabutihan din, I know he's part of a sindicate pero alam ko ding may puso sya. Palihim kaming nagkikita gabi gabi"

"Minahal nyo ba si p-papa ma?"

"Yes, I 'loved' him pero wala akong nagawa. Inilayo ako ng lola mo at namuhay sa ibang lugar"

"L-loved?"

"Yes anak, noon minahal ko sya. Ngunit simula nang malaman nyang may anak sya sakin at lumayo ako, tuluyan na syang naging masama. Sunod sunod na ang pinapatay nyang tao at magaling syang mag-tago kaya hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang papa mo"

Tinignan ko uli ang larawan at sinuri ang bawat anggulo ng mukha nya.

"He's eyes" bulong ko.

"Bakit anak?"

"I know him, kilala ko ang may ari ng mga matang ito" nabitawan ko ang larawan, pinoproseso ang lahat.

Now I know who's my biological father.

-End-

OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon