"Shantel pasok ka sa kwarto, baka mapagod ka pa dito. Makakasama yun sayo" malambing na saad ni ate Mikaella.
Sinunod ko ang utos nya. Dahil nabo-bored ako, wala akong ibang magawa kundi mag cellphone. Ganito palagi ang ginagawa ko. Pumasok naman si ate dala ang plato na may lamang prutas.
"Cellphone na naman?" Kunot noong tanong ni ate Mikaella.
"Duh, ano bang ibang magagawa ko ate?"
"Tss ikaw talaga, pero wag masyadong magbabad dyan ah?" Tumango lang ako ng paulit-ulit bilang sagot. Inabot nya din sakin ang mga prutas at ang gamot na dala.
Inip na inip na ako sa bahay, gusto kong lumabas at magsaya pero hindi ako pinapayagan dahil sa malala kong sakit.
Nakapangalumbaba akong tumitingin sa cellphone nang may nag pop na message, from Chammiel Kim. Agad kong binuksan iyon at nakitang ang nag chat sa akin ay isang brp. Nagsimula sa simpleng 'Hi' at 'Hello' ang usapan namin ngunit hindi ko akalaing mas lalalim pa yun.
Araw araw na kaming nag-uusap online at masaya yun sa pakiramdam. Minsan ay napapahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit nito pero nawawala din agad, dahil sa kanya. Dumaan pa ang araw ay mas naging masaya ako. Nakakakilig sa tuwing bumabanat sya, nakakainis naman kapag inaasar nya ako, nakakatawa kapag may jokes sya at nakaka-inlove kapag may nalalaman akong mabuti sa kanya. Kahit minsan ay hindi ako nakaramdam ng lungkot sa kanya.
"Hoy Shantel! Kanina pa kita tinatawag"
"Ayy sorry ate, bakit?"
"Ano ang dahilan ng pangiti-ngiti mo dyan" bahagya pang tumaas ang isang kilay nya, nangungwestyon ang tingin.
"Wala" nauutal kong sabi at pilit na ngumiti, ngunit kinabahan ako nang makitang nananatili ang ganoon nyang tingin "May nakita lang akong ano... meme" tuloy ay nameke ako ng tawa.
"Shan, hindi naman masamang maging masaya ka. Sa katunayan nga ay nakabubuti iyon para sa kalagayan mo pero..." Tumango lang ako para malaman ni ate Mikaella na nakikinig ako ng maayos.
"Pero baka yan din ang maging dahilan para malungkot ka ng sobra" Dama ko ang sinseridad ni ate nang sabihin nya iyon. Tinalikuran nya din ako dahil may ginagawa pa sya. Pumasok ako sa kwarto na may masikip na dibdib. Sumasakit na naman ang puso ko, parang piniga iyon.
'May ideya ba si ate na tao ang nagpapasaya sakin?'
Sa mga nag daang araw at buwan, lalo lang ata akong nahulog sa kanya kaya naisipan kong mag confess pero iba ang inaasahan kong sagot nya.
"Di kita gusto Shantel"- Chammiel
"So para san yung mga ginagawa mo?" Reply ko sa kanya. Nagsisimula nang sumakit na naman ang puso ko. Napangiwi akong tumitingin sa screen ng phone, hinihintay ang reply nya.
"Haha pinaglaruan lang kita, total role play lang naman to diba? Hindi totoo lahat ng sinabi ko"- Chammiel
Hindi ko na nagawang mag-reply, sobrang sakit na talaga. Napamahal na sya sakin. Napapikit nalang ako dahil sa sakit, naguunahan na ding tumulo ang mga luha ko.
"O my Shantel!" Nadinig kong sigaw ni ate bago ako mawalan ng malay.
Kinabukasan, nakita ko na lang na nasa hospital na ako. Nakahiga at nakatunganga sa malamig na kwartong ito. Nararamdaman ko pa din ang sakit hanggang ngayon pero pinipigilan kong ngumiwi dahil alam kong magaalala lang si ate sa akin.
"Shantel, sya ba ang dahilan?" Maya maya ay tanong ni ate. Gulat akong napatingin sa kanya "Sabi na nga ba't sya din ang magiging dahilan ng pagkalungkot mong yan" Hindi ako nakasagot, naghalo-halo na ang nararamdaman ko.
Alam kong malala na ang sakit ko sa puso at alam ko ding malapit na akong mawala. Wala naman kasing gamot to at wala din kaming pera para ipa-opera. Nanghihina na ako dahil sa sakit at matagal ko nang tanggap ito. Lumipas ang araw, palala nang palala ang kalagayan ko. Hindi na alam nila ate ang gagawin.
"Chammiel, thank you. Ikaw yung dahilan ng pagiging masaya ko kahit kaunting panahon lang iyon. Kahit na pinag-laruan mo lang ako, naging masaya naman akong makipaglaro sayo kaya okay lang. Pero Cham, napamahal kana sakin kaya hindi ko talaga kayang mawala ka. Salamat at paalam na rin" last message ko sa kanya.
Sinabi na ni ate na wala na talagang pag-asang gumaling ako at mabuhay ng matagal. Naiiyak pa syang aminin yun. Siguro, hihintayin ko na lang na kunin ako ng panginoon at hindi ko kakalimutang may Chammiel na dumaan sa buhay ko.
Hanggang sa muli.
-End-
![](https://img.wattpad.com/cover/241996462-288-k847415.jpg)