I Will Never Forget You

0 0 0
                                    

Payapa ang karagatan ngayon at mabibilang lang ang mga taong nandito. Kasalukuyan kong tinitignan ang asul na dagat, naghahatid ito ng kakaibang pakiramdam.

"Kumusta ka na Cate? I miss you" Pilit kong pinipigilan ang nagbabadya ng luha dahit sa sakit na nadarama.

Hawak hawak ang bracelet na iniwan nya, unti unti nang pumapatak ang mga luhang kanina ay pinipigilan.

[Flashback]

"Hey Zulfah. Ano answer mo sa number 1?" Pabulong na tanong ni Rekslycate. Nilingon ko naman ang gawi ni sir at nakitang busy ito.

"Bakit?" Pabulong din ang pagkaka-tanong ko kahit na nasa gilid ko lang sya.

"Pa copy ako pleaseee.. " inilagay pa nya ang kamay sa harapan at pinagdikit ito na parang nagmama-kaawa. Pinagtaasan ko sya ng kilay at naintindihan nya naman ang ipinahihiwatig ko. "Hehe ililibre kita promise"

Pinakita ko ng papel sa kanya at dali dali nya naman itong tinignan. Ngumisi pa ito bago matapos.

"Thank you Zulfah, kaya lab kita eh"

Rekslycate, she's my 'only' friend. Walang kumakausap sa akin sa school dahil daw nerd ako at maypagka-weird pero iba si Cate sa kanila, tinanggap nya ako bilang ako at naging matalik kaming magkaibigan.

"Hoy Cate! Nasan na ang ipinangako mong libre? " Tanong ko nang pinalabas na kami sa classroom.

"Hindi ka makapag hintay Zul?" Sarkastiko kaming tumawa noong una pero tumawa din ng totoo nang magkatinginan kami. Ganyan kami ka abnormal.

Habang kumakain kami sa canteen hindi magkanda-ugaga si Cate kakatingin sa cellphone nya.

"Zulfah" Natigil ako sa pagkain at nilingon sya na hanggang ngayon ay nas phone ang paningin.

"Bakit Cate?"

"Punta tayong dagat sa Sunday, gusto kong maligo"

"Problema mo?"

"Wala naman, gusto ko lang talagang maligo"

"Sige walang problema yun sakin"

~~~

Nakatanaw kami sa dagat ngayon at tinitignan ang mga ibon na nagliliparan sa taas. Sariwa ang hangin at nakaka-akit din ang puting buhangin na inu-upoan namin ngayon.

"Zulfah" Napalingon sya sakin at ngumiti.  "Paano kung ngayong araw ay mawala ako, anong huling sasabihin mo? "

"Ano bang pinagsasabi mo?!" Naguguluhan ako sa kanya, hindi ko sya maintindihan. Tumawa sya nang marahan at ibinalik ang paningin sa malinaw na dagat.

"Nagtatanong lang naman" nakangiti lang sya ngunit batid kong may halo itong kakaiba.

"Bakit nga ganyan ang tanong mo? Ano? Mawawala ka na ba?"

"Hindi naman.. Teka may ibibigay pala ako sayo" Iniabot nya sakin ang bracelet na kulay silver, may mga disenyo din itong paro-paro.

"Thank you Cate"

"Isuot mo yan. If you will miss me,  just hold your bracelet and I promise you that I will be by your side. Love you Zulfah"

"Oh no. You're acting weird Cate" Imbis na kausapin pa ako ay ngumiti lang ito.

"Tara na nga. Ang linaw ng dagat oh" tumayo sya at unang pumunta sa dagat, sumunod nalang din ako.

Masaya kaming nagtampisaw sa dagat. Ngunit bigla akong kinabahan ng ilang minuto ng tumahimik. Umahon ako at inilibot ang mga mata, wala akong ibang nakikita kundi ang payapang tubig.

"Cate?!" Ilang minuto akong nagmasid ngunit hindi ko talaga sya makita. "Rekslycate?! Nasan ka? Hoy hindi magandang biro to" Pinanghinaan na ako ng loob dahil malapit nang mag kahalating oras ang paghahanap ko. Umalis din ako sa tubig at hinanap sya sa pangpang ngunit wala rin, sinubukan ko din syang tawagan pero wala.

Inabot ako ng isang araw doon at pinilit pa ako ng mga magulang ko para umuwi. Ayokong isiping may masamang nangyari pero yun talaga ang kutob ko. Hindi ko alam bakit nawala nalang sya ng bigla, wala nang nakakita sa kanya simula nang araw na yun. Marami din ang nagsasabing mahiwaga daw ang kanilang pamilya. Ilang araw, linggo, bwan at taon akong naghihinagpis sa pagkawala nya. Kung alam ko lang na huling araw na pala nya iyon, sana sinagot ko na lang ang tanong nya.

[End of flashback]

Hawak ko pa din ang bracelet habang tumatangis. Pinanghahawakan ko ang sinabi nyang kapag hawak ko to ay nasa tabi ko lang sya.

"Cate.. Bumalik ka na oh. Miss na miss na kita. M-mag pakita ka naman kahit sandali lang, alam kong nasa tabi lang kita. Please.. "

Bigla kong pinahiran ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko ngayon nang may tumapik-tapik sa balikat ko.

"Zulfah, anak.. " Nilingon ko ito at ang nakangiting si mama ang sumalubong sa akin.

"Bakit po ma?"

"Okay ka lang ba?" Tumango lang ako at patuloy na pinapahiran ang luha. "Anak tanggapin mo na. Hindi ka makakausad kapag hindi mo pa binitawan yang sakit sa dibdib mo"

"Ayoko pa po ma. Hanggang hindi nakikita ang katawan nya, hindi ko bibitawan ang pag-asang buhay pa sya"

-End-

OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon