1- THE BULLY

116 6 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This contains typographical and grammar errors, please take note of that

Literal na meron talagang flaws ang story na 'to, and sobrang dami ng typos and wrong grammars.

PLAGIARISM IS A CRIME

  ~START~

TRIGGER WARNING: This story contains bullying, please be reminded. Huwag gawin sa totoong buhay.
-
-
-

"Huwag, huwag mo akong patayin"

"Manahimik ka, bilang nalang ang araw mo"

"Subukan mo siyang patayin, hindi talaga ako magdadalwang isip na paputukin tong baril sayo"

"Roxan?"

"Sabihin nalang nating, Ako ang traidor sa grupo ninyo"

"I-ikaw?"

"Oo, at tutal hindi na kita kailangan papatayin na kita. Paalam Rodel "

*gun shot*

Mga batuhan nila ng mga salita

Pero grabe ha ang ganda umarte ng Roxan at Rodel balita ko mga baguhan ito dahil hindi ko pa ito nakita na umarte nung nakaraang school year. Nag summer rin siguro sila.

Hay ito nanaman, kailan ba ako naging interesado sa theatre Club, kung hindi lang sana kami inutusan hindi naman ako manunuod ng play nila.

Matapos ang ilang minuto natapos rin ang play ng mga theatre Club, napaka bayolente may mga baril barilan, buti naman pinayagan ng paaralan yon

Nagsilabasan na ang mga estudyante palabas ng gym. Halatang hindi nag enjoy sa play ng Theatre Club

"Aray" napadapa ulit ako ng may tumulak nanaman

"Lampa mo naman" bumangon ako sa pagkadapa ng makita ko naman si Emerald kasama ang mga alipores niya

Napansin kong pinapalibutan kami ng mga estudyante, tinatawanan nila ako, gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Nakakahiya

Gusto kong umiyak, pero pinigilan ko at dumiretso nalang sa CR, pumasok ako sa cubicle at doon binuhos ang luha ko.

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi mapigilan  ang hikbi at para walang makarinig nito. Patuloy-tuloy parin ang patak ng mga luha ko

Hindi ko alam kung bakit sa daming estudyante ako pa ang nagawang tripan ng mga ito, tiniis ko, ilang taon sa pag-bubully nila, hindi ako nagsumbong, hindi ako lumaban. Dahil alam kung wala akong laban sakanila

May kumatok sa cubicle

"May tao ba diya?" Tanong ng tao sa labas

"M-meron" sinubukan kong hindi mag utol-utol ang salita ko

Pinunasan ko na ang mga luha ko at lalabas na ng cubicle upang maghilamos pero nakita ko si Emerald at ang kasamahan niyang nag aabang saakin sa labas

"You done crying?" Natatawang tanong niya

"Pakiusap. Lubayan niyo na ako" nakayuko kong sabi sakanila

"Ayaw namin" humakbang si marfell sa harapan ko at tinulak ulit ako papasok sa cubicle

"Ano bang problema niyo saakin, komprontahin niyo nga ako, sa dami dami ng estudyante bakit ako pa?" Namuo na ulit ang mga luha sa mata ko at desa-oras ay bubuhos na ito ulit

 Mystique 4 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon