(You can disagree but just keep it in your mind. I don't need it ;3 haha)
Ngayon, mas naniniwala na ang mga tao na mas makapangyarihan ang lust kesa sa love.
Time passed by. Years, months, even events that we usually celebrate is already forgotten.
The generation is building a new point of view. The minds is making a new look of what we usually see or do.
Ang paghawak sa isang binibini ng isang ginoo ay nahahatulan ng pagpapakasal.
Ang dalagang hinawakan ng isang binata ay tinatawag lang na pagkakaybigan.
Kailangan ata kung ano pang paniniwala noong panahon ng hapon, iyon parin ang gawin hanggang ngayon. O bukas, sa susunod, hanggang sa ilan pang taon.
Mali kapag nagbago ka, baka magalit ang iyong lola.
Ang taong nakapagtapos ng pagaaral ay isang ganap na marangal. Ang taong naghirap na magtanim ng makakain natin ay walang sapat na kapangyarihan upang sabihin ang kanilang nais iparating.
Masyadong sinisisid ang dagat na puno ng likes at react. Hindi na nakaahon at nagsaya sa natamong itim na pakpak.
Walang masamang ugali sa taong nagbibigay ng mga benipisyo. Ayos lang na maging masama para lang mag karoon ng milyon milyong taga hanga.
Bigyan mo lang ng limang daan, ikaw na ang iboboto, ito ay iyong asahan.
Hindi nga ba ginabayan ng magulang o nakakatanda? Wala bang maski isa nagkaroon ng pakialam sa kanila?
O talaga namang mas masaya kapag maraming taong nanunuod sayo na tinuturing mo ng grasya?
Sa pitong bilyong tao, ilang milyon ba ang gusto mong manuod sayo? O baka bilyon na ang nais dahil maski ang dekadelesa linunok mo na?
Ayos lang ngayon ang mag harass ng kababaihan. Hindi ka naman nila sasaktan hanggat mayroon kang perang iniingatan.
Kaya bago manakit, siguraduhing bilyong daang piso iyo nang nakamit.
Tanong ko lang ah. Anong gagawin niyo roon sa bilyong piso na iyon? Bakit hindi niyo man lang ako hinatian. Pang bili ko man lang sa iphone 11 na yan.
Sabi nga ng isang bayani, kabataan ang pag asa ng bayan. Kaya naman iyang mga iyan, lumunok ng ilang bilyong skin care upang magmukha na sigurong kabataan.
Ang galing na sana. Na pwede ng lumabas kasi nga lagnat lang naman iyan. Ang kaso iyang laway mo ikakalat mo pa mula batanes hanggang julo. Sa tingin mo pinangarap naming makamit iyang dumi mo?
Isa pa pala, tawag ko sa fandom ko bitches. Para naman may masabi lang dahil iyan ang uso ngayon, right bitches?
Hindi ko lang natanggap, na kakalabas lang pala ng daycare itong tinawag ko. O utak ganon lang talaga. Aba gusto pa na gumawa ng gulo. Iyon naman pala sumali lang sa group ko para makatanggap ng atensyon, iyong mga isang libo.
Kawawa naman si ineng, hindi pinansin ng mommy at daddy kaya sa facebook naghahanap ng gustong ibigti. Tapos nung tinanong, nagtawag ng kaedad niyang tawagan nila mami.
Aba iyong totoo? Walang nagmahal sa inyo? Kapatid man lang o kahit iyong apo na sa tuhod ng lola niyo?
Kaya ngayon nag hanap ng jowa, sa isang website. Tapos ang plano na pala nila eh mag karga na ng sanggol kasi early pregnacy is OKAY.
Tapos meron isang artista, nakapagpauso ng isang salita. Ano yon ghosting? Ah kaya pala todo share sa facebook na ginawa nila na iyon. Aba mukhang proud, halika dito bata at papainumin lang kita ng konting sting.
Kapag matanda ka sa pilipinas, palagi ka ng tama. Wala kang karapatan na magsalita. Kasi nga kailangang respetuhin natin sila.
Kelan kaya magkakaroon ng boses itong mga bata. Siguro kapag approved na sa batas na pwede na kahit iyang thirteen yearsold na yan, maging kasama na sa malacañang.
O siguro gagawa muna ng youtube channel, magahahakot ng pera, maghahakot ng tagahanga, tsaka palang pwedeng sabihin ang mga hinaing nila.
Kaso busy rin silang imemorize iyong step ng tut tut tut, turururut turururut. O dahil natatakot sa pwedeng sabihin sa kanila na nagmistulang banta. Kasi nga diba, politika ang pagasa ng bayan.
Kapag hindi ka nagsalita galit sila. Kapag nagsalita ka na galit ule sila. Aba iyong totoo? Hinubog ka ba sa cocomelon? Likot brainy mo ih.
Tapos kapag pala asa youtube ka na influencer ka na agad. Ang ganda naman non. Edi kapag asa facebook ka famewhore agad? chour.
Kapag nag make up, nagpapalandi agad? Kapag nag suot na sando, pok agad? Aba galing talaga.
Normalazing rape and abusement; uhaw na uhaw. Ganoon ka ba talaga ka panget at kelangan mo pang manakit at mamimilit? Eww.
Nag sasalita sa issue na wala namang alam; nanghihila papababa ng kapwa niya. Tapos kapag pinuna diretso deact? Private agad iyang account mo eh dati ka pa namang palaboy sa internet.
Tapos kapag sinabing nanghihila pababa, sasabihin niyo, bakit asa taas na ba siya? Hayst. Kung iisiping mabuti, iyong statement na iyan parang sinabi na din na nangaapak ka ng isang tao. Hindi kailangang asa taas ka na, tsaka kalang nahihila.
Kasi kahit saan tignan, nanakit ka parin ng isang tao.
Tsaka isa pa pala, huwag tayong masyadong magalit. Baka bigla kang ipagpalit. Hindi lahat ng gusto mo, makakamit.
Kung ang ugaling ito ang natitipuhan mo, at iba ang naparating sa iyo. Huwag kang magreklamo. Dahil hindi na kami nagsalita nung nabuo ka sa mundong ito.
Siguro nga kahit ang pinaka gwapong nilalang sa mundo ay nagnakaw. Kindatan lang ang mga tao, labas agad ito sa preso. Ganoon kababaw. Sobrang babaw.
Slowly accepting those things. That its okay to be bad, there are seven billion people on earth. Imposibleng walang kakapit sa kademonyohan mo.
Isa pa pala, ulet, meron kasi akong isang taong hinahangaan. Hindi niya nga alam na buhay ako sa mundo, pero siguro nakita niya na iyong dummy account ko, na nag vote doon sa app na pinaghirapan niya.
Tapos may nagpapansin na mga tao (hindi ulet nakatanggap ng pagmamahal sa katawan), aba biglang nagtatarayan.
Sinabihan pa ng masasamang salita kahit hindi siya kilala. Oo hindi ko rin siya kilala, ang kaso meron siyang inililikha. Na talaga naman may mga salita, na hindi ko inaasahang makakapagbigay sa akin ng kakaibang pagtingin sa mundong aking ginagalawan.
Ilang taon na ba akong lunod sa mga salitang binabasa ko lamang. Hindi ko lang alam na may mga tao palang kayang manira ng kasanayan at talaga namang aking kinahihiligan.
Kase nga gusto makiuso.
Tsaka kinasaya niyo ba ang pagsira sa iba? Sa bagay, hindi lahat ng kasiyahan ay worth it pang nakamtan.
Ayos pa sana dahil tanggap kong mga bata pa sila o isip bata. Kaso meron nanaman, aakusahan ng mga bagay pinulot lang sa daan. Eto, sigurado hindi na mga bata.
Pero diba nga, basta't matanda ka na, ikaw na palagi ang tama.
Just want to say na, ang saya ipaglaban ang isang tao, laluna kung tayo ay may tamang sinasabi.
Ayos lang ang masaktan, makapagmura dahil iyan naman na ang nakasanayan (especially kids), magalit dahil nainsulto. Pero iyong batuhan ng panibagong insulto ang isang taong wala namang ginawang masama sayo? Ang galing!!!
Minsan masarap rin sa pakiramdam kapag ginagamitan natin ng utak ang ating bawat galaw.
Pero tandaan ang mga bagay na iyan, isang normal nalang na batayan ng buhay, na parang umiinom lang ng mcfloat sa jollibee. Dahil iyan ay normal nalang, sa henerasyon ngayon.
October 5, 2020. 12:00 AM
Hindi makatulog,
Christiane Ivy.End.