15
•Zoe's POV•
Muntik na akong mapahalakhak nang makita ko ang sout ni Aicha. White din na T-shirt at may print sa harap na MY PROPERTY! tapos sa likod NEIL BENEDICT OSWIN. haha..
Buti nalang talaga mahaba ang buhok ni Aicha para matakpan ang print sa likod.
"Hihi." Hindi ko mapigilang tumawa at panay kurot naman ang ginawa-gawa sakin ni Aicha.
"Aicha Mapanakit!"
"Zoe, tumigil ka diyan kong ayaw mong..."
"Kung ayaw mong?"
"Kung ayaw mong mabugbog!"
"Hahaha. Property of Neil Benedict Oswin." pagkasabi ko 'yon ay agad akong tumakbo papunta sa canteen. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin yung tatlong mokong ngunit nabigo ako dahil wala sila. Bakit ko ba kasi iniwan si Aicha.
Napa kamot nalang ako sa ulo. Naglaho lahat ng reaksyon ko ng nakita kong masama ang tingin sakin ni Vivian at may kunting ngisi sa kaniyang labi. Pinalisikan ko rin siya, akala niya siya lang? Duh! Hindi ako papatalo.
Umupo na ako sa dati naming pwesto. Habang naghihintay ako ay may biglang tumigil sa harapan ko kaya tiningala ko ito.
"H-hi!" namula pa ang pisngi ng lalaki. Kinunotan ko nalang siya ng noo.
"Hello?"
"Uhm, ako nga pala si A-anthony." sabay lahad niya ng kamay. Tinanggap ko naman.
"Zoe."
"P-pwedeng maki upo?" Medyo utal niyang tanong.
Sabagay wala pa naman sila kaya pwede. Ang rude naman kasi kong tatanggihan ko siya. Pshh.
"Yeah, no prob," nginitian ko nalang siya para kahit papano mawala ang ilang niya.
"Thank you!" at umupo na siya.
"Ano na palang grade level mo?" tanong ko dahil ngayon ko lang siya nakita dito.
"Uhm, grade 12," nanlaki ang mata ko dahil grade 12 pala siya. Shit kuya ko pala siya.
"Dapat pala kuya. Hehe."
"Haha. Wag na masyadong pormal pakinggan."
"Ah eh. Okay," napakamot nalang ako ng ulo.
"Ang cute mo talaga!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napatakip naman siya sa kanyang bibig.
"Sorry, I didn't mean it," pilit na ngiti nalang ang sinukli ko. Iniba ko nalang ang usapan at pinag usapan namin ang palapit na acquaintance. Gusto niya daw pumunta sa acquaintance ng junior kahit senior na siya. Sabagay pwede namang pumunta ang mga senior sa acquaintance namin.
Habang nag-uusap kami ay may biglang humampas sa mesa namin kaya napalundag ako sa gulat. Pagtingin ko ay si Yves na naka tiim ang bagang at seryoso ang reaksyon niya. Kasunod niya sila Aicha, Benedict at Simon.
Napatikhim nalang ako. "Ahh... Si Anthony nga pala," at tipid akong ngumiti.
"Hello!" approach ni Aicha ganun din si Simon pero yung dalawa ay seryoso lang.
"Hehe. Sige una na ako," paalam ni Anthony at tumingin muna siya sakin kaya tinanguan ko siya. Pagka-alis niya ay agad na tumikhim si Aicha dahil ang tahimik ng atmosphere.
"Kaya pala tinakbuhan ako dahil may kaharutan." Talagang enemphasize niya pa. Inirapan ko nalang siya at umiling.
"Hindi niya ba nabasa ang nasa likod mo?" tanong ni Simon na kinakunot ng noo ko.
BINABASA MO ANG
Light in the Dark Night (COMPLETED)
Teen FictionIsang babaeng may laging pinapaniginipan. Isang bangungot na nakakatakot ngunit pilit niyang nilalabanan. Takot. Takot ang namayani sakanya. Subalit... dumating ang isang misteryosong lalaki. Ano nga ba ang papel ng misteryosong lalaking ito sa buh...