34
•Zoe's POV•
Natapos ang klase namin ng hindi napansin ni Maam ang blackboard.
"Yes!"
Tumayo na ako at inayos ko na ang mga gamit ko. Hindi pa bumabalik si Yves at hindi ko alam kung saan napunta ang isang 'yun.
"Bakit?"
"Wala lang. Excited kasi ako bukas," palusot ko nang magtanong si Harry.
"Wait. Pano 'yun," nginuso niya 'yung blackboard.
"E, ako nalang ang magbabayad."
"Iba talaga ang mga galante," aniya at nagpilit nalang ako ng tawa.
Psh.
Nilampasan ko na siya at lumabas na sa classroom. Hindi pa man ako nakakalayo ay may sumigaw...
"Hoy! Zoe!.." nilingon ko ang tumatakbong palapit sakin na si Aicha.
"Op?"
"Gaga ka! Ano kasing ginawa mo kay Yves at nasuntok niya ang blackboard ng gano'ng kalakas."
"Tss. Ba't kasi kinagat niya ang tenga ko. Syempre, binawian ko siya. Tsaka aksidente lang naman na nabunggo ko siya kanina, a."
"Hayyy. Bahala kayo," Nauna nang maglakad si Aicha.
Tss.
Bukas naman na kami aalis kaya sa monday ko nalang proproblemahin 'yun.
Hihihi...
****
"Zoe, gising na! Ngayon ang alis niyo 'diba?" rinig kong sabi ni Mommy.
Tsh. Ang aga palang naman, e.
"Mommy mamayang 8:30 pa kami aalis," walang buhay kong saad dahil inaantok parin ako.
Aish!
"Sige, sabi mo e.," Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan.
Buti nalang. Maka tulo---
"Siya nga pala. 8 am na pala. Hihihi."
Napabalikwas ako sa pagbangon at sinamaan ng tingin si Mommy.
"Mommy, naman e!" Tinawan pa niya ako. Tsh
"Buti nga sinabi ko pa, e," at sinara niya ang pintuan.
Padabog kong binuksan ang kabinet ko at naghanap ng pwedeng maisuot.
"Bakit ba kasi hindi ko ni-ready kagabi? Aish!" Napa sabunot ako sa buhok kong gulu-gulo.
Napagdesisyonan kong isuot 'yung grey na hoodie at may print na YOLO, pinarisan ko rin ng back jeans and white sneakers.
Binilisan ko ang pagligo at pagkatapos ay blinow dry ko ang hair ko. Agad kong binun ang buhok ko at meron pang mga takas na buhok. Sinuot ko rin ang reading glass ko.
Tumapat ako sa salamin...
"Perfect!" kinuha ko na ang bagpack ko kung nasaan ang mga damit ko ng apat na araw at ang mga kailangan ko. Nagdala din ako ng camera at sinuot ko ito sa leeg ko.
BINABASA MO ANG
Light in the Dark Night (COMPLETED)
Teen FictionIsang babaeng may laging pinapaniginipan. Isang bangungot na nakakatakot ngunit pilit niyang nilalabanan. Takot. Takot ang namayani sakanya. Subalit... dumating ang isang misteryosong lalaki. Ano nga ba ang papel ng misteryosong lalaking ito sa buh...