24
•Zoe's POV•
Pumasok na kami sa hospital at amoy ko ang mga iba't ibang chemical. So, dapat magfacemask ka kapag pumapasok ka dito dahil iba't ibang sakit ang narito at pwede ka ding mahawaan.
"Visiting room 210." saad agad ni daddy pagdating namin sa front desk kung nasaan ang mga nurse.
"Okay, Sir." May chineck pa ang nurse sa papel niya. "You may go, Mr. Valderon in 5ft floor." saad ng nurse kaya tinungo na namin ang elevator.
Sa hospital na 'to ay puro glass ang wall nila sa 1st floor at pati ang elevator ay glass din. Ihhh! Amazing. Habang pataas kami ay kitang kita kong nilalampasan namin bawat floor. Tumonog na ang elevator pagkarating namin sa 5ft floor. Dito ay hindi na glass dahil puro room na ang nandito.
Pagtapat namin sa room 210 ay kumatok muna kami bago pumasok. Bumungad sakin ang isang babae na naglalakad lakad.
"Mr. And Mrs. Valderon!" bati ng babaeng kasing edad siguro ni Mommy at ang laki ng tummy niya!
"How are you and the baby?" seryosong tanong ni Dad.
"Always good Mr. Valderon." tinignan niya ako kaya nginitian ko siya ng tipid.
"Oh, so this is your daughter?"
"Yes."
Tinitigan niya ako pababa at pataas. "Dalaga na." nginitian niya ako.
"Yeah. Kaya nga naisipan naming magkaroon pa ng isang anak." ani ni mommy.
Nilingon ko siya at nakatitig siya sa tiyan ng babae. Nilapitan ko siya. "I wish I'm the one who carry him." malungkot na bulong ni mommy kaya niyakap ko siya.
"It's okay, Mommy. Ilang araw nalang at lalabas na siya." nginitian ko siya.
"Yeah." at mapait na ngumiti.
Ilang minuto ay tumili 'yung babae kaya agad kaming nagpanic.
"What happened?"
"Are you okay?"
"Bakit?" sunod sunod na tanong namin.
"Haha. Sumipa siya!" ani niya sabay himas sakanyang umbok na tiyan.
"Come here." aniya sakin at hinawakan niya ang kamay ko at pinatong sa tiyan niya at ilang minuto ay may naramdaman ako sa loob.
"Gosh! Ang likot niya! Gusto na yatang lumabas e." ani ng babae at napa ngiti ako. I feel him inside her. Amazing!
"Can I touch?" tanong ni Mommy.
"Of, course Ms. Valderon." ngumiti ang babae at agad hinawakan ni Mommy ang tiyan ng babae.
"Mommy, you feel him?" Maya-maya ay tanong ko.
"Yes! Gan'to ka din kalikot ng ikaw pa ay nasa loob." Kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko.
"Hehe."
Sinamahan ko si Mommy na bumili sa cafeteria ng hospital na'to.
"Mommy, may makukuha ba si Marcus sa nagdala sakanya?" tanong ko dahil curious ako.
"Possible? Kasi hindi purong akin 'yung eggcell e." nalungkot ako kunti. Mas maganda kasi kung purong ikaw.
"So, pwedeng may makuha siya sa nagdala sakanya?"
"Maybe. Let's see, when he came out."
Nagstay muna kami ng saglit doon at nang mag alas-dose ay napagdisisyonan namin na umuwi na.
BINABASA MO ANG
Light in the Dark Night (COMPLETED)
Teen FictionIsang babaeng may laging pinapaniginipan. Isang bangungot na nakakatakot ngunit pilit niyang nilalabanan. Takot. Takot ang namayani sakanya. Subalit... dumating ang isang misteryosong lalaki. Ano nga ba ang papel ng misteryosong lalaking ito sa buh...