44
•Zoe's POV•
Nagising ako sa iyak ng sanggol.
"Mom, ang ingay!" tinakpan ko ang tenga at ang mukha ko. Inaantok pa ako.
"Zoe, nandito na siya! Bilis tignan mo."
"Mom, antok pa ako."
"Zoe, naman!"
Kahit inaantok pa ako ay pinilit kong bumangon sa kinahihigaan ko.
"Mom, ano na?" namumungay parin ang mga mata ko.
"Charan!" pinakita niya sakin ang isang baby na lalaki.
"Sino 'yan?" kinurot ni mommy ang braso ko kaya medyo nawala ang antok ko.
"Aww." tinignan niya ako ng masama. Nanlaki ang mata ko.
"A-anak ko 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Arghh! Ano bang nangyayari sayo, Zoe? Nakalimutan mo ba? Siya si Marcus! Kapatid mo! Jusko naman!" nanlaki ang mga mata ko.
"Ghad! Lumabas na si Marcus?! Wow, can I cary him?" biglang bumalik ang diwa kong lutang.
"Hindi pwede. Baka mamaya ibato mo pa siya."
"Mom naman! Kahit mabilis lang. Gusto ko siyang titigan. By the way, kailan siya lumabas?"
"Sayang nga eh. Sana March 15 kaso 16 siya."
Binigay niya sakin si Marcus at dahan-dahan ko siyang kinarga.
"Gosh, Zoe! Para kang bagong panganak," at tinawanan ako ni Mom. Nakitawa nalang ako at binalingan ang atensyon kay Marcus.
Ang cute niya! Sa tingin ko lalaki 'tong gwapo. Haha. Ang serious ng mukha, parang si Yves lang. Naalala ko na naman siya at biglang bumigat na naman ang dibdib ko. I miss him so much.
Nagulat ako dahil ngumiti siya!
"Mom! Look at Marcus! He smiling! Oh gosh! May dimple siya!" may dimple siya sa kaliwang pisngi niya.
How handsome he is. Hindi niya kamukha si Dad, haha. Mas marami siyang nakuha kay Mom.
"Aww, my baby boy is so handsome!" pinanggigilan ni Mommy ang pisngi ni Marcus.
"Mom, kunin mo na siya."
Kinuha na ni Mommy at eksaktong dumating si Dad.
"I have something to tell," seryosong saad ni Dad. Hindi kami umimik ni Mommy at nakinig nalang.
"We are leaving Philippines," pagkasabi ni Dad ay agad akong nagreact.
"What? Dad!"
"Calm down, Zoe. We are leaving Philippines for five years."
"5 years? Bakit naman, Dad?!"
"It's for our safety. Ayaw ko nang may mapahamak ulit dahil lang sakin at sa negosyo," gusto kong umangal kaso pinigilan ako ni Mommy.
"You're Dad is right. We have to leave Philippines for the mean time. We want you to move on from that trahedya. Ayaw kong magka-trauma ka and we want your health safe and healthy."
"And we decided na doon kana mag-aaral ng collage. Mas ganda kong sa Canada ka na mag-aral, ano bang course ang gusto mo, Zoe?"
Bumuntong hininga ako. "Business ad."
BINABASA MO ANG
Light in the Dark Night (COMPLETED)
Teen FictionIsang babaeng may laging pinapaniginipan. Isang bangungot na nakakatakot ngunit pilit niyang nilalabanan. Takot. Takot ang namayani sakanya. Subalit... dumating ang isang misteryosong lalaki. Ano nga ba ang papel ng misteryosong lalaking ito sa buh...