45
•Zoe's POV•
Bumungad sakin ang puting kwarto na may puting kurtina at may halong kulay grey. Kumunot ang noo ko at pumasok sa kwartong iyon. Sa side ay nandoon ang nagiisang picture ni Yves. Kwarto niya siguro 'to. Bakas mo ang amoy niya. Dumeretso ako sa isang kabinet at tinignan ang mga nandoon. At puro gamit niya ang nandoon, tumalikod na ako at tinungo ang kama niyang kulay abo.
Humiga ako doon at dinama ang lambot nito at amoy na amoy ko ang pabango niya.
Nasaan kana ba Yves? Sana pagbalik ko narito kana.
Pinikit ko ang mata ko at dinama ang sakit at pagod. Unting-unting tumulo na naman ang luha ko. Ang luha kong walang kapagurang umagos.
Hihintayin kita..
Napabalikwas ako sa bangon nang narinig ko ang tahol ni Sevy. Nakaidlip ako at hindi ko na namalayan ang oras. Lagot na. Agad akong bumaba at tinignan ang tinatahulan ni Sevy.
"Shit 'yung bike ko!" agad akong nagtungo sa labas ng gate at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nandoon parin ito.
Taka kong nilingon si Sevy. Sino ang tinatahulan nito? Pumunta ako sa likod at nakakalat doon ang pillow na binili ni Yves para sakanya, kaya pinulot ko ito. Wala naman akong nakitang kakaiba kaya bumalik na ako sa harap.
"What's your problem, Sevy?" tila hindi siya mapakali. Baka natate?
Bumuntong hininga ako at tinignan ulit ang bahay nila. Ito na siguro ang last kong punta dito. Sisiguraduhin kong pag-uwi namin dideretso ako dito. See you after 5 years, Yves. I will wait for you until I can.
Sinara ko na ang gate at pumunta na ako sa bike ko, sumunod naman si Sev. Nilagay ko ulit siya sa basket at sumakay na ako. Lumingon muna ako bago pumidal sa bike. Hanggang sa muli.
Pag-uwi ko ay wala akong natanggap na galit mula kina Mommy at Daddy. Ang mabuti kasi ay nakauwi ako. Haha. Pagkatapos ng kainan namin ay agad akong nagtungo sa kwarto para maligo at magpalit.
Humilata agad ako sa kama at tumitig sa kisame. Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko, gusto kong magsisigaw at magmumura pero hindi walang magagawa 'yun. Hindi na nila maibabalik ang nawala.
Bumangon ako at kinuha ang nakahandang maleta. Gusto kong kalimutan ang mga nangyari at magmove-on, ayoko ng doon nalang ako at dadalhin lahat ng mga nangyari. Kalimutan ang lahat ng mga nangyari kahit masakit. Kailangan e.
Inuna ko lahat ng mga damit at hoddie ko, pagkuha ko sa damit kong isang terba ay may nahulog na puting t-shirt. Nangunot ang noo ko.
Kanino 'to? Binuklat ko ang t-shirt at naalala ko kung kanino. Kay Yves. Bakit nandito pa'to? Ang alam ko naisuli ko na. Binalik ko ito sa kabinet at nilagay sa pinakasulok. Puno na ang isang maleta kaya kinuha ko na ang isa pa at pinuno. Isasara ko na sana ang maleta pero bumalik ako sa kabinet at kinuha ang shirt ni Yves. Remembrance, tsk.
Pumunta naman ako sa study table ko. Iiwan ko nalang ito, maliban ang camera ko.. Nandito lahat ng mga memories naming lahat. Hanggang sa picture nalang kita makikita. Tinignan ko ang naka side view niyang picture na flex na flex ang matangos niyang ilong at perpektong jawline. Wala sa sarili akong napangiti.
How I wish that you here and How I wish na sana hindi nalang nangyari ang lahat ng ito. Sawa na akong umiyak at maging malungkot.
Kinabukasan ay ganun parin, nagiimpake at naglilinis. Bukas kami dadalaw kila Aicha. Miss ko na siya.
Ang bilis ng takbo ng oras hindi mo namamalayan. Hanggang may panahon pa sabihin mo na lahat ang mga gusto mong sabihin sa taong iyon dahil hindi mo alam kung kailan sila aalis at mawawala at baka 'di na sila bumalik at pagsisihan mo lahat ang mga panahong nasayang.
BINABASA MO ANG
Light in the Dark Night (COMPLETED)
Teen FictionIsang babaeng may laging pinapaniginipan. Isang bangungot na nakakatakot ngunit pilit niyang nilalabanan. Takot. Takot ang namayani sakanya. Subalit... dumating ang isang misteryosong lalaki. Ano nga ba ang papel ng misteryosong lalaking ito sa buh...