20
•Zoe's POV•
"Maria..." Isang malambing na boses ang gumising sakin ng tuluyan.
"Maria Zoe..." Kasabay n'on ang paghaplos niya saking pisngi. Imunulat ko ang aking mata.
"Gabi na. Pasok na tayo. Ipinasok ko na 'yung mga gamit mo." tinitigan ko siya.
"Mommy... Nagkakatoto po ba ang mga panaginip?" out of nowhere ay bigla ko 'yung natanong.
"Mmm. May mga iba kasi sa mga panaginip natin ay nagkakatoto. Samantalang ang mga iba naman ay hanggang sa panaginip nalang. Dahil 'yung mga ilang panaginip natin ay nangyayari sa hindi nating inaasahang pangyayari... Bakit mo naman natanong?"
"Wala naman po. Pasok na po tayo," Aya ko sakanya.
"Tara, dinner is ready."
Pumasok na kami sa bahay at dumeretso na kami sa dinning area.
May parteng na niniwala ako kay mommy at may parteng hindi.
Hay. Bukas na pala ang exam.
•Aicha's POV•
Umagang umaga may nang iinis. At dahil exam ngayon naisipan pa akong sunduin ng mokong na'to. Punyeta talaga.
"Ang sarap niyo po talagang magluto Mommy," at nakikain pa! Aish!
"Nako! Mas masarap ang luto ni Aicha," tinignan ako ni my.
"Hindi!"
"Nahihiya lang siyang sabihin. Hihihi."
"Ano ba, My!"
"Sige, kain lang ng marami Benedict para marami ang makuha mo sa exam."
"Hehehe. Inspired ako, Mommy kaya panigurado 'yun," at kinindatan pa ako. Ang pelengerong ito talaga! Nakiki mommy pa. Psh.
"Ayie..," Napa-ikot nalang ang mata ko.
"Sakay ka na," Kanina niya pa akong sumakay sa kotse niya ngunit ayaw ko dahil.. Ayaw ko siyang kasabay dahil nagiinit ang mga dugo ko kapag nakikita ko siyang naka ngiti.
"Hindi. Magtataxi ako," at naglakad na ako palayo.
"Sakay na kasi malalate na tayo."
"Wala akong paki. Basta, hindi ako sasabay sayo."
"Gusto mo pa yatang buhatin kita pasakay e," Mas lalo akong nainis.
"Pelengero ka talaga! PANGIT!" biglang tumigil ang sasakyan niya at nagulat ako dahil bumaba siya at tsaka lumapit sakin.
"Sige nga. Sabihin mo ngang pangit ako," Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Ano ba!" tinulak ko siya ngunit hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mga mata ko ng mas lalo niyang nilapit ang mukha niya.
"Sasakyan ka o hindi?" seryoso niyang sabi habang nakatitig ng deretso saking mga mata.
"S-sasakay."
"Haha. 'Yun naman pala e," Inilayo niya na sakin ang mukha niya at naka ngiti na naman siya. Sinuntok ko ang tiyan niya bago ako sumakay sa back sit ng sasakyan niya.
"Ouch! Bakit mo 'yun ginawa?"
"Wala lang."
"Bakit ba ang init ng ulo mo e umagang umaga?"
BINABASA MO ANG
Light in the Dark Night (COMPLETED)
Teen FictionIsang babaeng may laging pinapaniginipan. Isang bangungot na nakakatakot ngunit pilit niyang nilalabanan. Takot. Takot ang namayani sakanya. Subalit... dumating ang isang misteryosong lalaki. Ano nga ba ang papel ng misteryosong lalaking ito sa buh...