38
•Zoe's POV•
"Yves?" tawag ko sakanya.
Ewan ko kung nasaan kami, sinundan ko lang kasi siya. Medyo malayo kami na kami sa tent namin.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
No'ng tapos na kasi kaming kumain ay umalis siya kaya sinundan ko siya.
Narinig ko ang buntong-hininga niya. Kunting liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ng liwanag kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya, idagdag mo pa ang napakaraming punong kahoy sa paligid.
"I want fresh air and a quiet place," aniya.
"Wait... I have some place that you can have your quiet place... Just follow me."
Inalala ko kung saang daan ako dumaan kanina..
At naalala ko na.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. Akala ko hindi niya ako susundan.
Buti nalang talaga at bilog ang buwan ngayon. Maliwanag...
"Naliligaw na ba tayo?" aniya.
"Hindi ah. Malapit na, sumunod ka lang kasi," inirapan ko siya at siguro hindi niya naman kita.
Wait... Walang kasama sa bahay si Yves. Shitt! Pano si Sevy?? Bakit ngayon ko lang naalala?
"Hoy! Sino pala ang nagaalaga kay Sevy? Wala kang kasama sa bahay diba?" tanong ko at napatigil ako.
"Tsh."
Nilampasan niya ako at sinundan ko siya ng tingin. Nandito na pala kami.
"Kanino mo siya iniwan?"
"In your mom."
"Kay mommy?! What?! Ayaw no'n sa aso, e," medyo kinabahan ako. Bakit niya iniwan kay mommy?
"Tsh. Eksaktong pag-alis mo ay dumating na 'yung katulong niyo. Maybe, siyang ang mag-aasikaso kay Sevy."
"Buti naman."
Naging tahimik ang paligid. Puro uni ng mga kulisap at mga kuliglig.
Tumikhim ako. "Ito pala 'yung i-sasuggest kong magandang spot."
"Maganda ang view dito at malamig."
Mahangin, e. Humlukipkip ako dahil ang lamig kahit naka jacket na ako malamig parin.
"Oh," binato niya sakin ang jacket niya.
"Tss. Wala man lang ka gentleman, gentleman." bulong ko at sinuot ang jacket niya.
"What?"
"Wala. Thank you at napilitan ka pa yata."
"Tss," pinatong niya ang kamay niya sa hamba at pinagmasdan ang view ng mga city light.
"So ano, ito nalang ang spot natin?" tanong ko ng hindi ko siya nililingon.
"Yeah."
Tahimik uli.
Lumipas ang limang minutong tahimik kami at medyo nangangalay na ang paa ko. Parang dumoble ang lamig.
"Anong memories ang hindi mo malilimutan sa pagpunta natin dito?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Light in the Dark Night (COMPLETED)
Teen FictionIsang babaeng may laging pinapaniginipan. Isang bangungot na nakakatakot ngunit pilit niyang nilalabanan. Takot. Takot ang namayani sakanya. Subalit... dumating ang isang misteryosong lalaki. Ano nga ba ang papel ng misteryosong lalaking ito sa buh...