CHAPTER 32

62 8 1
                                    

32

•Zoe's POV•


Ilang saglit lang ay dumating narin.

"Here's your order, Maam." biro niya kaya pinandilatan ko siya.

"Haha." inilapag niya ang chocolate cake. Nanlaki ang mga mata ko.

"Wow." namangha ako dahil ang ganda ng pagkakagawa, I mean yung mga nilagay niyang frosting and my design pa.

"Ikaw ba talaga may gawa nito?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Of course. So now, taste it." Dahan-dahan niyang inislice yung cake at inilagay niya sa maliit na platito at inabot sakin.

Kinuha ko ng tinidor at kumuha kunti. Bakit ba ang sarap ng chocolates?!

"How is it?" nilokot ko ang mukha ko at nakita ko naman ang disappointment sa mukha niya. Haha. Gusto ko siyang pagtawanan.

"Zoe." Ayun na naman ang pagtawag niya sakin. Tsh.

"Fine. Masarap."

"Sino?"

"Yung cake!"

Buset na'to!

Mahina siyang humalakhak kaya kinunotan ko siya ng noo.

"Why?"

"Wala." binalingan ko na yung pagkain at susubo na sana ako ng may kumalabit sa gilid.

Muntik na akong mapalundag! May aso pala dito! Na-spacing out ako, a.

"Gusto mo?" tanong ko. "Oops. Sorry, bawal sayo chocolates." ani ko dahil bawal ang chocolates sa mga aso.

"Sevy, come." agad bumaba ang aso sa upuan at sumunod kay Yves.

"Saan kayo pupunta?"

"Papakainin ko siya. Bakit? Sama ka?" lumitaw na naman ang ngisi niya.

"Oo sana."

"Tara." sinundan ko na sila.

Pumunta kami sa garahe nila at merong tulugan doon si Sevy at may pillow pa siyang naka print yung pangalan niya.

Aba! Sosyal pala 'tong asong 'to kaya gustong gusto dito at ayaw sumama sakin. Tsh.

Kinuha ni Yves ang isang supot ng dog food at binukbok sa pagkainan ni Sevy.
Kinawag kawag naman niya ang buntot niya.

Bilhan ko nga din siya ng ganiyan. Pinanuod namin ang pagkain ni Sevy.

"Umiinom pa ba siya ng gatas?"

"Hindi na. Binigyan ko siya ng gatas last time pero hindi naman niya ininom. So, that's mean binata na siya!" at bahagya siyang tumawa kaya nakitawa narin ako. Tsh.

Pagkatapos kumain ni Sevy ay pumunta na kami sa dinning area at kami naman ang kakain.

Kunting kwentuhan lang at tsaka nag-aya narin akong umuwi dahil dumudilim na ang paligid.

"Pupunta ka sa field trip?" tanong niya habang palabas na kami sa gate nila.

"Oo. Pero, hindi pa ako naka pagpaalam kila mommy." ani ko at tumango lang siya.

"Babye, Sevy!" kinawayan ko siya sa loob ng gate nila at tumahol naman siya.

"Tara na. Dumidilim na." aniya kaya umangkas na ako sa motor niya.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon