CHAPTER 19

77 10 0
                                    

19

Zoe's POV

Dumaan ang isang lingo at exam na namin bukas. Ang bilis talaga ng panahon. Exam na bukas! At ayon nga kagagaling ko lang sa school at deretso agad ako sa garden para makapag-review. Dito ako laging nagrereview dahil payapa. Buti nalang maaga ang dismissal namin ngayon.

"Zoe, snacks!" sabi ni Mommy sabay lapag ng mga pagkain sa table.

"Review?"

"Yup."

"Galingan mo ha?"

"Yes, Mom. Kakayanin ko po."

"So, sa business management ka?" business management ang kinuha kong strand sa senior high. Bali lima kasi ang strand pagpipilian mo. Either, STEM, ABM, HUMMSS, TVL or GAS. So ABM ako means, Accountancy Business Management.

"Opo, Mommy."

"Okay. Read well." at hinalikan niya ang noo ko bago umalis.

Habang busy akong nagbabasa ay may biglang sumitisit.

"Pssstt."

Tuming ako sa kaliwa't kanan ko pero wala, tumingin naman ako sa harap at likod ko pero wala naman. Siguro nagha-hallucinate lang ako.

Kinibit-balikat ko nalang. Maya-maya lang ay meron nanaman.

"Pssstt. Zoe!" tumayo na ako at hinanap kong saan nanggagaling 'yun. Halos inikot ko na ang buong garden kaso wala parin.

"Dito sa labas." May nagsalita. Agad akong lumabas sa gate at nakita ko si Yves.

Psh. Akala ko kung ano na. Tss.

"Bakit?"

"Pwedeng maki paglaro ng chess?" Nagulat ako sa sinabi niya. Makikipaglaro ng chess? Psh.

"Haha. Bakit?"

"Wala lang."

"Nagrereview ako."

"Nagrereview daw. Tss, e ano 'yung binabasa mong pocket book?" nanlaki ang mga mata ko.

"Hoy, iba 'yun no." tanggi ko.

"Tss."

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at naisipan mong maki paglaro ng chess sakin?"

"Tapos na kasi akong magreview at gusto kong maglaro ng challenging."

"Teka. Pano mo nalaman na alam kong maglaro ng chess?" kumunot ang noo ko.

"Nasabi lang ni Aicha." Psh, kaya naman pala...

"Ayaw ko. May ginawa ako at isa pa bukas na ang exam." magsasalita na sana si Yves kaso may nagsalita sa likod ko.

"Zoe, bakit 'di mo papasukin 'yang bisita mo?" Shit. Si Mommy.

"Ha? Napa daan lang po kasi siya." pinanlakihan ko ng mata si Yves.

"Ah... Hindi po. Makikipaglaro lang po sana ako ng chess kay, Zoe." nanlaki ang mga mata ko. Ssshhheeeyyyttt.

"Nako! 'Yun naman pala e. Magaling ang anak ko sa chess diba, Zoe?" isa din 'tong si Mommy. Enebe yen.

"Mommy..."

"Lika pasok. Nako hijo napakagwapo mo namang bata ka. Sino ba ang mga magulang mo?"

Light in the Dark Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon