07
•Aicha's POV•
Lumabas na kami ni Zoe sa classroom namin dahil tapos na ang klase namin. Pumunta muna kami sa mini park ng school namin para magpahinga muna kami sandali bago umuwi.
"Hayy. Nakakapagod!" reklamo ni Simon.
"Oo nga. Nakakangalay umupo, tapos ang sakit ng likod ko at kamay ko kakasulat." reklamo ko din.
"Hahaha!" ganon nalang ang gulat ko nang marinig kong tumawa si Zoe na mag-isa. Pagtingin ko sakanya ay may tinitignan siya sa dikalayuan tapos tumatawa.
"Uyy, Zoe ano yun? Share mo naman." sabi ni Simon.
"Haha. Tignan niyo kasi yun ohh!" sabi ni Zoe sabay turo dun sa medyo hindi kalayuan saamin.
"Sino yung lalaking yun?" tanong ni Simon.
"Diko alam. Parang bakla ehh." sabi ni Zoe na nakatingin parin dun.
Sa may di kalayuan ay may limang babae at isang lalaki. Yung isang babae ay pilit na hinahawakan ang braso ng lalaki, ngunit ang lalaki ay tinatabig niya ito. Yung isang babae naman pilit niyang idinidikit ang dibdib niya sa lakiki, ngunit yung lalaki naman ay tinutulak niya ito agad tapos yung mukha niya parang diring diri siya. Yung tatlong babae naman ay tumatawa lang sa gilid.
May binulong yung lalaki sa mga babae kaya umalis sila. Para silang robot kung maglakad yung mga babae.
"Hahaha. Umalis din yung mga higad." natatawang sabi ni Simon.
"Ano kaya yung binulong nung lalaki sakanila?" curious na tanong ni Zoe.
"Baka blinack mail sila.."sabi ko at nagkibit balikat.
"No. Baka sinabi niya mamaya nalang daw..." sabi ng bakla at humagalpak.
"Haha! Gagi!" sabi ko.
"Pero ang weird noh? Bakit ganun sila maglakad? Parang robot." kunot-noong tanong ni Zoe.
"Hayaan nalang natin yun. P.E pala bukas noh?" tanong ko.
"Ayy, oo nga pala!" sabi ni Simon "Hindi ko pa napapalabhan p.e uniform ko.." problemadong aniya.
"Oh, sige uwi na tayo." ani Zoe.
"May assignment ba tayo Zoe?" tanong ko.
"Wala naman."
"Ahh, okay!"
"Tara na!"
Nagkahiwalay-hiwalay na kami. Sabay sana kami ni Zoe ngayon pero may dadaanan muna ako saglit. Dadaan muna ako sa may generic store bago umuwi dahil may bibilhin lang akong gamot. Malapit na ako dun sa mercury drugs store nang nakita ko si Benedict na kalalabas lang sa mercury drugs store at buti nalang ay hindi niya ako nakita.
Ano kayang ginagawa niya dun? Ahh siguro para bumili ng gamot ayy baka hindi gamot, baka condom.
"Ayy, ano ba'tong iniisip ko." sabi ko sa sarili at inalog ang ulo ko. Isinawalang bahala ko nalang yun at pumasok na sa generic store.
"Hello po, maam!" bati sakin ng guard.
"Hello, po!" bati ko rin sakanya. Kilala na nila ako dahil kadalasan ay dito ako bumibili ng gamot.
"Ate, yung dati." sabi ko sa may counter.
"Maam buti nalang at meron pang isang ferrous sulfate. Paubos na kasi ehh."
BINABASA MO ANG
Light in the Dark Night (COMPLETED)
Teen FictionIsang babaeng may laging pinapaniginipan. Isang bangungot na nakakatakot ngunit pilit niyang nilalabanan. Takot. Takot ang namayani sakanya. Subalit... dumating ang isang misteryosong lalaki. Ano nga ba ang papel ng misteryosong lalaking ito sa buh...