CHAPTER 33

57 10 1
                                    

33

•Zoe's POV•

Tuesday na ngayon at wednesday na bukas.

Sino ba ang hindi excited na maka punta sa Baguio? Syempre 'yung mga kj, kagaya ng katabi ko ngayon!

Aish!

"Aicha! Bukas na tayo makakapunta sa Baguio! Yii!" Niyugyog ko ang balikat niya.

"Zoe, naman e! Para kang bata!" aniya at hinawi niya ang kamay ko. See? Broken hearted kasi.

"Haha! Bagay sayo sa camp sawi! Hindi sa Baguio! Bleehh" binilatan ko siya sabay irap.

"Gaga!"

Ayun, kinurot niya ako.

"Tsee! BH na nga KJ pa!" asar ko at tinalikuran ko siya. Bagay din pala siya sa Baguio dahil malamig. Kasing lamig ng relasyon nila Benedict. Boom!

Nag-evil laugh ako sa utak ko.

Habang naglalakad ako sa hallway namin ay naka salubong ko si Yves na naka-hoodie at nakabulsa ang mga kamay niya.

Kinawayan ko siya. "Uyy! Kumusta si Sevy?"

Kinunotan niya ako ng noo. "He's fine."

"Okay. Ngayon na ba tayo aalis o sadyang excited ka lang kagaya ko?"

"What?"

"FYI, bukas pa po tayo aalis at bakit po kasi naka hoddie kayo, e ang init init."

"FYI, ang lamig kaya sa classroom at magdamag na naka-on at naka todo pa ang ac sa classroom." pang-gagaya niya. Kaya nag make face ako.

"Tss." nilampasan niya ako. Sinundan ko siya ng tingin at nasa likod ko na pala si Aicha at mukhang nakinig pa yata. Psh.

"Sino si, Sevy?" atat niyang tanong. Sabi na nga ba, e.

"Anak ko." Halatang nagulat siya sa sinabi ko kaya palihim akong ngumisi kaya pinalobo ko ang bibig ko.

"A-anak mo? S-sinong Ama?!" Medyo pagsigaw niyang tanong.

"Hindi ba halata sa pangalan?" inosente kong saad.

"Whut?! Really? Pano? Oh my ghad!" para siyang timang kaya diko na napigilan tumawa.

"Pfft. Haha! Itch a prenk!"

"Buset ka!" akmang babatukan na niya sana ako pero madali akong tumakbo papunta sa classroom. Nilingon ko siya at dahil 'yun sumalpok ako sa taong naka harang sa pintuan ng classroom.

Dahil siguro sa lakas ay na-out balance siya at nahatak niya ako kaya napa sama ako.

"Ouch!" naka ibabaw ako sakanya at napapikit ako sa sakit dahil tumama yung siko ko sa sahig.

"Aray!" Napamulat ako ng marinig ko ang pamilyar na boses sa harap ko.

"Waaaah!" agad agad akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko.

"Wow, live!"

"Nice, shot!"

"Ayos, Yves!"

"Pre, galing!"

Hiyawan ng mga lalaki sa likod kaya tinaliman ko sila ng tingin at nagsitawanan sila.

"Mga pisti!" sinipa ko ng mahina ang isang bakanteng upuan kaya tumonog ito at nagsitahimikan ang mga duldog.

Padabog akong umupo at idinukdok ko ang ulo ko sa mesa ko.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon