36
•Zoe's POV•
Si Yves na ang pinahawak ko sa tali dahil busy akong namimicture dito at kailangan ko din 'to sa journal ko.
Malapit na kami sa sunflower farm.
Isang wooden gate ang bumungad sakin at naka sulat ang...
"Welcome to the Sunflowers farm"
Unting-unting bumukas ang wooden gate at bumungad samin ang libu-libong mga sunflowers.
"Wow!" Halos sabay naming sabi. Ang ganda at sa gitna ay may nakatayo ng bahay.
Bahay ba 'yun?
Para kaming nasa isang paraiso...
Bumaba na kami sa kabayo at tinali na ni Yves ang kabayo sa isang puno malapit sa gate.
"Sayang! Nakalimutan ko ang camera ko! Ikaw kasi!" pagmamaktol ni Aicha kay Benedict.
"Bakit ako?!"
"Nagmamadali ka kasing gagu ka!"
"Ako pang may kasala---"
"Hindi tayo pumunta rito para magaway." maotoridad na ani ni Yves at sinundan ko siya ng tingin.
"Meron akong dalang camera!" winagay-gay ko sa ere ang hawak kung camera.
"Tara, Zoe! Picturan mo'ko dali!" aniya at nagpose na parang model.
"Tss." napangiti nalang ako.
Ilang click ang nagawa ko at nakisali rin si Simon.
"Pose! Pack!"
"Kabog!"
Baliw talaga 'tong dalawang 'to kahit kailan. Tsh.
"Alis, Simon! Kami din ni Aicha." tinulak ni Benedict si Simon palayo at nagpose na si Benedict.
"Oh, bakit naka simangot ka diyan?" sita ko kay Aicha pero inirapan lang ako.
"Sus!"
"Ako din ang mamimicture!" inagaw sakin ni Aicha ang camera.
"Eh?"
"Punta ka doon!" turo niya sa gitna ng mga sunflowers.
Sumunod nalang ako at pumunta sa gitna ng mga sunflowers.
"Wait!" aniya at nagulat ako ng hinablot niya ang tali ng buhok ko at lumadlad ang alun-alon kong buhok.
"Perfect!" tinapat na niya ang camera sakin kaya umayos ako.
"Sandali nga! Hindi bagay sa grey mong hoodie! May damit ka sa loob?" turo niya sakin. Tumango ako. Buti nalang at naka white v-neck shirt ako.
"Tanggalin mo."tinanggal ko na at binato ko sakanya ang hoodie ko at agad niya ding nasalo.
"Pose kana!"
"Wait! Gan'to, Zoe!" ani ni Simon at nagpose kaya ginaya ko siya.
Nakailang click na kaya umayaw na ako dahil nakakangalay!
"Yoko na!" umalis na ako sa kinatatayuan ko at pumunta na ako sa pwesto nila Aicha at tinignan nila 'yung mga pictures.
"Wait! Picture tayong lima!" ani Simon.
"Eh? Sinong mamimicture sa'tin?"
"Ayun oh!" tinuro niya si manong na nakangiti samin at kumaway.
BINABASA MO ANG
Light in the Dark Night (COMPLETED)
Teen FictionIsang babaeng may laging pinapaniginipan. Isang bangungot na nakakatakot ngunit pilit niyang nilalabanan. Takot. Takot ang namayani sakanya. Subalit... dumating ang isang misteryosong lalaki. Ano nga ba ang papel ng misteryosong lalaking ito sa buh...