CHAPTER 35

58 11 0
                                    

35

•Zoe's POV•

"Dalian mo! 'Yung camera, bilis!"

"Wag kang maingay baka magising ang dalawa!"

"Shhh."

Narinig ko ang mga ingay at pagclick ng camera kaya medyo napamulat ako at bumungad sakin sila Aicha, Simon at Benedict sa harap namin habang may hawak na camera kaya napabalikwas ako at meron palang naka patong sa ulo ko kaya medyo nautog ako.

Hinimas ko ang ulo ko. "Ouch." mahina kong daing.

"Ayan gising na," mahina ngunit rinig kong bulong ni Aicha.

"Hello! Narito na tayo."

"Baba na po tayo." anila kaya bahagya kong inayos ang salamin kong tagilid.

Ininat ko muna ang likod ko dahil nangalay ako.

"Nasaan na tayo?" medyo paos na tanong ni Yves.

"Nandito na tayo!" Tumayo na ako at inayos ko ang hoodie ko at ang bagpack ko. Naka upo parin si Yves.

"Uyy, tara na." Napa buntong-hininga siya at tsaka tumayo at kinuha na rin niya ang bagpack niya sa taas.

Naglakad na siya kaya sumunod na ako. Kami na palang dalawa ang naiwan sa bus.

Tsh. Sayang hindi ko nakita ang daan papuntang Baguio! Kainis!

Padabog akong bumaba sa bus at sumalubong sakin ang pambihirang lamig na dito sa lugar mo lang madadama.

"Wow." bulalas ko habang nililibot ko ang paningin ko dito sa Baguio. Ang daming mga pine trees! Kaya pala binansagan nilang City of Pines. Psh.

Agad kong kinuha ang camera na naka sabit sa leeg ko at kinuhan lahat ng litrato sa lahat ng nasa paligid kahit ang likod ni Yves na medyo malayo na sakin.

Hindi pa ako hinintay.

Buti nalang may alam ako sa photography.

Tumakbo ako patungo kay Yves. "Saan tayo pupunta?"

"Diyan. Sa hotel." tinuro niya sakin ang hotel na nasa harapan namin at namangha ako.

Ang ganda! Pang sosyal. Psh. Pumasok na kami at may nag-assisit samin papunta sa room namin.

"Room 305." aniya ng makatapat kami sa room na sinabi ni ate.

Kumatok muna kami at binuksan ang pintuan. Bumungad samin ang nakahilatang si Aicha sa mahabang sofa at 'yung dalawa naman ay na dalawang single sofa.

"Nariyan na pala ang mga love birds natin." ani ni Benedict kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ka narito? Aber?" Napamewang ako at para akong nanay na nanenermon sa anak.

"Pfft. Ito ang sabi ni Mr. Villoria, e." aniya.

"Tss."

"Dalawa lang ang kwarto. Kaming dalawa ni Zoe sa isang kwarto. Umangal alis." saad ni Aicha kaya binaling ko siya at nakapikit lang siya habang naka higa sa sofa.

"Kaming dalawa ni Yves sa isang kwarto." ani ni Simon sa bruskong boses.

"E, ako?" tanong ni Benedict.

"Syempre, dito ka sa sofa matulog. Mahaba at medyo maluwag naman 'to." aniya at bumangon na siya sa sofa. Nilingon ako ni Aicha at senenyasan niya akong sumunod kaya sumunod na ako papasok sa kwarto namin.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon