CHAPTER 16

81 11 0
                                    

16

Zoe's POV

"Tara na," isa pa 'tong lalaking 'to. Nauna na siyang naglakad habang ako ay nakatayo parin sa harap ng pintuan ng classroom.

"Zoe, lets go!" sigaw niya kaya tumakbo na'ko palapit sakanya. Halos tahimik na ang buong third floor dahil wala ng mga studyante at kami nalang yatang dalawa ni Yves ang nandito.

Agad kong binilisan ang paglalakad dahil ayaw kong maiwan. Nakakatakot pa naman.

"Uyy, sabay ka?" tanong ko sa gitna ng katahimikan.

"Nope," tipid niyang sagot.

"Okay. Sige, una na ako," at tumakbo na ako palayo dahil kunti nalang ang mga studyanteng naglalakad.

Habang naghihintay ng masasakyan ay may biglang tumabi sakin. Naka upo ako sa mga upuan dito sa waiting sheed. Hindi ko siya tinignan dahil naaaninag ko siya sa peripheral view ko.

"Bakit ka nandito?"

"Maghihintay ng masasakyan."

"Okay."

"Meron silang plano bukas."

"Ano?"

"Gagawa sila ng issue tungkol sa lahat ng nasa star section."

"What?! Anong issue?"

"I don't know. Paniguradong damay tayong lahat."

"Siguro 'yun. Ano bang gusto ni Vivian? Ano ba ang gusto niyang palabasin ha?"

"Hindi ko alam."

"Ano?! Magkasama kayo kanina tapos dimo alam kong ano?" Medyo tumaas ang boses ko.

"Lagi niyang iniiwas yung sagot e."

"Tss." Tumayo na ako dahil may nakita na akong taxi at pinara ko agad. Pagkahinto ng taxi ay agad na akong sumakay ngunit nang isasarado ko na sana ay may pumigil.

"Ano ba?!" inis kong sigaw.

"Sabay ako." Inirapan ko nalang siya. Hindi daw makiki sabay ha. Psh. Pumasok na siya at umupo sa tabi ko kaya isiniksik ko ang katawan ko sa gilid.

"Ba't dito ka pa sa likod umupo? Dapat doon kana lang sa harap."

"Ayoko."

"Doon ka na! Ang sikip nga kasi. Manong sa harap na daw po siya uupo," Sabi ko kay manong driver at inirapan ko naman yung lalaking nasa tabi ko.

"Tsh," Walang nagawa si Yves kung hindi lumipat sa harap.

"Hindi da sasabay. Tss. Manong tara na ho," Umandar na ang taxi.

"Bakit may LQ kayo?" biglang tanong ni Manong. Aba! Echusero.

"Nako! Manong magdrive nalang po kayo. Wag niyo na po kaming pansinin. Hehe."

"At! Walang Love. Quarrel lang po. Hehe," dagdag ko at sinamaan naman ako ng tingin ni Yves kaya inirapan ko siya.

"Loko kang bata," iiling iling na sabi ni Manong. Hehehe.

Habang nagbyabayhe kami ay may narinig akong kakaibang tunog.

*Brruugg! Brruugg!*

Kalam ng tyan 'yun ah. Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Yves at kay Manong driver. Nang biglang may tumonog nanaman ay napatingin ako kay Yves. Naka hawak siya sa tiyan at hinihimas ito. Napa ngisi nalang ako dahil may biglang nag-pop saking utak.

Light in the Dark Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon