Audition

2.4K 46 2
                                    

Bigla ka na lang nagising sa sinag ng araw na tumama sa mata mo. Agad kang tumayo para tignan ang orasan sa harap mo.

8am.

"Ahhh! Late na ko!"

Bigla kang napatayo at dumiretso sa banyo para maligo. Importante para saiyo ang araw na 'to dahil may audition ka na pupuntahan para sa isang teleserye.

Nagkaroon ng isang open audition para sa mga gustong maging leading lady. Nag bukas ng opportunity ang isang company. Hindi sila kumuha ng mga datihang actress dahil gusto nila bigyan ng break ang mga kababaihan na nais makapasok sa industriya ng show bussiness.

Matagal ng pangarap ni Yessa ang maging isang artista. Idolo niya ang kaniyang ina na si Lee Ae. Isa siyang sikat na aktres noong kaniyang kabataan. Palaging pinapanood ni Yessa ang mga movie na ginanapan ng kaniyang ina kaya naimpluwesyahan siya nito.

Pagkalabas mo ng banyo, agad kang nagbihis.

Pagkabihis mo ay lumabas ka na para magpaalam sa iyong ina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkabihis mo ay lumabas ka na para magpaalam sa iyong ina.

"Mamsy, aalis na po ako.. "

Huminto ka sa harap ng iyong ina habang nakangiti.

"Napakaganda mo naman anak! For sure, makukuha mo ang role!"
Sabay ngiti ni Ae sakanyang anak habang manghang mangha sa ganda nito.

"Sana nga po Mamsy! Pano po? Mauuna na ako ha? Ayoko pong malate." Sabay halik mo sa pisngi ng iyong ina.

CG ENTERTAINMENT

Pagpasok pa lang ni Yessa, kitang kita na niya ang mga nakapilang babae na nais mag audition. Bigla siyang kinabahan dahil nakita niyang nag gagandahan ang mga ito. Sumunod siya sa pila at inilabas niya ang papel mula sa envelope na kaniyang hawak. Nakasulat doon ang mga script para sa auditon. Pinili niyang magfocus sa script kahit kabisado na niya ito para mawala ang kaniyang kaba.

Habang nagbabasa siya, napukaw ang atensyon niya sa babaeng nasa unahan niya. Malakas ang boses nito habang may kausap sa cellphone.

"Yeah, I'm here at the CG Ent building. Can you go here?.... Yeah. Okay I'll wait. " sabi ng babae sa kausap niya.

Bigla itong napaharap kay Yessa, di niya maiwasang mamangha sa babae.

Bigla itong napaharap kay Yessa, di niya maiwasang mamangha sa babae

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
EUPHORIA: You Are The CauseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon