Tumatakbo kami ni Kc papunta sa classroom namin. Late na kami nagising dahil nanood pa kami ng kung ano-ano kagabi. Kasama pa namin si Bo Won at Tae Gi kagabi.
"Sorry we're late, Madame." sabay naming sabi ni Kc nang makarating kami.
"Its okey. You may now take your seats."nagmadali na akong pumunta sa pinakadulong bahagi ng classroom. Hindi naman kasi ako makapag-concentrate kapag nasa unahan.
"So you have a new classmate? Let me introduce myself to you. Im Corazon Bartholome. Your history teacher. And you are?" ghad! Bakit english? History naman ah!
"Im C-cass Sandara Nichole Rivera, Madame." sagot ko. Letse naman oh! Bakit ngayon pa ako inatake ng kahihiyan?
"I know all of you knows the history of our ancestor. So let me ask you Ms. Rivera. What do you know about our history?" omyghad! Bakit ako?!
"Ahm... Pwede madame magtagalog?" tumango siya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Sinakop ng mga espanyol ang Pilipinas." confident kong sagot. Kaya laking taka ko ng tumawa sila bukod sa katabi ko. Si Akiro Yuri.
"Bakit? Totoo naman ah?!" pagsabi ko pa sa kanila.
"Well, you're right Ms. Rivera. But our history? History of this wold?" ano bang sinasabi ni madame na history?
"Madame, I think she doesn't know. She lived in human world. And maybe her parents doesn't want her to know about us." malamig na sabi ni Akiro Yuri. Ngayon ko lang siya narinig magsalita ah.
"Human world? Makapagsabi ka ng human world eh parang di ka tao ah. Ano ka alien?" sa sinabi kong iyon nakatanggap ako ng isang nakamamatay na tingin at ikinatawa nila.
"Do I tell you to speak?" tanong niya pero inirapan ko lang. Tse! Bahala ka diyan!
"Madame, hindi ko po talaga maintindihan. Ano ho yung history ninyo?" pag-iiba ko.
"Our history? Naniniwala ka ba sa wizards, werewolves, vampires, goblins, and charmers?" umiling ako. Bakit ako maniniwala doon? Eh hindi naman talaga totoo iyon eh.
"Bakit di ka naniniwala eh isa ka sa kanila? You're wizard. Isa ka sa amin. Ang school na ito ay itinayo para sa mga kagaya natin. Mga wizards." naka-drugs ba si madame?
"May ibinigay ba sa iyong ganito?" may ipinakita siya sa akin na isang mahabang stick. Kamukha nito iyung ibinigay sa akin ni Tiya kasama nung maliit na libro bago ako umalis.
"Opo. May ibinigay po sa akin si Tiya na ganyan kasama iyong maliit na libro bago ako umalis." sagot ko. Sa pagkaka-alala ko nilagay ko ito sa sling bag ko na nasa kwarto ko ngayon.
"Itong stick na ito ay tinatawag namin na wand. Itong wand na ito ay nagsisilbing daluyan namin ng kapangyarihan."sabi niya kaya napanga-nga ako.
"So balik tayo sa history. Hundred years ago. Mayroong limang magigiting na pinuno bawat kaharian. Si Lia, ang pinuno ng mga wizard. Si Liva, ang pinuno ng mga charmer. Si Lukas, ang pinuno ng mga werewolves. Si Lina, ang pinuno ng mga vampire. At si Lim, ang pinuno ng mga goblin.
"Magkakapatid sila. Mga normal na tao lamang. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon. Nagpakita sa kanila si Luna ang Moon Goddess. Kailagan noon ng mga pinuno bawat kaharian. Hindi kinaya ni Luna sapagkat marami siyang ginagawa bilang isang Moon Goddess.
"Merong mga hindi sang-ayon na siyang pinagmulan ng rebelde. Ng dark bloods. Habang namumuno si Lia may nalaman siya na siyang pinagmulan mate. Nalaman niya kasing ang iba sa kaniyang mga wizard ay nananakit ng mga kabiyak nila kaya lumapit siya kay Luna.
"Sinabi niya lahat ng iyon kay Luna kaya nagpasya siya na gawin ang mate. Ang mate ay siyang mga taong tinadhana. Mararamdaman mo ang kaniyang nararamdaman. Malalaman mo kung nasa binggit siya ng kamatayan. May koneksyon kayo ng sa inyo lamang.
"Namayani ang kapayapaan ng ilang taon ngunit isang gabi hindi nila nalaman ang pagsugod ng mga rebelde. Maraming namatay. Isa na doon ang ating pinuno. Ang akala nila hindi nito inaasahan iyon. Ngunit nagkamali sila. Pagkamatay niya ay naiwan ang isang sanggol na babae. Sinabi ng iba na anak daw ito ni Lia. Hanggang ngayon ay pinapaniwalaan iyon.
Pinangalanan siyang Lea hango sa pangalan Lia. Namuno si Lea ng ilang pung taon. Habang siya ay namumuno pinatayo niya Zeal Academy. Ang paaralan ng mga wizard. Ang kaniyang anak ang siyang unang pumasok dito na si---" hindi na naituloy ni Madame ang kaniyang kwento ng biglang tumunog ang bell na siyang hudyat ng tapos na ang klase.
Sayang! Ang ganda na nung kwento eh! Nabitin pa ako! Tinignan ko ang mga kaklase ko. Bakit ganon sila? Parang ang boring ang mga mukha nila. Siguro ilang ulit na nila iyong napakinggan.
Hindi ko alam kung naniniwala ako sa mga sinabi ni Madame. Meron na siyang binaggit na pangalan at itong school. Hindi kaya... ito yung sinasabi ni Tiya na hindi ko matataguan?
Ibig bang sabihin nun itinago ako ng mga magulang ko sa totoo nilang mundo? Pero ang tanong bakit? Bakit nila ako tinatago sa totoong mundo namin.
"Hey! Your spacing out!" nabalik ako sa realidad ng sumigaw yung katabi ko. Epal siya! Spell epal? S-I-Y-A. Siya!
"Ano na naman? May sinasabi ka ba?" tamad kong sabi.
"Dont you heard Madame? She said we're partners."owkey bakit hindi ko iyon narinig?
"Ano ba yung assignment?" kinakabahan na tanong ko. Bakit ako kinakabahan? Tanungin mo yung puso ko! Sobrang bilis tumibok.
"We'll make an reaction paper about history." sheett! Bakit lalo siyang lumapit sa akin? Di niya ba naririnig yung tibok ng puso ko? Sobrang lakas at bilis! Lumayo ka!!
"P-pwedeng lumayo ka! Ang lapit mo masyado!" singhal ko sa kaniya. Sinunod naman niya yung sinabi ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Hay buhay parang life! Nakahinga rin ako whoh!
"Lets wait for the second professor."sabi na lang niya. Di ba niya kayang magtagalog? English ng English eh! Kakainis!
BINABASA MO ANG
Zeal Academy: School Of Wizards
FantasyZeal Academy: School of wizards. Isang tagong paaralan para sa mga hindi normal na mga estudyante. Mga estudyante na kayang gamitin ang mahika. "Welcome to Zeal Academy, Zealots! A school only for wizards! We will help you to train the magics insid...