Argh! Ang sakit ng ulo ko! Parang binibiyak. Anong bang nangyari kagabi?
Napamulat ako at napaupo nang maalala ang nangyari kagabi. Oh shit! Please tell me nanaginip lang ako! No!
"Kyaaaah!" tili ko ang bumasag sa katahimikan ng paligid. Putragis! Ang s-sakit ng pagkababae ko! Hindi ako nananaginip!
"Oh! Fuck! What happened?" gulat na tanong ni Yuri. Halatang kakagising lang niya. Inaantok pa nga.
"Animal ka! Sabi mo hindi natin gagawin iyon! Pero anong ginawa mo?! Animal ka!" pinaghahampas ko siya sa dibdib at braso.
Ang sabi pa naman niya yung ritual lang ang gagawin namin hindi eto! Hindi ako ready! Animal siya!
"Aww. Stop it. Inaamin ko pinangako ko sayo na hindi tayo gagawa ng baby. Sa ngayon. Pero hindi ko napigilan yung sarili ko eh. Alam ko naman na nagustuhan mo din iyon." sa sinabi niya ay lalo ko siyang hinampas. Buset siya! Animal!
"Buset ka! Aalis na ako! Bahala ka diyan." sinubukan kong tumayo pero agad din napaupo ng makaramdam ng sakit. Ohmy! Bakit ang sakit?
"Are you okey?" nagaalalang tanong sa akin ni Yuri. Mukha ba akong okey? Ha?!
"Obvious namang hindi diba? Kung may sapak ka sa ulo okey ako pero kapag wala hindi." inis kong sagot. Sinubukan kong tumayo ulit. Tumagal naman ng ilang segundo bago ako napaupo.
"Arghh! Tulungan mo ako, Yuri. Please. Masakit y-yung a-ano ko. Aftershock ata nung g-ginawa n-natin." naiiyak kong sabi. Paano na ako iihi niyan? Masakit iyon sigurado. Hindi na ulit iyon mangyayari! I swear!
"Okey. Bubuhatin kita hanggang sa dorm natin, Nichole." binuhat niya ako in a bridal style. Kahit inis ako sa kaniya hindi ko maiwasan kiligin. Ang sweet kaya kapag binubuhat ka in a bridal style.
Tahimik lang kami habang naglalakad. Nasa likod namin ang aming mga guardian. Sinasamahan kaming dalawa.
"Anong sasabihin natin sa kanila kapag nakita nilang buhat buhat mo ako? Bakit kasi ang l-laki mo?" tanong ko sa kaniya. Natawa naman siya ng mahina.
"Sabihin na lang natin na naglalambing ka. And for your second question, hindi ko alam. Habang nalaki ako, sumasabay din siya. Hahahah! By the way, nagsisisi ka ba na may nangyari sa atin?" hindi ko maiwasan mag-blush sa usapan namin. Bakit ba ganito ang usapan namin? Sino ba nagsimula? Ako ba?
"H-hindi naman. I know, gagawin din natin iyun sa future para g-gumawa ng b-baby. Hindi lang ako ready kagabi atsaka n-nagulat lang ako kanina. Haay! Wag na nga natin pagusapan. Ang awkward kaya. H-hindi ako sanay." pinalo ko siya sa dibdib niya ng tumawa siya ng malakas.
"Can you please tell me, kung bakit mo ako minahal." naglalambing niyang request. Napangiti ako. Kung alam mo lang, Yuri. Hindi ko din alam.
"Kailangan ba ng rason para mahalin ka? Kasi hindi ko alam kung bakit kita minahal. Basta isang araw, nagising na lang ako mahal na kita." nakangiti kong sabi sa kaniya bago ko siya halikan sa labi. Halatang nagulat siya sa ginawa ko kaya napatawa ako ng malakas.
"Really? I didn't know. Hahahah! Kinikilig ako putanginers! Shit!" nakangiti siya na para bang nababaliw na. Hahah! Ang cute niya! Eiihh!
"Cute mo, Yuri. Nawala na iyong inis ko sa iyo. Pa-kiss nga ulit." hinalikan ko ulit siya labi. Mas matagal. Mga 17 seconds.
Hala! Ang landi mo na, Sandara! Baka maaga kang mabuntis niyan! Lagot ka sa Tiya mo!
"PDA, guys! Umayos nga kayo diyan! Makita kayo ng ibang students! Mahiya kayo sa mga single!" napahiwalay ako sa kay Yuri ng may biglang nagsalita. Si Bo Won.
"Inggit ka lang." nangaasar na sabi ni Yuri sa kaniya. Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng dorm. Shems! Nakakahiya!
"Hi! Kamusta ritual? Ay! Bakit mo siya buhat? Anong ginawa mo?" biglang lumabas sa pintuan si Tae Gi. Double kill!
"Ayos lang naman. Masakit daw kasi yung buong katawan niya. Nasobrahan ata kag---"
"Yuri! Inaantok na ako!" putol ko sa sasabihin niya. Mamaya kung ang pa yung sabihin niya.
"Kakagising mo lang ah! Buhat naman kita kaya bakit ka inaantok? Hindi ka naman pagod?" napatampal ako sa noo sa mga sinabi niya. Hindi ba siya nakakaintindi? Iniiwasan ko nga sila eh!
"Inaantok pa ako. Iakyat mo na ako sa kwarto." sagot ko na lang sa kaniya. Gusto ko nang umalis dito. Nakakahiya eh.
"Papatulugin ko na muna. Usap na lang tayo mamaya." pumasol na kami at umakyat na sa kwarto ko.
"Thank you. Pwede ka nang umalis. Magpapahinga pa ako. See you later." sabi ko pagkalapag niya sa akin sa kama. Inayos pa niya ang pagkakahiga ko para maging komportable.
"Ayaw mo ba akong nandito?" tanong niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at inilapat niya iyon sa mga labi niya.
"Hindi naman sa ganun. Kailangan mong magpahinga. Alam kong napagod ka sa pagbubuhat sa akin kanina. You need to rest, Yuri. Ayaw kitang makitang pagod." malambing kong sagot sa kaniya.
"Dito na muna ako. Usog ka, hihiga ako sa tabi mo." umusog ako ng kaunti at pinahiga siya sa tabi ko. Iniyakap niya sa akin ang mabibigat niyang mga braso.
"Anong gagawin mo sa pasko?" tanong ko dito habang nakatingin sa kisame.
"Pasko? Ano yun?" balik na tanong niya sa akin kaya nagtaka ako. Hindi ba nila alam iyon?
"Christ birthday. Hindi niyo alam?"
"Sino iyon?"tanong niya ulit.
"Si Lord. Sa mundo ng mga tao, palagi namin iyon pinagdidiwang sa ika-25 ng Desyembre. May noche buena sa bago ang December 25. Doon, maghahanda kami nh masasarap na putahe. Nagbibigayan din ng regalo ang bawat isa. Bawal ang malungkot doon."
"Siya ang Diyos ng mga tao? Pasensya na, ha? Wala akong masyadong alam sa mga tao. Hindi naman kasi ako madalas pumunta doon. Si Luna kasi ang Diyosa dito sa dimensiyon natin. Pero kung gusto mo, maaari naman natin ipagdiwang ang sinasabi mong pasko."
"Ayos lang. Magkaiba tayo ng kinalakihan. Lumaki ako na pinagdidiwang ang pasko. Habang kayo ay hindi. Merong religion na ganiyan. Hindi nila cine-celebrate ng pasko." sabi ko sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit. Parang ayaw nang pakawalan ang isa't isa.
"I love you, Nichole. I will love you for a thousand years. I will always love you for a thousands more. I love you from the Pluto and back."sabay halik sa noo ko. Haay! Ang sweet niya talaga.
"Borahae. I purple you."
BINABASA MO ANG
Zeal Academy: School Of Wizards
FantasyZeal Academy: School of wizards. Isang tagong paaralan para sa mga hindi normal na mga estudyante. Mga estudyante na kayang gamitin ang mahika. "Welcome to Zeal Academy, Zealots! A school only for wizards! We will help you to train the magics insid...