"Tiya, bawal pa ba akong lumabas?" inip kong tanong kay Tiya. Napabuntong-hininga siya. Siguro nakukulitan sa akin.
"Bawal pa, Cass. Alam kong hindi na mapakali iyang paa mo. Hinda pa magaling ang mga sugat mo. Magtataka ang ibang estudyante kapag nakita ka nilang puro sugat." napairap na lang ako.
Kainis naman! Isang linggo na ako dito. Miss ko na sila Bo Won. Hindi kasi sila bumubisita dito. May pasok kasi. Namiss ko na ding pumasok.
"Ito basahin mo. Pagaaralan niyo iyan ngayong araw." ibinigay sa akin ni Tiya ang isang kumpol ng bond paper.
Hindi naman ako nale-late sa mga lesson. Lagi akong tinuturuan ni Tiya o kaya ni Tiyo ng mga lesson. Minsan si Yuri. Lagi siyang nandito. Halos hindi na siya nauwi sa dorm.
Lagi akong kinu-kwentuhan ni Yuri sa mga pangyayari sa labas. Kadalasan sa buhay niya. Pakiramdam ko iniinggit niya ako. Pero ayos lang iyon. Mahal ko naman siya eh.
Gaya nga ng pinagusapan namin, nililigawan niya ako. Lagi niya akong dinadalhan ng pagkain. Sabi niya siya daw ang nagluto noon. May pabulaklak pa nga siya minsan.
Sinabi ko sa kaniya na maghintay siya hanggang sa makalabas ako dito. Sasagutin ko na. Para magawa na namin iyung mate's ritual. Actually, sinasabi ko sa kaniya na kinakabahan ako. Pero tinatawanan niya ako. Ramdam ko naman na kinakabahan din siya.
"Hoy! Tulala ka na diyan! Ang sabi ko mag-aral ka hindi tumunganga! Ano bang iniisip mo?" hinampas pa ako ni Tiya ng papel sa ulo. Ang sadista niya ah! Sumbong ko siya eh!
"Pahinge nga ako ng pagkain, Tiya. Anong iniisip ko? Iniisip ko lang kung paano ako makakatakas dito. Charr. Hahahahah! Tiya, bakit bawal ko gamitin yung kapangyarihan ko?" tanong ko habang kumakain ng sliced apple.
"Baka kasi lalo kang lumalala. Lagi mong tatandaan na mayroong limit sa paggamit ng kapangyarihan." sagot ni Tiya at sinubuan ako ng isa pang apple kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Eh Tiya, isang linggo ko nang hindi nagagamit yung kapangyarihan ko." giit ko. Pinalo naman ako ulit ni Tiya ng papel sa ulo. Nakakadalawa na siya ah!
"Wag nang matigas ang ulo. By the way, pupunta silang lahat dito. Linisin mo iyang kwarto para magmukhang presentable. Maligo ka at magluto." tumayo na siya at pumunta na sa pintuan. Nagfinger heart pa siya tapos kumindat sabay sabing... "Borahae, Cass. Muah!"
Wahhh! Kailan pa natuto si Tiya ng ganito? May pa borahae borahae pa siyang nalalaman. Army ka, Tiya? Bakit tuwing nanonood ako nun noon, galit na galit siya? Sabi niya wala naman akong mapapala sa korean na iyan. Bakla daw. Hah! Pinagtatanggol ko pa nga sila eh! Tapos ngayon? Borahae borahae pa siya. Suntukan kami eh! Alagang Suga toh! Hindi nga lang masyadong maputi.
"Everybody say no~ nanananana~" pagkanta ko. Sorry naman. Mahirap kaya magkorean kapag hindi ka koreana. Kabisado ko pero iba yung lyrics ko. Heheheheh. Mahirap maging international Army noh!
"Mukha ka kamong tanga." nabalik ako sa realidad ng may nagsalita. Si Josh. Siya lang naman kasi iyung mahilig sabihin na mukha akong tanga. Parang siya.
"Kung ako mukhang tanga ikaw, tanga talaga. Sobra." ganti ko sa kaniya. Tumawa siya na nakakaasar. Buset ka, Josh!
"Grabe ka naman sa tanga." sabi niya habang tumatawa. Doon ko lang napansin na siya lang ang narito. Wala pa iyung iba.
"Totoo naman eh. Tabi nga diyan. Maliligo na ako. Tulungan mo ako magluto." pagkatapos kong sabihin iyun, tumayo ako at kumuha na ng damit sa bag ko at naligo.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako. Ang suot ko ay isang malaking T-shirt na kulay purple at malaking shorts. Aabot na nga sa tuhod ko. Ginamot ko na din ang mga sugat ko. Nilagyan ko na din ng benda.
"Oh. Tapos ka na? Luto na tayo. Bilisan mo maglakad." yun lang ang sinabi ni Josh bago lumabas. Sumunod na ako sa kaniya.
"Anong lulutuin natin?" excited na tanong ko. Tinignan niya lang ako ng seryoso. Ano bang ginawa ko?
"Adobong baboy at Nilagang manok. Ihanda mo na iyung mga ingredients tapos after mong ihanda, magsaing ka na."dali dali kong ginawa ang utos niya.
Naghiwa ako ng mga kakailanganin na sangkap para sa mga ulam. Ginandahan ko pa iyon. Pagkatapos noon, nagluto na ako ng kanin.
"Josh, lagyan mo ng sili yung adobo. Tapos iprito mo iyung baboy para sobrang sarap." sabi ko sa kaniya. Tumango tango naman siya.
"Meron na bang sili diyan sa hinanda mo? Akin na. Ibababad ko lang yung baboy sa toyo at suka kasama na iyung inihanda mo. Yung nilagang manok na muna ang lulutuin ko. Kung gusto mong gumawa ng dessert, gumawa ka." tapos naging busy na siya sa pagluluto ng ulam.
Sooo, anong gagawin ko? Fruit salad, buko salad, gelatin, graham cake, or coffee jelly? Ano bang masarap? Parang lahat ata eh. Ano na lang madaling gawin?
"Josh, okey lang ba kung graham cake at coffee jelly na lang yung gawin ko?" tanong ko dito. Tinignan niya ako at tinanguhan at bumalik na ulit sa pagluluto.
Nagsimula na akong gumawa ng desserts. Inuna kong gawin yung graham cake. Yung ingredients kasi niya yung una kong nakita sa ref. After nun ay ang coffee jelly. Medyo pahirapan pa. Kinailangan ko pang gumawa nung jelly para mabuo iyung coffee jelly.
"Tapos na akong magluto. Ikaw?" tinignan ko si Josh at nginitian.
"Yup. Kakatapos lang. Pinalamig ko lang para masarap. Anong oras na ba?" tanong ko dito. Lowbat na kasi yung phone ko.
"6 p.m palang. Patapos na din yung afternoon class. Hintayin na lang natin." naghila siya ng upuan at umupo doon. Ganoon din ang ginawa ko.
"Bakit nga pala andito ka? May pasok pa ah!" tanong ko. Mamaya pa kasing 6:30 p.m matatapos ang ang afternoon class. Kaya nakakapagtaka lang na nandito siya. Hindi naman siya mahilig mag-ditch ng klase.
"Sumakit kasi ang ulo ko kanina. Pinayagan naman ako ni Sir Miguel. Sabi niya dumeretso na lang daw ako dito. Since dito naman daw kami pupunta after class." sagot niya. Hmmm. Talino din nito oh. Paalala: hwag gagayahin si Josh.
"Kamusta na kayo ng mate mo? Nahanap mo na ba siya?" tanong ko dito.
"We're fine. Friends pa lang kami. Si L-limiah." sagot niya kaya nanlaki ang mata ko sa saya. Kyahhh! Mate niya si insan! Ang galing!
"Masabihan nga si Limiah na pahirapan ka. Mas bata sa iyo yun ng 2 taon. Dapat pahirapan ka niya. Mas marami kang alam kaysa sa kaniya." pangaasar ko dito. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya napahalakhak ako.
"Epal ka. Alam mo yun?" yamot niyang sabi sa akin.
"Tapos tutulungan kita kasi bff tayo! Pero syempre, kapag ayaw niyang tulungan kita. Hindi kita tutulungan. Pinsan ko siya eh. Kahit hindi kami close. Atsaka baka batukan ako ni Tiya at ni Tiyo kapag tinulungan kita kahit ayaw ni Limiah." nakangiti kong dugtong. Natigilan naman siya.
"Mahal na mahal mo siya, noh?" tanong niya kaya tumango ako.
"Oo. Pinsan ko eh. Kahit ngayon ko lang siya nakita. Pinapangako ko sa inyo, hinding hindi ko na kayo sasaktan. Na poprotektahan ko kayo."
BINABASA MO ANG
Zeal Academy: School Of Wizards
FantasiaZeal Academy: School of wizards. Isang tagong paaralan para sa mga hindi normal na mga estudyante. Mga estudyante na kayang gamitin ang mahika. "Welcome to Zeal Academy, Zealots! A school only for wizards! We will help you to train the magics insid...