Epilogue

847 44 5
                                    

A/N: So, this is the end. Thank you for those reader na nagbasa at nagvote ng story na ito. Maraming maraming salamat po! See you on my next story entitled Magia: Protectors of the Elements. Again, thank you! ~Missy Alex

****

I'm playing with my children while they're busy with something. Wala naman na akong pakialam. Mamaya ko na sila kakausapin. Sa mga anak ko na muna ifo-focus yung attention ko. I missed them.

"Chloe, dapat hindi mo iyon ginawa! Paano kung napuruhan si Dara? Edi another na problema na naman namin! Wala na nga siyang maalala gaganiyanin mo pa!" napatigil ako saglit ng marinig ko ang boses ni Josh. I know his voice. Right now, they're getting more attention

"She deserve it! She's a useless mother! Iniwan niya ang anak niya kay Akiro! She's a useless mate!" napapikit ako sa sinagot niya. Yeah. I'm a useless mother and mate.

Nakarinig ako ng isang kalabog pero hindi na ako nag-abala lumingon. Pero tinig ni Yuri ang aking narinig pagkatapos noon. "Don't you dare call her useless, Choe! She did everything she can para mailigtas ang mga katulad natin laban sa mga Dark Bloods! Laban sa pamilya niya!"

"She's connected to Dark Bloods? I-is she the great Sandara Rivera? The girl who killed my mother?! Huh?! Answer me!" doon na ako lumingon sa kanila. Maybe this is the right time para magpaliwanag sa kanila. Kung ano nga ba talaga ang nangyari.

"Yes. I am Sandara Rivera. The forbidden child. The girl who killed your mother." nakita ko kung paano lumaki ang kaniyang mata sa gulat. Bakas doon ang sakit at galit.

"I-ikaw! Hayop ka! Pinatay mo si Ina! Siya na lang ang pamilya ko! Pinatay mo pa!" susugod na sana siya sa akin pero napigilan siya ni Bo Won at ni Tae Gi.

"H-hindi ko sinasadya, Chloe. Hindi ko sinasadya." nakatungo kong sabi.

"Hindi mo sinasadya?! Talaga?! Nakita ko kung paano ka ngumisi nung nakita mo siyang bumagsak! Nagmaka-awa ako sayo! Nagmaka-awa ako na itigil mo! Pero hindi mo ginawa! Hayop ka! Wala kang kwen-"

"Para din naman sayo yun! Simula pa lang, plano na niya iyon! Ang kamatayan niya ang magpapakawala sa iyo sa Dark Bloods, Chloe! Sinubukan ko siyang pigilan! Pero ayaw niya! Siya ang dahilan kung bakit ang tahimik na ngayon ng ating mundo! Kung hindi niya ako tinulungan, mamamatay tayong lahat!"

"Oo! Ako na ang walang kwentang ina! Walang kwentang mate! Pero hindi ko sinasadya! Hindi ko din ginusto na mawalay sa mga taong pinahahalagan ko! Biktima lang din ako." umiiyak kong sabi.

"Ginawa niya iyon para sa akin? Para sa kapayapaan? B-bakit hindi niya sinabi sa akin?"

"Para hindi ka humadlang sa mga plano namin."

"Say sorry to each other na." napatingin ako kay Bo Won nang sabihin niya iyon. Ngunit imbes na mag-sorry ako ay pumunta ako sa pwesto niya at niyakap siya.

"I-i'm sorry, Bo Won. Hindi ko sinasadya ang nangyari kahapon. Wala lang talaga ako maalala. Kagabi lang sila bumalik." umiiyak kong sabi habang yakap siya.

"Its okay. I understand. Mahirap talaga kapag may amnesia ka. You don't have to be sorry. Ghad! I missed you so much, Sandara. My co-army."dahan dahan naming kinalas ang yakap. Nginitian ko muna siya bago ko harapin silang lahat.

"Guys, I am very sorry. Kinalimutan ko kayong lahat. I-i actually don't know what to-"

"Like what Bo Won said, we understand you, Dara. Ang akala nga namin patay ka na kasi hindi namin makita ang katawan mo. Kaya laking pasasalamat namin ng makita ka naming buhay. I missed you, Dara" pigil ni Josh sa sasabihin ko.

"Actually, I'm gonna confess something." napatingin kami kay Limiah ng magsalita siya. "Alam kong buhay siya. Nung binigay ko sa iyo ang kambal, Akiro, nakita ko siyang nakahiga sa kama at walang malay. Ang sabi sa akin ni Klarence, nasa coma state pa nun si Dara. Humingi siya sa akin ng pabor. Ayaw nilang may makaalam na buhay pa si Dara. Gusto kasi nila itong makasama ng matagal."

"Coma state? That's explain kung bakit wala kang naalala." sabi ni Yuri.

"Ilang taon ka bang walang naaalala?"tanong ni Kc.

"For five years, Kc. Hindi ko maalala kung ano yung nangyari sa akin nung 18 ako pababa. Ang sabi sa akin ni Kuya na nasangkot daw ako sa isang vehicle accident ka siyang dahilan kung bakit wala akong maalala."

"Tsk! Stop na natin yung question portion! Let's group hug na!"

Well, hindi ko akalain na matatanggap pa nila ako. Na mapapatawad nila ako. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng kaibigan.

Dear Zeal Academy,

Nang dahil sa Zeal Academy, nakilala ko ang Alpha. Nakilala ko ang mga kaibigan ko. Nasaksihan ng Academy kung paano malito, malungkot, magalit, magselos, maging masaya at magmahal. Nasaksihan din nito ang kung paano ko nalaman ang aking katauhan. Kung paano ako nagkaroon ng kaibigan.

Thank you Zeal Academy for letting me know what family, friendship and love is. 'Till next time, Zeal Academy!

Love,
Cass Sandara Nichole
Rivera-Hinata

***
The End

Zeal Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon