Chapter 12

608 39 0
                                    

MJ's P. O. V.

"Ahhhhh!" rinig kong sigaw ni Dara. Kasunod noon ang pagkulog at pagbagsak ng malakas na ulan. Anong nangyayari?

"Shit! Si Alex! Pupuntahan ko lang sina Mom. Pumunta ka kay Alex, MJ." utos sa akin ni Limiah na agad ko namang sinunod.

Naabutan ko si Yuri sa harap ng kwarto niya parang wala sa sarili. Nakahawak ito sa dibdib ang isa niyang kamay habang nasa ulo naman niya ang isa. Sinasabunutan ang sarili.

Sh*t! Don't tell me mauulit ang nangyari 8 years ago? 8 years ago parang nawala siya sa sarili. Muntikan na siya makapatay ng maid noon. Mabuti na lang napigilan siya ni Tito. Ewan ko ba kung ano yung nangyari sa kaniya. Basta naglalaro lang kami tapos ganun yung nangyari sa kaniya.

Okey! Enough na muna tayo. Dara needs me. She needs a friend right now. Akiro can handle himself.

Papalapit na ako sa kwarto ni Dara ng makita ko si Justi na tulala lang sa may pinto ng kwarto ni Dara. Ano bang nangyayari?

"Justin, what happened?" tanong ko ng makalapit. Hindi siya nagsalita ngunit tinuro niya si Dara sa loob.

Parang may nakapalibot na itim na awra sa kaniya. Nagsitaasan ang mga balahibo sa aking nakikita. Si Dara ba siya? Parang hindi naman eh!

Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid ni Dara. Ang gulo. Sobra. Parang dinaanan ng bagyo. Nakakalat sa sahig ang mga libro. Sira na ang study table, ref, at shelf niya. Magulo din ang kama niya. Nakakalat din sa sahig ang mga kumot at unan niya

"Anong nangyari?" gulat kong tanong. Binalik ko kay Dara ang aking paningin. May hawag na siyang flute. Nakaturo iyon sa direksyon ng kama ng bigla itong naging whip. Isang mahabang whip.

Nakarinig muli kami ng kalabog. Ngunit hindi na dito sa kwarto ni Dara. Dito na sa hallway. Pareho kaming napatingin ni Justin doon. Nandoon si Akiro. Katulad ni Dara may nakapalibot dito na itim na awra. Wala sa sarili. Animo'y galit na galit.

"Anong nangyayari, K-kuya?" takot na tanong ni Justin sa akin. Inilagay ko siya sa aking likod. Pino-protektahan.

Umatras kami ng umatras hanggang sa makalampas kami sa kwarto ni Dara. Sa tabi ng kwarto ni Dara ay nandoon ang kwarto ni Kc kaya dali dali kaming pumasok doon at ni-lock ang pintuan. Laking pasasalamat ko na lamang dahil hindi ni-lock ni Kc yung kwarto niya.

"Kyahhhh!" sigaw ng kung sino. Kahit sound proof ang mga kwarto ay makakarinig ka pa rin sa labas.

"K-kuya si Ate Kc!" tarantang sabi sa akin ni Justin.

"Calm down, Justin. Kukunin natin si Kc, okey? In one, two three!" bigla kong binuksan ang kwarto at lumabas kami.

Naabutan namin si Akiro na hawak si Kc sa pulsuhan. Shit! Akala ko ba lumabas siya? Anong ginagawa niya dito?

"Akiro! Wag mong sasaktan si Kc!" sigaw ko dito. Nakita kong lalo niyang hinigpitan ang kapit niya sa pulsuhan ni Kc kaya lalo itong napaiyak.

"Akiro! Bitawan mo ako! Please!" pagmamakaawa ni Kc dito.

Napatigil kaming lahat ng lumabas si Dara sa kwarto niya. Hawak pa rin nito ang whip. Shit! Itutulak ko na sana si Justin papasok sa kwarto ng makaramdam ako ng sakit sa likod ko.

"Arghh!" ungol ko sa sakit! Argh! Ang sakit!

"Hahahah!" rinig kong tawa ni Dara. Umecho pa ito sa buong hallway.

"Kuya, okey ka lang?" nagaalalang tanong sa akin ni Justin. Tumango na lang ako. Bakit ang tagal nila Limiah? Asan na ba sila?

"Ahh!" sigaw ko ng makaramdam muli ako ng sakit. Hindi na ako umalis sa harapan ni Justin. Mamaya mapahamak pa siya.

"Ahhh!" sigaw ko muli ng makaramdam muli ako ng sakit hanggang sa sunod sunod na.

Nanghihina na ang mga tuhod ko dahil sa sakit. Gusto ko ng bumigay pero hindi ko magawa dahil alam kong mapapahamak si Justin.

"Ahhhhh!" napalingon ako sa direksyon nila Akiro at Kc ng may sumigaw.

Nakita kong nakadapa sa sahig si Kc. Kita ko mula dito ang mga sugat at pasa niya sa katawan. Gustuhin ko mang alisin siya doon ay hindi ko magawa. May kinakaharap pa ako dito. Napapikit ako ng nakita ko si Dara na hahampasin muli ako ng whip ng may nagsalita.

"Tigil!" boses babae iyon. Salamat! May magliligtas na ata sa amin.

"Are you out of your f*cking mind, Cass?!" dinig kong tanong niya kay Dara.

Nakatalikod parin ako sa kanila para lung sakali na hampasin niya muli kami ay maprotektahan ko pa rin si Justin.

"Miguel, kunin mo na si Mr. Villanueva. Mr. Velasquez, maaari mo bang kunin si Kc?" nakita ko ang paga-alinlangan sa mga mata ni Justin kaya tumango ako sa kaniya.

Umalia na siya sa harapan ko at pinuntahan na si Kc. Dahan dahan akong humarap sa kanila at nakita kong papalapit na sa akin si Headmaster Miguel. Agrhh! Shit ang sakit ng likod ko!

Tinignan ko si Dara. Nanginginig ang mga balikay niya at nakayuko. Nawala na din ang nakakatakot awra sa kaniya. Ganun din kay Akiro. Hindi tulad ni Dara nakatulala lang si Akiro sa kawalan. Naguguluhan.

"Mr. Villanueva, umalis na tayo." inalalayan na ako ni Headmaster Miguel pababa.

Kasunod namin si Justin na buhat buhat si Kc na walang malay. Sumalubong sa amin si Bo Won na parang gulat, Si Tae Gi na galit, si Troy na nagaalala, at Limiah na umiling iling lang.

Sandara's P. O. V.

"Are you out of your f*cking mind, Cass?!" nabalik ako sa katinuan ng biglang sumigaw si Tiya.

Napatingin ako sa kaniya na nagtataka. Ngunit nawala ang pagtataka ko ng makita ko si Kc na nakahiga sa sahig at Josh na nakatalikod at puro sugat ang likod. Ako ba ang may gawa niyan, Josh?

Napatingin ako sa kamay ko na may hawak na whip. Nakita ko kung paano ito bumalik sa pagiging flute na puro dugo. Sa sobrang takot ay inihagis ko ito at nawala na parang abo na nilipad ng hangin.

"Miguel kunin mo na si Mr. Villanueva. Mr. Velasquez, maaari mo bang kunin si Kc?" nakita kong tumango tango si Josh kay Justin.

Umalis na sa harapan ni Josh si Justin. Nakita ko ang takot sa mga mata ni Justin habang nakatingin sa akin bago pumunta kay Kc. Napayuko na lang ako at umiyak.

Shit! Ako ba talaga ang may gawa noon sa kanila? H-halimaw na ba ako? Kailangan ko bang talian at ikulong ulit? Ahh! Ano bang ginawa ko?

"Cass, Mr. Hinata sumama kayo sa akin." utos ni Tiya kaya sumunod agad kami.

Habang nasa hagdan kami ay nakita ko silang lahat. Bakas sa mga mukha nila ang takot, disappointed, at galit. Hindi ko maiwasang mapayuko muli.

Zeal Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon