Chapter 32

428 32 4
                                    

A/N: The end is near, guys! Isang chapter na lang bago ang epilogue. Maraming salamat sa mga readers na umabot hanggang dito! Salamat din sa mga nagvo-vote ng Zeal Academy: School of Wizards.

Here's the update for today! Have a nice day ahead! ~Missy Alex

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Namamaga din ang mga mata ko. Haay! Ang haggard ko na agad. Kakagising ko pa lang.

Tumayo ako at tinignan abg sarili sa salamin. Ang layo ko na sa dating ako. Malayo na ako sa dating hindi palakaibigan. Malayo na ako sa dating lonely.

May mga kaibigan na ako. Marami sila. Pero hindi ko agad sila naalala. Anong klaseng kaibigan ako?

May mga anak na ako. Lumaki sila na walang tumatayong ina. Si Yuri na lahat ang umako. Anong klaseng ina ako? Nagawa ko silang kalimutan.

Kaya pinapangako ko. Gagawa ako ng paraan para makasama ko ulit sila. Para maging deserve ko sila. Magiging malakas na ako. Magiging matapang at matalino. Hindi ko na ulit hahayaan na maghiwalay ulit ang mga landas namin.

Naligo na ako at nagbihis. Sinuot ko ang isa sa mga gawa ko. Isa lang siyang white dress. Above the knee. Fit masyado kaya hindi ko masyadong sinusuot. Hindi na ako nag-abala na magmake-up.

Bumaba na ako sa dining namin. Alam ko namang nagluluto na si Mama ng agahan. O baka nga nakapagluto na.

"Oh? Ang aga mo ata ngayon? Alas otso pa lang ng umaga. May meeting ka ba ngayon?" sunod sunod na tanong sa akin pero hindi ko n iyon pinansin. Aga ko nga ngayon gumising.

"Wala po akong meeting ngayon. Gusto ko lang maaga pumasok ngayon sa Cafe. Puro late kasi ako. Alam niyo na, babawi ngayon." sagot ko. Kapag kasi hindi ko siya sinagot kukulitin niya ako. Makulit iyan si Mama.

"Kumain ka na muna. Nagluto ako ng tocino, longganisa, scramble egg at fried rice. Anong gusto mo? Milk, Chocolate, ot coffee?" ang sweet talaga ni Mama.

"Hot choco, Ma. Wala ba kayong pasok ni Papa?" tanong ko habang sumasandok ng kanin.

"Wala. Sabado ngayon. Oh, ito na yung hot choco mo. Kumain ka na." sinimulan ko ng kumain ng almusal.

Saktong bumaba si Kuya ng patapos na akong kumain. Bagong gising. Nakapajama pa siya. Magulo din iyung buhok niya.

Halatang gulat siya ng makita ako na patapos ng kumain. Kadalasan kasi mas nauuna siya sa akin magising. Siya kasi yung human alarm clock ko.

"Himala. Maaga kang nagising ngayon ahh." paos niyang sabi. Ang gwapo talaga ni Kuya. Yung boses pa lang.

"Heh! Ma, maayos na po ba yung kotse ko? Gagamitin ko sana." tanong ko kay Mama.

"Ahh! Oo! Naayos na kahapon sa talyer ni Mang Juan. Pinalinisan ko na din." sagot niya kaya tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko para kunin ang phone ko at shoulder bag.

"Ma, Kuya, alis na po ako. Pakisabi na lanh kay Papa. Bye. I love you all." hinalikan ko na sila sa pisngi at lumarga na.

Habang nasa byahe ay nag-iisip ako ng gagawin ko. Hindi naman bayolente ang iniisip ko ahh. Baka mamaya isipin niyo na bayolente o kaya may pagka-green.

Zeal Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon