Arghh! Ang sakit ng katawan ko. Parang andaming sugat. Isama mo pa yung ulo ko. Parang binibiyak.
"Sandara, gising ka na ba?" napamulat ako ng may nagsalita. Bakit sila nasa kwarto ko?
"Bakit kayo nasa kwarto ko?" tanong ko habang dahan dahan umuupo. Shet! Ano bang nangyari kanina?
"Nasa clinic ka. Nawalan ka kasi ng malay kahapon." clinic? Anong ginawa ko kahapon para mawalan ng malay?
"Ano bang nangyari kahapon?" tanong ko ulit. Nagkatinginan si Josh at Justin. Silang dalawa lang ang nandito sa clinic.
"Ano kasi, Dara eh... Sumugod diba yung mga Dark Bloods kahapon tapos nakipaglaban tayo. Marami kang tinamo na sugat habang nakikipaglaban ka." sagot ni Josh.
Ahh! Na-aalala ko na! Pero alam ko isa lang ang napatay ko eh. Takot nga akong pumatay. Tinignan ko ang buong katawan ko. Ang dami kong sugat! Kaya siguro masakit buong katawan ko.
Shet lang! Ang sakit nito kapag naliligo! Huhuhuhu! Kawawa naman ako! Bakit sila walang mga sugat pero ako, ang dami! Ang daya!
"Alam mo ba, Ate Sandara. Naging killing machine ka kahapon. Halos ikaw ang pumatay sa kanilang lahat. Tapos ang saya mo pa tuwing nakakapatay ka. Nakakatakot iyong ngiti mo. Akala mo mangangain ng tao. Parang hindi ikaw iyon. Pero kung titignan mo yung damit, ikaw iyon." kwento ni Justin kaya natigilan ako.
Anong sabi niya? Naging killing machine ako? H-how? Magiging monster na ba ulit ako? Hindi ko napigilan na pangilidan ng luha. Ayaw ko nang mangyari ulit iyung nangyari 8 years ago. Ayaw ko na!
"Hey! Shh... Its okey. Hindi mo naman kami nasaktan, Dara. Okey lang iyon. Wag kang magiisip ng masama." naramdaman kong yumakap sa akin si Josh. Napaiyak ako. Shet! Yung sugat ko masakit! Huhuhuhu!
"Aww! Bitawan mo ako, Josh. Masakit yung sugat ko!" reklamo ko. Umalis naman agad si Josh sa pagkakayakap.
"Sorry naman. Ano bang gusto mo?" tanong niya.
"Gusto kong makausap si Headmaster Miguel. Pwede bang papuntahin niyo siya dito? Isama niyo na din si Ma'am Lykah." sagot ko. Kailangan ko silang kausapin ng pribado.
"Okey. Justin, tawagin mo sila." utos ni Josh kay Justin kaya napasimangot ito.
"Bakit ako na naman? Ako na lang lagi eh!" reklamo nito pero sumunod din. Haay! Parang ako lang eh! Kapag inuutusan ni Tiya.
"Siya ang bunso kaya dapat lagi siyang nasunod." sabi ni Josh.
"Hindi porket ikaw ang pinakabata ay dapat mo nang sundin yung utos ng mga matatanda. Hayaan mong sila na ang kumuha. Hindi naman kasi sila lumpo. O PWD." sabi ko. Nakita kong kumunot ang noo ni Josh.
"Ano yung PWD?" takang tanong niya kaya napangiti ako. Gustuhin ko mang tumawa ay ayaw ko. Mababanat ang mga sugat ko. Masakit kaya iyon!
"Person With Disability." sagot ko. Napatango tango naman siya.
"Bakit mo nga pala gustong kausapin si Headmaster Miguel?" tanong niya. Halata mo sa mata niya iyong curiosity.
"May sasabihin lang sana ako sa kanila." sana naman wag na muli siyang magtanong.
"Guys! Nandito na si Headmaster Miguel at ma'am Lykah." napatingin ako sa pintuan ng may nagsalita. Si Justin lang pala. Bakit ang bilis niya?
"Bakit ang bilis mo? Ha?" tanong ni Josh. Inunahan niya ako. Bad!
"Nakita ko sila papunta ata dito. Sinalubong ko sila tapos sinabi ko na gusto mo silang makausap." sagot niya.
"Magandang umaga, Alpha." bati ni Headmaster Miguel sa amin.
"Mr. Villanueva. Mr. Velasquez. Gawin niyo na ang mga parusa niyo." ha? Anong parusa? Bakit, anong meron? Nagpaalam na sila sa amin bago lumabas.
"Bakit mo kami gustong makausap, hija?" tanong sa akin ni Tiya.
"Gusto ko lang po tanungin yung nangyari sa akin kahapon, Tiya. Ano po bang nangyari? Bakit sinabi sa akin ni Justin na naging killing machine ako? Babalik po ba ulit ako sa dati?" naramdaman kong tumulo ang mainit na luha sa aking mukha.
"Dara, hindi na ulit mangyayari iyon." sabi ni Headmaster Miguel pero umiling ako.
"Hindi! Alam kong mangyayari ulit iyon! Ayaw ko na po, Tiya, Tiyo. Natatakot ako! Paano kapag nangyari ulit yung nangyari noon? Paano kapag nakapatay ulit ako ng inosente? Ayaw ko na, Tiyo. Wala naman kayo lagi diyan para pakalmahin ako!" umiiyak kong sabi.
"Dara, humimahon ka! Ano ba! Hahanapin natin yung mate mo, okey? Bukod sa amin, siya rin ang makakapag pakalma sa iyo. Ayon iyon sa aming nabasa." sabi ni Tiya.
"Paano natin siya mahahanap, Tiya. Maraming katulad natin! Mahihirapan tayo!" sigaw ko.
"Hija, huminahon ka tutulungan ka---" naputol ang sasabihin sana ni Tiya ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sa amin sina Justin at Josh.
Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman nila. Pero natatakot ako. Natatakot ako na baka mag-iba ang tingin nila sa akin.
"Mr. Villanueva, Velasquez. K-kanina pa ba kayo diyan?" kinakabahang tanong ni Headmaster Miguel.
"Opo, sir. Narinig po namin ang lahat." malamig na sabi ni Josh. Shit! Galit ba sila sa akin? Sa amin?
"N-nakapatay ka na ng inosente, Sandara?" nauutal na tanong ni Justin.
"H-hindi ko naman sinasadya yun eh. Nagalit ako tapos nagdilim iyung paningin ko. Hindi ko na naalala iyun. Basta nagising na lang ako nasa kama ako tapos nakatali. Pinapagalitan ako ni Mama. Sabi niya nakapatay ako. Hindi ako nakatulog ng ilang gabi noon. Lagi akong naiyak. Tapos nung naalala ko na iyung lahat ng nagawa ko hindi ko alam kung ano yung gagawin ko. Yung Best friend ko pa talaga iyung napatay ko. Kasabay noon yung pagkamatay ni Mama." umiiyak kong sabi.
Sa tuwing naaalala ko iyon hindi ko maiwasan maging emosyonal. Siyempre magiging emosyonal ako kasi ako mismo ang nakapatay sa best friend ko. Siya lang kasi yung tumanggap sa kung sino ako.
"Hija, tumahan ka na nga sabi eh!" sita sa akin ni Tiya kaya pinilit kong tumahan na.
"G-galit ba kayo s-sa a-akin?" humihikbi kong tanong sa kanila.
"Hindi, Dara. Alam naman namin na hindi mo sinasadya. Nakilala ka na namin. Mabait ka." mahinahon sagot ni Josh.
"Thank you." sabi ko sa kanila.
"Gusto mo bang sabihin namin sa buong Alpha?" maingat na tanong ni Justin sa akin.
"Wag na. Hindi naman kayo pare-parehas ng opinyon. Atsaka baka pilit pa nila akong magkwento. Ayaw ko nang maalala iyon ulit." sagot ko habang pinupunasan yung luha ko.
"Ahem. Boys, baka pwede ninyo muna kaming iwanan. May paguusapan pa kasi kami ehh." sabi ni Tiya. Tumango sila at lumabas na ng clinic.
"Tiya, gusto ko ng mawala yung mga sugat ko!" reklamo ko. Ang hapdi kaya!
"Paano mo ba pinapawala yung mga sugat mo?" tanong sa akin ni Tiya. Ngumiti ako ng napakatamis.
"Heal." bulong ko. Kasabay niyon ay ang pagliwanag ng buong katawan ko. Nawala na iyung sakit at hapdi na galing sa mga sugat ko.
BINABASA MO ANG
Zeal Academy: School Of Wizards
FantasíaZeal Academy: School of wizards. Isang tagong paaralan para sa mga hindi normal na mga estudyante. Mga estudyante na kayang gamitin ang mahika. "Welcome to Zeal Academy, Zealots! A school only for wizards! We will help you to train the magics insid...