Chapter 21

483 27 0
                                    

Nandito ako ngayon sa pamilihan dito sa loob ng Academy. Sosyal ng school na ito noh? Yung pamilihan dito sa school ay parang mini mall ma palengke. May nagtitinda ng mga damit, gamit, pagkain at kung ano anong pang kailangan ng isang tao.

Kaya nandito ako ngayon sa pamilihan dahil bibili sana ako ng mga regalo sa kanila. I got a problem by choosing a gift for them. Hindi ko naman kung saan sila mahilig. Lalo na sa mga boys. Duh! Its so hard kaya! Maaarte pa naman iyung mga yun.

Pumasok ako sa isa sa mga shop. Nagtitinda kasi sila ng mga perfume. Yun kasi ang naisipan kong iregalo kay Kc at Troy. Mukha naman kasi siyang mahilig sa mga pabango.

"Welcome to Perfume shop, Zealot!" zealot. Iyan ang tawag sa amin na istudyante ng Zeal Academy. Parang salot. Charr!

"Anong hinahanap mo, hija?" tanong sa akin ng tindera.

"Magtitingin tingin po muna ako, Ma'am." magalang na sabi ko bago ako pumunta sa pinakadulo ng shop.

Waah! Ang ganda naman dito! Iba iba iyung kulay bawat bote ng pabango. Nakakuha ng pansin ko ang isang kulay itim na bote. Ang cool kasi ng design nung labas niya. Kahit yung loob kulay itim.

"Ma'am, magkano po iyung kulay itim na pabango. Mukhang mabango po kasi ehh." kinuha nung tindera yung itim na bote. Pinagmasdan niya iyon.

"Hija, isang organic ang napili mo. Isang beses sa isang taon natubo ang halaman na ginagamit dito. Dalawa ang nagawa ko nito. Nabili na ang isa kaninang madaling araw. Lalaki." ang swerte ko pala! Nakabili ako ng isa! Hihihihih!

"Bibilhin ko na po, Ma'am. Magkano po?" nakangiti kong tanong. Masayang ngiti.

"Libre na lang sa iyo ito, hija." sabi niya kaya napatalon ako sa saya. Nayakap ko pa nga si Ma'am kaya natawa siya.

"Salamat po! Thank you po!" masayang sabi ko sa kaniya.

"Basta ba ikaw lang ang gagamit niya." natigilan ako sa sinabi niya. Yun lang! Ireregalo ko ito kay Kc.

"Ireregalo ko po kasi ito sa mga kaibigan ko." sabi ko sa kaniya. Umiling siya at umalis sa harapan ko. Bumalik siya doon sa kung saan niya kinuha itong pabango.

"Ito na lang ang gawin mong regalo para sa mga kaibigan mo. Itong ibinigay ko sa iyo, ay regalo ko. Alam kong galing ka sa mundo ng mga tao. Pamasko ko na sa iyo iyun." lalo lang ako natuwa sa sinabi niya. Ibig sabihin, alam din niya ang pasko. Hindi lang ako nagiisa na nakakaalam ng pasko.

"Merry christmas po, Ma'am. Thank you for the gift." lumabas ako sa Perfume shop na masaya. Minsan lang ang libre noh! Kaya masayang masaya ako.

Sunod kong pinuntahan ay ang tindahan ng mga hayop. Pet lover nga pala si Justin. Mahilig siya sa kahit anong hayop. Cute man o hindi. Mabait o wild.

"Welcome to Pet Shop, Zealot. Anong uri ng hayop ang gusto mo?" nagulat ako ng may biglang sumulpot na wizard sa harapan ko kaya nailabas ko ang aking wand at itinapat sa kaniya.

"Base sa iyong kilos ay halatang alerto ka sa paligid. Galing ka ba sa Alpha Family? Kilala ang Alpha Family sa pagiging alerto, magaling, at matalino. Sila lagi ang nasa unahan ng bawat labanan."

"Ahmm. Opo. Galing po ako sa Alpha Family. Bibili po sa ako ng hayop para sa kaibigan ko. Kung maaari sana ay isang kuneho. Isang itim na kuneho. Samahan niyo na din po ng kulungan at pagkain." nakangiti kong sabi. Sinenyasan niya akong sumunod sa kaniya.

"Ito ang mga itim na kuneho. Mamili ka, hija." tumingin tingin ako ng mga kuneho.

Magaganda naman sila pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Iyung itim na kuneho na may kulay berde na mga mata. Ang cool lang nung mga mata niya.

"Ito po ang gusto ko. Bibilhin ko na po. Magkano po ba?" nakatingin lang ako sa kuneho ng tanungin ko iyon.

"Magaling kang pumili. 1,500 lang, hija." ibinigay ko na sa kaniya ang pera na ibinigay sa akin ni Tiya. Allowance ko daw para sa week na ito.

"Ito na, hija. Meron na siyang pagkain at vitamins. Nandito sa may paper bag. Meron din sa mismong kainan niya sa may kulungan niya. Maraming salamat. Sa susunod ulit." lumabas na ako sa Shop na iyon at naghanap pa ulit ng ibang tindahan.

Sunod kong pinuntahan ay ang Jewelry Shop. Doon ko bibilhan sila Bo Won, Mj at Limiah ng alahas. Alam ko naman hindi sila mahilig doon pero bibilhan ko pa din sila. Makulit ako ehh. Bakit bah?

"Welcome to Jewelry Shop, Miss! What can I help you?" nakangiting bati at tanong sa akin nung babae.

"Ahmm. I want a couple ring and a necklace. Yung panglalaki sana." nakangiti kong sabi.
Tinuro naman niya ang ang isang lalagyan na para sa mga couple rings. Lumapit ako doon.

Ang gagara! Mukhang mamahalin. Pero para sa kanilang dalawa, maglalabas ako ng pera. Pasko naman na. Napili ko ang isang silver na may nakaukit na Te Amo, Mi Amor.  Simple lang pero maganda.

Sunod ko namang tinignan ang mga necklace for boy. Napili ko ang isang kulay silver na na kwintas. Manipis ito pero mahirap tanggalin. Hindi napuputol.

"Bibilhin ko na."

Grabe! Ang mahal naman noon. 7,000 lahat iyon? Tatlo nga lang iyon ehh! Ang mahal mahal! Kaya hikaw lang ang meron ako! 25 pesos lang iyon sa tindahan.

Next stop natin ay ang Instument Shop. Mahilig kasing gumamit ng instumento si Tae Gi kaya dito ko naisipan bilhan siya ng regalo.

"Welcome to Instrument Shop! Anong maipaglilingkod ko sa iyo, binibini?"

"Gusto ko ng ukalele. Mahilig kasi yung kaibigan ko gumamit niyan. Nasira kasi yung ginagamit niya ngayon kaya bibilhan ko siya." may inabot siya sa akin na isang simpleng ukalele. May puting linings ito sa gilid. Maganda.

"Iyan na lang ang ukalele dito. Ginawa ko mismo iyan. 1,000 na lang para sa iyo, Hija." ibinigay ko na sa kaniya yung bayad ko. Ibinalot naman na niya iyon. 

Okey! Kay Yuri na lang! Ano bang magandang ibigay sa kaniya? Libro? Damit? Mug? Ah! Alam ko na! Teddy bear na lang iyung human size.

Dali dali akong pumunta sa tindahan ng mga teddy bears. Akalain mo iyon? May ganito pala dito. Bumili ako ng isang itim na may puti na teddy bears. Pinagawan ko pa siya ng ID.

Malambot lang din yung ID niya. Gawa sa unan  na inilagay malapit sa tiyan niya. Tinahi lang iyung pangalan. Yunicho. Pinagsama na pangalan naming dalawa.

Bumili na din ako sa may bilihan ng school supplies ng gift wrapper. Yung may mga heart heart na design.

Zeal Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon